Selos
"Jiro, ang panget nung tatlong babae na kaklase natin. Hindi ba sila pwedeng ikick-out?" Napabusangot ang mukha ko. Gusto kong ako lang ang babae sa classroom na 'to. Yung ako lang ang prinsesa. Ayokong may hadlang sa lovestory namin. Ganoon pa naman ang mga nasa fairytales na humahadlang. Ang papanget ng mukha.
"Nung isang araw yung teacher natin ang gusto mong ipakick-out dahil parang si donkey. Tapos ngayon yung mga kaklase naman. Wala naman silang ginagawang masama sayo."
"Masama yung mga mukha nila. At napepeste ang mata ko." Napabusangot ang mukha ko.
"Hindi naman sana nagkakalayo ang edad niyo ni JK pero hindi naman siya ganyan." Napatingin kami doon sa isa niyang pinsan na si JK. Sa mga lumipas na araw nakilala ko rin silang lahat eh. Medyo naging close ko narin lalo na't kami lang naman ang nandito. Nakakasama ko sila sa mga activities. Ang kukulit nga nila eh. Si V yung napakaingay. Kahit ano lang yung pinagsasabi niya. Si Jame Brancen naman yung matabang hindi mabilang kung ilang chocolates meron yung nasa bag niya lalo na sa ilalim ng mesa na ang rami ring mga candies. Yung napakaputi naman na natutulog lang ang alam ay si Sylver. Ang suplado niyan hindi talaga namamansin. Yung isang pinakamatangkad sa kanila na si RM na parati lang nagbabasa ng libro. Si JK yung malaki yung ilong at si Harel naman yung jolly rin. At itong kausap ko naman ay si Jiro, ang prinsepe ko.
Dahil nakihalo ako dito sa mesa nila kaya sila narin itong naging kasama ko araw araw. Pero kay Jiro lang talaga ako dumidikit. Ayoko sa iba niyang pinsan.
Dumating rin ang araw na kailangan na naming grumaduate sa kinder. Nalungkot ako dahil hindi ko na magiging kaklase si Jiro. Magkaiba na kasi yung patakaran sa Elementary. Kailangan nang iseparate hindi kagay nung kinder kami na pwede lang ihalo.
Araw araw pinupuntahan ko nalang siya sa classroom nila. Kaklase ko naman sina V, JK, Jame Brancen at Sylver. Yung apat na 'yon ang naging seatmate ko. Masaya sila kasama pero ang iingay. Kaya kay Sylver ako tumatabi minsan.
Nang magGrade 2 kami ay wala paring pinagbago. Mas naging close kami sa isa't isa. Na halos kabisado ko na ang mga ugali nila. Pumupunta na nga ako sa bahay nila. Doon na ako tumira kina Julie dahil nalaman kong magkabitbahay lang pala sila. Kaso yung pinsan ko nagkukulong naman sa kwarto niya kalaro yung mga panget niyang barbie doll. Lalo na yung si Chloe na ilang beses ko nang sinambunutan. Hindi ko kasi siya mapalabas.
"Andito na ako." sabi ko nang pumasok ako sa bahay nila Jiro. Nakita ko naman na may pinagkakaabalahan si Jame Brancen. Nandito silang lahat eh. Nagtitipon sila parati.
"Ano yan Jame Brancen? Ba't may pusa?" Tiningnan ko ang pusang pinapainom niya ng gatas.
"Nakita ni V sa labas ng subdivision pagala gala. Ang cute Sky no?" Ngumiti siya sakin. Tuwang tuwa siyang pinapanood yung pusa habang hinihimas niya 'yong balahibo nito.
"Jame Brancen. Wala akong mahanap na pagkain ng pusa mo. Wala namang pagala galang daga dito eh." Bumusangot ang mukha ni V. Daga?
"Kadiri ka V. Hindi naman purket pusa ito daga narin yung ipapakain natin. Kaya pala ang tagal mong nakabalik." Napakamot ng ulo si Jame Brancen.
Nang bumaba rin si Jiro ay nalihis sa kanya ang buong atensyon ko. Napanguso ako habang tinititigan siyang bumababa sa hagdanan. Ako lang ba o ang bagal talaga ng pagkakababa niya?
"Ba't may pusa dito? Alam niyo namang takot diyan ang kapatid ko." sabi niya.
"Hindi naman 'to nangangalmot." sagot ni Jame Brancen na ayaw na atang ialis ang tingin sa pusa niya.
