17 Kabanata

1049 Words
ANO NAMAN ANG DAHILAN KO para hindi pansinin si Joey lalo na at tinuruan ako nito noong nakaraang araw. Pangit naman tingnan kung bigla akong magiging cold dito. Saka kahit papaano ay masaya naman siyang kasama. Marahil ay ako lamang ang pinapakiramdaman nito. Kaya hindi pa niya ma I open na todo ang sarili niya kapag kaharap ako. Nakikita ko kasi siya na mabiro din kapag ang tropa nila ang kasama niya. Nagsasalita ito ng madalas. Kapag kami ang kasama ay parang limited ito dahil ako ay limited lang din magsalita. Parang isang tanong at isang sagot. Kapag tumawa sila ay saka lang din ako tatawa. “Bestie itext mo na ako, para lang malaman ko ang number mo. Promise hindi kita guguluhin kapag oras ng work,” muling salita ng akong kaibigan na si Elsie. “Okay sige, anong number mo para maitext ko?” tanong ko dito. Agad naman niyang sinabi ang kanyang number at inilagay ko. Nag message lang ako ng “Hi I’m Feliz!” ganon lang para at least may name ko. Just in case di niya agad ma I save. Binigkas nito ang number ko ng matanggap niya ang message ko. “Feliz, isinave ko rin ang number mo para in case na may kailangan akong itanong ay maitanong ko sa iyo.” Paalam naman ni Albert. “Sige, magkaklase naman tayo. May reason naman para maitext ako. Ako rin baka kailangan kitang itext.” Sagot ko sa kanya. “Ikaw na mag message kay Feliz, ito ang number niya.” Ani Elsie at ginawa naman ni Albert. Tinuruan pa ako ni Elsie kung paano mag save ng bagong name sa phone book. “Ikaw bossing, kunin mo na rin ang number niya!” parang inuutusan pa it oni Albert at malakas ang pagkakasabi kaya naman parang nahiya itong si Joey na hindi kunin ang number ko. “Feliz, pwede bang isave ko din ang number mo? I call kita at pa save na lang ng number ko.” Nahihiyang wika sa akin ni Joey. Ako na ang nag adjust para dito. Pero walang call siya na ginawa. “Okay lang, malay mo ako pa unang mag text sa iyo dahil sa mga problem sa Math na hindi ko maintindihan.” Wika ko dito para hindi siya mahiya sa ginawa ni Albert. Ako kasi ang nahiya para sa kanya dahil nananahimik siya. “May pahiya hiya ka na ngayon Feliz?” wika ng aking konsensya. Maya maya ay may pumasok na message galing kay Sir Jay. “Feliz kumain ka ng mabuti para may lakas ka sa susunod na mga subjects. At huwag mong kalimutan na I message si Manong Rey kapag pauwi ka na.” bilin ni Sir Jay. Tapos na naman kaming magkuhaan ng number. Pero si Joey hindi ko alam ang kanyang numero dahil hindi naman niya ako miniscall o text man lang. “Bakit parang nanghihinayang ka?” sabi ng aking konsensya. Totoo naman na medyo nahiya ako dahil sabi ko pa dito para in case na may itatanong ako pero hindi naman siya nag message para masave ko number niya. Ipinasok ko na lang sa aking bag ang phone after kong sagutin si Sir Jay. Umasa pa talaga ako sa call na sinabi ni Joey. “Feliz, maya na lang kita tawagan kasi naubusan na pala ako ng load.” Wika nito sa akin. Bigla naman akong nabuhayan sa winika nito. May chance pa pala. Wala lang load. Bakit hindi na lang niya ibigay sa akin ngayon? Kahit walang call at walang text pwede naman pala. “Sige Joey, okay lang. Salamat.” Iyon lang ang sinabi ko dito at nagsimula na kaming kumain tulad ng sabi ni Sir Jay. Medyo nadagdagan na ang pag uusap namin ngayon. Kailangan lang ay mabuwag ng tuluyan ang barriers na nakaharang sa amin pareho. “Saan ba ang bahay ng amo mo Feliz?” tanong ni Albert. “Hindi ko masyadong tanda pero may Meadows ang pangalan ng Subdivision nila. Ahm parang Green Meadows Subdivision yata. Mayayaman ang nakatira doon. Mabuti mabait ang amo ko kasi ang layo din ng lalakarin ko kung hindi ako ipinahatid ni Sir Jay. Mamaya ay susunduin din ako nito kaya kailangan ko ng phone para ma I message si Manong Rey. Swerte ko talaga na napakabait ng aking amo pati na rin ang aking mga kasamahan sa trabaho.” Pagkukwento ko. Bahala na siya kung interesado sila o hind isa aking istorya. “Mayaman nga exclusive subdivision yata iyon.” Sagot sa akin ni Albert. “Oo nga kasi malalaki lahat ng mga kabahayan ang nakita ko. Wala pating nagllalakad sa mga kalsada. Kaninang umaga may pailan ilan pero nagjojogging sila..” dinigtungan ko ang winika ni Albert. “Pwede na kayang umakyat ng ligaw ang bossing ko?” sunod nitong tanong kaya naman nabatukan it oni Joey. Hindi naman malakas kasi tumawa pa si Albert. “Nahiya ka pa? Matatanda na kayo ni Feliz at hindi naman masama kung magkagusto ka sa kanya. Di ba Feliz?” baling naman nito sa akin kaya ako naman ang namula. “Ha? Bakit ako ang tinanong mo?” feeling ko na corner ako nito. Nakakahiya naman kung sagutin ko din ito. “Ikaw talaga pre,” baling ni Joey kay Albert. “Pasensya ka na Feliz, nagbibiro lang si Albert.” Turan naman nito sa akin. Kung sassagot ako baka isipan pa niyang may gusto ako. Pero parang need kong sumagot. “Alam ko naman na joker si Albert. Joke niya lang iyon, walang kailangang ihingi ng pasensya.” Naka sagot din. Sana lang ay hindi nito nahalata ang pamumula ko. “O sige na tayo ay kumain na at baka abutan pa tayo ng bell na naririto pa.” paalala sa amin ni Elsie. Tumahimik na kami at ang pagkain na lamang ang binalingan. Sana nga ay makapalagayan ko na ng loob si Joey yung kahit kaming dalawa lang ay walang tension na mararamdaman . Yung pakiramdam sana na komportable kami sa isa’t isa. Siguro naman ay malapit na iyon. Kumain na rin ako at baka mamaya ay mag message pa si Sir Jay at tanungin ako kung madami ba akong nakain? Napakabait talaga ni Sir Jay . Sana ay makilala at makita ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD