ANG BILIS NG ARAW at Lunes na. Maaga akong gumising dahil may flag ceremony kami ngayon. Tulad pa rin ng dati laging may text si Sir Jay at laging nag pa pa alala. Nadagdagan ang nagtetext sa akin, walang iba kundi ang kaibigan kong si Elsie.
Speaking of Elsie , malapit na pala ang birthday niya. Dalawang linggo mula ngayon. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nito na kapag 18 na siya ay pwede na siyang magpaligaw. Halata naman na gusto din niya si Albert. Hinihintay lang niya talaga ang tamang panahon at iyon ay ang pagsapit niya ng 18.
Bibilhan ko siya ng regalo, pag nag kataon ay ito pa lang ang unang tao na mabibigyan ko ng gift. Ibabawas ko na lang sa savings ko sa bangko ang ipambibili ko ng regalo dito, Hindi ko kasi alam kung kailan ako papasahurin ni Sir Jay. Nahihiya din akong magtanong dahil siya na rin nagbibigay ng aking allowance sa school at hatid sundo pa ako ng kanyang sasakyan. Kaya kahit hindi na ako pasahurin ay okay lang din. Sobra sobra pa pala naibigay niya yung cellphone pa lang ay mahal na iyon.
Naligo na ako at nagbihis. Bitbit ko na ang aking bag pagbaba para hindi na ako aakyat pagkatapos kumain.
“Good morning po!” masayang bati ko kay Manang Rosa at Ate Helen.
“Good morning din Feliz!” sabay nilang tugon sa akin.
“Ang agap mo Feliz ah?” ani ate Helen.
“Opo te, kapag Monday po ay dapat maagap dahil may flad ceremony po kami.” Tugon ko kay Ate Helen. Matandang dalaga na rin si Ate Helen, ayaw na niyang mag asawa dahil nag ka trauma siya sa boyfriend niya noong araw.
“Kumain na tayo kung maagap pala dapat makapasok si Feliz ngayon.” Ani Manang Rosa. Naka ayos na naman ang lamesa, malamang si Ate Helen ang naglagay na ng mga pinggan dito.
“Maupo ka na Feliz, ako na bahalang tumulong kay Manang Rosa,” wika nito sa akin. Hindi na ako nagpumillit dahil kahit anong gawin ko ay di sila papayag na tumulong ako. Lalo na at papasok ako.
Dumating na si Mang Rey at hinintay ko lang din Kumain. Maagap pa naman kaya hindi ako nagmamadali.
May text na si Elsie at sinabi nasa school na sila. Lagi na itong may message parang si Sir Jay.
"Feliz, ito pala ang allowance mo para sa linggong ito," Ani Manang Rosa. Nasa isang envelope ito na puti at naka sarado pa. Hindi pa nga ubos ang baon ko last week ay meron na naman ngayon. Sasabihin ko na lang kay Sir Jay kasi hindi naman ako titigilan ni Manang kapag hindi ko ito tinanggap.
"Salamat po Manang, I message ko na lang din po si Sir Jay." wika ko dito.
"Sige Feliz, sabihin mo kay Sir na naiabot ko na sa iyo. Kumain ka sa school at huwag mong tipirin ang sarili mo. Iyan ang bilin ni Sir Jay kagabi." wika nito sa akin. Pumunta si Sir Jay kagabi? Bakit hindi niya ako pinatawag.
"Nagpunta po si Sir Jay kagabi Manang?" tanong ko dito. Hindi ako makapaniwala na nagpunta si Sir tapos hindi naman ako kinausap.
" Oo, sumaglit lang para magbigay ng pang allowance dito sa bahay at pati na rin ng sa iyo." ani Manang Rosa.
" Ah okay po, sayang sana pala hindi ako natulog agad. Ang agap ko kasing natulog kagabi." wika ko na nanghihinayang.
" Makikilala mo rin si Sir Jay. May lakad yata sila ng family nila kaya siya nagmanadali." ani Manang.
" Feliz tara na! " narinig ko naman na wika ni Manong Rey.
" Sige po Manang sana sa sunod makilala ko na po si Sir Jay. Pasok na po ako." sambit koa pa dito. Sumumod na ako kay Manong Rey papunta sa sasakyan.
Marunong na akong magbukas at magsara ng pintuan ng sasakyan, tinuruan na ako ni Manong Rey.
Tinahak na namin ang papuntang school. Hindi pa naman nagriring ang bell pero nakapila na ang mga estudyante. Kay dumiretso na rin ako sa pila namin. Wala naman si Elsie dito pero sabi niya nasa school na siya.
Si Joey ang nadatnan ko na nasa pila. Hindi naman kasi ako pala bati kaya ilan lang din kumakausap sa akin.
"Good morning Feliz!" bati sa akin ni Joey. Napansin niya siguro na may hinahanap Ako. "Nakita ko si Elsie na nandoon sa may canteen, kanina. Sinundan nga ni Albert kaya magkasama siguro yung dalawa ngayon. Ayan na pala sila. " turo nito kung nasaan ang dalawa. Ang dami ng nasabi ni Joey. Ni hindi ko pa natugunan ang bati niya sa akin.
" Hindi siguro nag breakfast si Elsie kaya bumili ng pagkain sa canteen." sagot ko naman dito.
" Malamang, ngumunguya na eh. " sang ayon naman ni Joey kaya natawa kami pareho.
" Good morning bestie! Mukhang masaya ka? " bati nito sa akin.
" Good morning din. Hindi ako masaya, natatawa ako kasi ang aga aga mukhang gutom na gutom ka." wika ko dito .
" Ang galing mo ah! Paano mo nalaman?" tanong pa sa akin.
" Kumakain ka habang naglalakad, puno pa nga bibig mo eh!" sabi ko dito at nagtawanan ulit kami ni Joey.
" Talaga bang kayo pa ang natatawa sa akin? Close na ba kayo?" pang aasar nito sa Amin.
" Kailangan ba close bago tumawa? " wika ko dito. Napatingin naman ako kay Joey na naka ngiti, kaya nginitian ko na rin. Joke lang naman ang sinabi ni Elsie kaya joke ko rin siyang sinagot.
Nagring na ang bell kaya start na para magsimula ang flag ceremony. Napansin ko parang napapadalas na ang pagsama nitong dalawa sa Amin ni Elsie. Hindi na masyadong sumasama sa grupo nila ang dalawa.
Ang dami mo namang napapansin Feliz? sabi ko sa sarili ko. Iniwasan ko na rin munang mag isip, baka mangyari na naman yung nakaraan na Linggo na ako na lang ang nakataas ang kamay. Sobrang nakakahiya talaga ng araw na iyon.