"Jiro, punta tayo sa playground." Inilingkis ko agad ang kamay ko sa braso niya.
"Anong gagawin mo doon? Papaakyatin mo na naman ba ako sa slide para lang puntahan ka sa taas? Ginagawa mong palasyo ang lugar na 'yon." Umismid siya sakin. Napangisi lang ako at hinila siya palabas. Nagpatianod naman sakin. Reklamo siya nang reklamo sa mga gagawin ko pero sumasama naman.
"Jiro, hindi ba pwedeng doon nalang ako sa classroom niyo?" Napanguso ako habang naglalakad kami papunta sa playground. Nasanay na akong kasama siya. Nakakabagot yung hindi ko siya katabi.
"Lamang ako ng 1year sayo. Hindi ka pwede sa classroom ko." Napabusangot ang mukha ko.
"Pero gusto ko doon! School niyo naman 'yon ah!"
"Hindi pa ba sapat yung pinapapasok ka sa classroom namin kahit na may klase ay bigla ka nalang pupunta doon?" Napaismid lang ako. Gusto ko bawat sigundo, minuto, oras gusto ko nasa tabi niya ako.
Nang makarating kami sa playground ay kinuha ng isang babae ang atensyon ko. Hindi dahil maganda siya kundi dahil nakaupo siya sa swing na nakasanayan kong upuan. Ayoko talagang may umuupo diyan bukod sakin.
Napatingin siya kay Jiro kaya nairita agad ako. Pinulupot ko naman ang kamay ko kay Jiro kaya nalipat sakin ang tingin niya. Napansin ko agad yung mga dumi sa mukha niya kaya hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. Ang panget kasi. Bata pa nga ang rami nang dumi sa mukha. Feeling ko pag hinawakan ko yung pores ng mukha niya masusugatan ang kamay ko. Pimples ba yan? Tigitig sa mukha? Basta ang panget niya.
"Nakaupo siya sa swing ko." Napanguso ako kay Jiro.
"Hayaan mo na. Marami diyan. Wag mong aawayin. Doon nalang tayo sa slide." Hinila niya ako doon.
"Pero nakatitig siya sayo. Ang creepy. Ang panget pa." Napabusangot ang mukha ko.
"Hayaan mo na. Kahit ano nalang talaga yang pumapasok sa utak mo." Umakyat nga kami doon sa may slide. Nandoon lang ako sa taas na parang bahay. Mas gusto ko dito eh. Pakiramdam ko nasa isang castle ako.
Yung babae naman napapatitig talaga sakin. Ma-aout of place yan. Bukod sa mukha niya mag-isa lang rin siya. Aalis yan.
Nang mag-ambon ay nagdesisyon rin naman kaming bumalik sa bahay nila. Kaso hindi pa lang kami tuluyang nakakapasok sa loob ay natanaw na namin yung mga pinsan nila sa may puno. Nakita namin doon si Jame Brancen, umiiyak ito. Hinihimas naman ni Sylver yung likod nito para patahanin.
"Anong nangyari?" tanong ni Jiro nang makalapit kami sa kanila. Malulungkot ang mga mukha nila pero si Jame Brancen itong umiiyak talaga. Napansin ko rin na may bulaklak yung lupa. Parang may inilibing doon sa harap ng puno.
"Yung pusa. Nasagasaan ng kotse. Naiwan kasi ni V na bukas yung gate." sabi ni JK.
"Y-Yung pusa ko. *huk" sabi ni Jame Brancen habang kinukusot ang magkabilang mata at umiiyak nang walang tigil.
"V kasi." Tumalim ang tingin ni Siga kay V.
"H-Hindi ko naman 'yon sinasadya." Napatago agad si V sa likod ni Rap.
Unti unting bumuhos ang ulan kaya hinila agad ako ni Jiro papasok sa bahay habang yung kamay niya ay ginagawa niyang payong sa ulo ko. Nagtakbuhan kami sa balconahe ng bahay nila at doon sumilong. Kaso doon lang namin namalayan na nagpaiwan pala si Jame Brancen doon at umiiyak parin habang nakatingin sa puntod ng pusa niya.
"Kung hindi lang kita pinsan V nakatikim kana sakin." Inis na sabi ni Sylver. Kumuha siya ng payong at binalikan si Jame Brancen. Pinayungan niya ito doon. Mukhang wala kasing balak na bumalik ni Jame Brancen dito. Pinanood nalang namin sila doon. Nakatayo si Sylver habang pinapayungan ang kapatid niyang nakaupo pero hindi naman nakasayad ang pwet sa sahig. Kinukusot niya parin ang mga mata niya. Nakakaawang panoorin.
