ARAW NG SABADO KAYA NAMAN MARAMI akong oras para tumulong sa gawaing bahay dito. Maaga akong gumising at nagtungo sa kusina para puntahan si Manang Rosa. Naabutan ko ito na bising busy sa pagluluto.
“Good morning po Manang Rosa!” masayang bati ko sa kanya at nilingon naman ako at nnginitian.
“Good morning Feliz!” ganting bati nito sa akin.
“Manang ano pong pwede kong itulong? Wala pong pasok ngayon kaya free po ako maghapon pati po bukas.” Wika ko dito. Kailangan ko rin tumulong dahil ang usapan namin ni Sir Jay ay papasok akong katulong. Ngayon nakakatulog na ako ng sapat. Kaya naman mas madami akong energy. Madami pa akong time para mag-aral.
“Naku ikaw na bata ka talaga, sabing kaya na namin eh. Pero kung mapilit ka pwedeng ikaw na ang tumulong kay Helen para labhan ang mga kurtina at mga bed sheets.” Saad ni Manang Rosa.
“Okay po, salamat po Manang Rosa at may gagawin na po ako. Nasaan na po si Ate Helen para tulungan ko siyang kunin ang mga kurtina?” tanong ko kay Manang Rosa.
“Nasa taas siya, pero kumain ka muna bago ka tumulong. Ito nakaluto na ako. Maupo ka muna at bababa na rin iyon para mag agahan. Kailangan may laman muna ang tyan bago kumilos. Nandyan lang ang trabaho natin pero ang kumilos ng walang laman ang sikmura mas malaking problema.” Wika ni Manang Rosa. Ilang sandali nga lang ay bumaba na si Ate Helen.
“Helen ayan si Feliz nag prisinta na tutulong daw. Sabi ko ay tulungan kay maglaba ng mga kurtina. Pumayag naman at excited pa. Gusto ka pa ngang akyatin doon para tumulong. Piniit ko na muna para makakain muna tayong tatlo. Si Rey ay baka tulog pa. Titirhan na lang natin siya.” Wika ni Manang Rosa.
Masaya kaming kumain nila Ate Helen at Manang Rosa na may kaunting kwentuhan na kasama. Iba talaga ang may kasabay ka sa pagkain. Sa school si Elsie ang madalas kong kasabay.
“Tandaan mo Feliz, simula ngayon kami na ni Manang Rosa ang pamilya mo. Kung may problema ka ay huwag kang mahihiya na magsabi sa amin.” Ani nito na ikinatuwa ko naman.
“Tama Feliz! gayong ulilang lubos ka pala, ituring mo kaming hindi na iba sa iyo. Mabuti at kinuha ka ni Sir bilang katulong dito. Iba pa rin ang image mo kung mananatili ka roon.” Si Manang Rosa naman ang salita. Naikwento ko kung saan ako nag wo work bago ako kunin ni Sir Jay.
Mas maganda na yung may alam sila tungkol sa akin. Hindi ko naman kailangan ikahiya iyon dahil part iyon ng aking buhay. At wala naman akong inapakan na ibang tao ng magtrabaho ako doon. Ang alam ko ay malinnis pa ring trabaho iyon dahil wala akong ginawang masama. Kahit ang mga dancers o yung tu – me – table, hindi rin sila masama dahil trabaho lang din iyon. Karamihan naman na pumapasok doon ay para mag unwind. Hindi naman lahat ng naka table ay pwedeng hawakan ng customer may rules yon. Pwedeng magreklamo ang talent kapag may ginawa sa kanya ang parulyano na labag sa kanyang kalooban. Meron ding dark room, ibang usapan na kapag sa dark room. Depende pa rin ito sa usapan. Kaya hindi pwedeng husgahan basta basta ang mga tao na nagtatrabaho sa club at aakusahan sila na sumisira sila ng pamilya. Ordinaryong mga tao sila na may pangangailangan para mabuhay din kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Natapos kaming kumain na tatlo. Si Manang Rosa ay mamamalengke at kaming dalawa ni Ate Helen ang maglalaba at maglilinis dito. Nagsabi naman ako na pwede nila akong turuan. Una papasahurin ako ni Sir Jay bilang katulong, pangalawa ay wala naman akong gagawin ngayon dahil Saturday. Wala rin namang project na pinapagawa ang mga teachers kaya naman libreng libre ako para tumulong dito.
Umaasa ako na isang araw ay maabutan ko si Sir Jay na nandito sa bahay. Wala silang ibinibigay na identity ni Sir at labag daw iyon sa ibinilin nito. Sir Jay lang at wala ng iba. Kaya naman ang boses lang nito ang alam ko at yung pangalan nito ay galing lang sa mga kasama dito sa bahay.