"Pakiramdam ko ako ang susunod na ibuburol dahil ang talim ng tingin ni Sylver sakin kanina." takot na sabi ni V.
"Ba't mo kasi iniwang bukas yung gate." Inis na sabi ni Rap.
"Hindi ko naman alam na tatakbo pala yung pusa. Baka kasi gusto lang nung tumakas. Kahit ano na kasi yung pinapakain ni Jame Brancen sa kanya. Baka nagreklamo yung pusa at gusto nalang layasan si Jame Brancen." sabi ni V habang nagkakamot ng ulo.
"Humanda ka talaga kay Sylver. Pag-iinitan ka niyan hangga't hindi tumatahan si Jame Brancen." Tinapik tapik ni Harel ang balikat niya.
"Bilhan mo nalang ng panibagong pusa." sabi ni Jiro.
"Tapos maiiwan na namang bukas ni V yung gate edi panibagong sakit na naman sa dibdib ni Jame Brancen." sabi ni Rap.
"JK. Pasok na tayo sa loob. Wag mo akong iwan ha." sabi ni V.
"Sky. Halika na sa loob. Medyo naulanan ka. Uminom ka ng tubig." Hinawakan ni Jiro ang pulso ng kamay ko at hinila ako sa loob. Nagtungo kami sa kusina. Hindi maalis sa utak ko yung imahe ng magkapatid sa labas. Naaawa ako kay Jame Brancen. Kitang kita ko kasi sa mga mata niya kanina kung gaano niya kagusto yung pusa. Pinakain niya pa nga agad at halos ayaw niya nang iwan tapos sa isang iglap namatay nalang.
"Ang sakit nung ginawa ng pusa kay Jame Brancen. Iniwan niya." Napabuntong ako ng hininga habang nakaupo ako dito harap ng mesa. Siya naman ay nandoon sa ref at may hinahalughog na pagkain. Isinara niya rin iyon at may inilabas na bottled water tsaka pizza.
"Ayoko niyan Jiro. Umuulan. Gusto ko ng soup." Napanguso ako.
"Soup? Eh hindi pa ako gaanong marunong magluto. Shrimp lang 'yong alam ko." sabi niya. Yan kasi yung nahiligan kong kainin pag lunch time namin kaya nagpaturo siya sa Mommy niya kung paano magluto.
"Gusto ko 'yon." Pumangalumbaba ako sa upuan ko. Napabuntong naman siya ng hininga.
"Sige. Tatawagan ko si Mommy. Magtatanong ako kung paano 'yon lutuin." Inilabas niya ang phone niya sa bulsa niya kaya napangiti agad ako.
Habang may kausap siya sa phone pumasok naman dito sina Jame Brancen at Sylver. Basa si Jame Brancen at humihikbi parin.
Umupo siya sa tabi ko na halos taas baba ang balikat dahil hindi matahan ang sarili.
Ibinigay ko naman sa kanya yung bottled water na inilapag ni Jiro sa harapan ko.
"Uminom ka ng tubig. Magkakasakit ka niyan Jame Brancen." sabi ko.
"Yung p-pusa." Pumakawala siya ng hikbi. Kinusot niya ulit ang mata niya. Paano kaya siya nakumbinsi ni Sylver na papasukin dito at iwan nalang yung puntod ng pusa?
"Tigilan mo na nga yang kakaiyak. Hahanap ulit tayo ng pusang gala bukas sa subdivision." Iritadong sabi ni Sylver nang makabalik na siya dito at may dalang tuwalya. Pinunas niya 'yon sa buhok ni Jame Brancen. Pati sa braso nito.
"Ayoko! G-Gusto ko 'yun" Humagulhol lalo si Jame Brancen. Nakakaawa siyang tingnan.
"Sige. Mamaya huhukayin ko yun sa libingan niya." sabi ni Sylver. Umismid ako sa kanya. Kita niyang umiiyak na yang kapatid niya pinapaalala pa talaga na patay na yung pusa.
"S-Si V kasi." daing ni Jame Brancen. Hinimas himas na ni Sylver ang likod niya.
"Nasan na ba 'yon? Hindi ko pa nakikita simula nang pumasok ako dito. Lintek na lalaking 'yon. Hindi nag-iisip." Iritado niyang sabi. Sigurado ako nagtatago na 'yon.
"Why don't you buy a new one Sylver? Para may pusa ulit siya." sabi ko.
"Yun na nga plano ko. Kaso itong matabang 'to ang arte. Gusto niya yung pusa niyang nasagasaan."
"K-Kasi napamahal na 'yon sakin!" pagtatanggol naman ni Jame Brancen sa pusa niya.
"Kaya nga ibibili kita. Lalagyan natin ng kadena sa leeg. Itatali ko sayo para hindi na makalabas. Kung pwede si V nalang itong ikakadena ko total siya naman itong hindi nag-iisip." sabi ni Sylver.
"T-Talaga? Kailan ka bibili? Eh wala ka ngang pera." Medyo tumahan na si Jame Brancen pero halatang namumugto yung mata.
"Pupunta ako ng Restaurant. Kukuha ako ng pera doon. Ibibili kita ng pusa. Yung mataba. Kagaya mo." Natawa naman si Jame Brancen. Kahit pagsusuplado itong alam ni Sylver pagdating sa kapatid niya napakaalalahanin.
"Wag kanang umiyak. Tss." Pinagpatuloy ni Sylver ang kakapunas ng buhok nitong medyo tumutuyo na.
"Magluluto ako ng soup. Jame Brancen. Magpalit ka ng damit sa taas. Sylver, pasok kayo sa kwarto ko. May malalaki akong damit doon. Magkakasakit yang kapatid mo." sabi ni Jiro pagkatapos niyang makipag-usap sa phone niya.
"Mabuti pa nga. Halika na Jame Brancen. Humanda talaga sakin yang si V pag nagkasakit ka." Iritadong hinihila ni Sylver si Jame Brancen palabas. Ang cute nilang magkapatid. Kahit masakit magsalita si Sylver ang sweet niya parin.
"Ang sweet ni Sylver." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin parin doon sa nilabasan ng dalawang magkapatid.
"Pagtiisan mo nalang yang pizza. Wala na ako sa mood magluto." Napakurap ako dahil sa sinabi niya.
"Huh? Diba sabi mo magluluto kana?" Eh tinawagan niya pa nga ang Mommy niya! Sigurado akong alam niya na kung paano magluto.
"Wag na. Kung gusto mo nang umuwi sabihin mo nalang sakin. Nasa kwarto lang ako." Umismid siya sakin at lumabas ng kusina. Anong nangyari sa lalaking 'yon?
Lumabas narin ako ng kusina. Nakita ko agad si V na nakahiga sa sofa habang may unan ang bawat katawan niya. Anong ginagawa niya diyan?
"V?" tanong ko. Sinilip ko pa ang mukha niya.
"Ssshhh! Sky. Alis kana dali. Baka magtaka si Sylver ba't mo kausap yung sofa. Baka isipin niyang may tao dito. Ang weird mo kinakausap mo yung sofa." pabulong niyang sabi. Napangiwi ako. Eh halata naman siya dito. Nakikita pa nga yung dalawa niyang paa. Sa lahat ng pagtataguan niya dito pa talaga.
"Lagot ka." Natawa ako dahil sumagi sa utak ko ang gawain ni Sylver na humihiga dito. "Pagbabayaran mo talaga ang pagpapaiyak mo kay Jame Brancen." Natatawa akong lumayo doon.
"Nakakakilabot kang tumawa Sky." narinig kong sabi niya. Umakyat rin ako sa taas. Nadatnan ko pa si Sylver na pababa na. Kitang kita ko kung paano siya napatingin sa sofa.
Huminto ako at tiningnan ang tuluyang pagpunta ni Sylver doon. Walang hesitasyon siyang humiga doon. Yan kasi. Sa lahat ng maiisipan niyang pagtataguan diyan niya pa naisipan. Nakapaabsent-minded talaga.
Nagpatuloy rin ako sa paglalakad. Pumunta ako sa kwarto ni Jiro. Kasama niya sa loob si Jame Brancen. Binuksan ko naman 'yon at pumasok sa loob. Nakabihis na si Jame Brancen at nagtatalukbong ng kumot habang nakaupo sa kama at nanonood ng anime. Slamdunk.
"Nasan kapatid ko Sky? Sabi niya hahanapin niya daw si V?" sabi ni Jame Brancen sakin nang makapasok ako sa loob.