Busy kami ni Ate Helen maghapon sa mga gawaing bahay dito. Nagpulot ako ng mga tuyong dahon sa likod bahay para hindi na ito hanginin at pumunta sa swimming pool. Ngayon ko lang nakita na may pool pala dito. Parang ang sarap maligo. Hindi ko pa naranasan ang magswimming kahit sa dagat o sa pool. Naririnig ko lang ito sa mga kaibigan ko. Ganito pala iyon. Sabi ni Ate Helen ay malalim ito at kung hindi ka marunong maglangoy ay huwag ng subukan. Walang marunong sa kanila dito hindi lang nila alam kung si Manong Rey ay marunong. Sila ni Manang Rosa ay hindi.
Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na ako ng kwarto. Hindi ko nahawakan maghapon ang phone ko. Iniwan ko lang dito, maliligo na sana ako ng maalala ko.
Ang daming messages. May galing kay Sir Jay, kay Elsie, Kay Abert at unknown number. Naupo muna ako sa upuan na nasa loob ng kwarto at inisa isang buksan.
From Sir Jay: “Feliz magpahinga ka, pwede kang hindi tumulong kanila Manang Rosa.”
“Kumain kang mabuti at enjoy mo ang weekend mo.”
“Bakit hindi ka sumasagot? Anong ginagawa mo?”
From Elsie: “Bestie anong ginagawa mo? Pwede ba kita tawagan para may maka usap naman ako? Busy ka ba?”
From Albert: “Feliz may text si Boss Joey, baka may number na mag text sa iyo. Hindi ka na niya na I miss call kahapon daw.”
From unknown number: “Hi Feliz!”
Napaka iksi naman ng message ni Joey kung siya man itong unknown number. Inisa isa kongi text ang mga ito pati na rin si Sir Jay. Si unknown number ang inihuli kong sagutin. Tatanungin ko muna para sigurado ako kahit na may sinabi si Albert.
To unknown number: “Sino po ito?”
Hindi naman nagtagal ay sumagot ito.
“Hello Feliz! Si Joey ito. Pasensya na ngayon ko lang naalala na magpaload. Kaya ngayon lang ako nakapag text.” Ani Joey
“Ah okay siniguro ko lang na ikaw nga ito. May message si Albert na may text ka raw. At ngayon na kinonfirm mo na ikaw ito ay isesave ko na ang number mo sa phone book ko.” Reply ko kay Joey.
“Salamat Feliz! Hindi ba ako nakaka istorbo sa iyo? Baka matutulog ka na?” tanong nito sa akin sa text.
“Hindi ka naman nakaka istorbo, tapos na naman ang trabaho ko. Nagpapahinga pa ako.” Sagot ko sa kanya. Totoo naman na nagpapahinga pa ako. Mamaya na ako maliligo, kapag tapos ko na siyang ka text.
“Pasensiya ka na kay Albert ha, kung madalas akong tuksuhin sa iyo. Gusto kong maging mag kaibigan sana tayo Feliz. Yung hindi ka maiilang na kausapin ako tulad ng pag kausap mo kay Albert. Syempre special sa iyo si Elsie dahil best friend kayong dalawa. Sana mabigyan ng chance na maging magkaibigan tayo.” Mahabang message nito. Gusto ko naman din na mawala ang ilangan sa aming dalawa pero paano ko sasagutin ang mga sinabi nito.
“Okay lang iyon alam ko naman na joker si Albert. Magkaibigan na naman tayo ah. Mahiyain lang ako pero masasanay din ako sa iyo at dadating yung time na kapag komportable ako sa iyo ay mawawala na yung ganoong pakiramdam mo. Tingnan mo si Albert hindi siya nahihiya kahit ano sinasabi.” Reply ko sa kanya.
“Okay sige, salamat Feliz, Hindi n akita iistorbohin pa. Baka kailangan mo ng magpahinga. Kapag may kailangan ka sa Math imessage mo lang ako para maturuan kita.” Message muli nito.
“Salamat Joey. Sige.” Sagot ko dito.
“Good night Feliz!” pahabol pa nitong mensahe. Hindi ko na sinagot kasi baka iba pa maging dating nito sa kanya. Naalala ko na naman tuloy ang napanaginipan ko noong nasa barung barong pa ako lalo na at nahulog ako sa higaan.
Tumayo na ako para maligo. Nakaligo na ako kaninang umaga ngunit sa dami ng ginawa ay pinag pawisan ako. Nakakahiyang higaan ang kama kung hindi muna ako maglilinis ng katawan. Pero maliligo na lang ako. May hot and cold shower naman na tinuruan na ako ni Manang Rosa kung paano gamitin.
Matutulog na rin ako at bukas ay isasama nila akong magsimba.