"Ginawang sofa ng kapatid mo. Teka, nasan si Jiro?" Iginala ko ang tingin ko nang huminto ito sa balkonahe. Nakabukas kasi 'yon. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Jame Brancen at naglakad na patungo doon. Nadatnan ko siyang malayo ang tingin pero magkasalubong ang kilay.
"Jiro?" Narinig niya ako pero hindi siya lumingon.
"Uuwi kana?" tanong niya sakin.
"Galit ka?" Lumapit ako sa kanya. Sinilip ko ang mukha niyang hindi man lang ako nililingon.
"Hindi." Seryoso niyang sabi.
"Talaga? Then look at me." Nilingon niya ako pero umismid lang siya sakin at ibinalik ang tingin sa tinitingnan niya kanina.
"Galit ka!" Sinapak ko ang braso niya. Alam ko kung galit siya! Ayaw niya akong tinitingnan sa mata ko. Alam ko 'yon dahil ganon ang trato niya sakin pag may ginagawa akong hindi niya nagustuhan.
"Hindi nga." sabi niya. Ni wala man lang epekto sa kanya yung pagpalo ko sa braso niya.
"Kung hindi ka galit edi ano? You're acting weird. Sabi mo ipagluluto mo ako. Tapos nagbago bigla yung isip mo." Humalukipkip ako.
"Wala. Hindi na 'yon mahalaga." seryoso niya paring sabi.
"Hindi ka makatingin sakin tapos hindi mo ako nilutuan ng suop. And then ganito yung trato mo sakin. Cold. Galit ka." sabi ko.
"Hindi nga sabi. Ang kulit. Ihahatid na kita pauwi." Hinawakan niya ang pulso ng kamay ko. Agad ko naman yung binawi. Ba't ba dinedeny niya eh halata naman!
"No! I'm staying here! Galit ka!" Umirap ako sa kanya at nagmartsa palabas ng balkonahe. Pumasok naman bigla si V dito at nagtatatakbo papunta kay Jame Brancen. Mabilis siyang pumunta sa kama at pumasok rin doon sa kumot na tinatalukbong ni Jame Brancen.
"Kung kapatid mo Jame Brancen! Itago mo ako. Nakakatakot si Sylver! Papatayin na ata ako! Kanina lang hinigaan niya ako! Halos mawalan ako ng hangin! Nakakatakot!" Isiniksik ni V ang sarili niya kay Jame Brancen. Nagkakagulo sila sa loob ng kumot.
"V naman eh! Nanonood ako oh." Napasimangot si Jame Brancen. Pumunta narin ako doon. Nakisali ako sa kanilang tatlo.
"Sky? Gusto mo ring manood? Pero wag yung princess ha. Itong slamdunk lang." Hindi ako umimik. Umupo lang ako sa harapan nila.
"Ayan. Magtalukbong ka rin ng kumot." Tinalukbungan nga ako ni Jame Brancen. Magkasalubong lang yung kilay ko habang nasa screen yung tingin. Nanonood ako pero hindi ko maipasok sa utak ko dahil sa inis kay Jiro.
Lumabas naman si Jiro doon sa balkonahe at napatingin sakin. Umirap ako sa kanya. Isiniksik ko ang sarili ko kay Jame Brancen. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kanya. Kitang kita ko kung paano nag-igting ang panga niya. Pakialam niya? Tss.
"Iuuwi na kita." may diin niyang sabi nang huminto siya sa harapan namin.
"Ayoko. Dito lang ako. Manood kami ni Jame Brancen ng anime." Umismid ako sa kanya.
"You don't even like that stuff." Umirap ulit ako sa sinabi niya.
"Nag-aaway ba kayo Jiro?" tanong ni V.
Hinila ko yung kumot at itinalukbong na ng buo sa mga katawan namin kaya wala na kaming makita. Nandito kaming tatlo sa loob. Ayokong makita yung mukha ni Jiro! Naiinis ako! Nagagalit sakin!
"Sky. Nag-aaway ba kayo ni Jiro?" tanong sakin ni V. Umismid lang ako.
"Scarlet Gail." May diin na 'yon. Napabusangot ang mukha ko. Bahala ka diyan. Ayokong lumabas dito.
"Ang saya naman! Para tayong nagcacamping!" sabi ni Jame Brancen na ngumingisi pa.
Narinig kong bumuntong ng hininga si Jiro. Napakurap ako.
"Fine. Labas na diyan. Hindi nga ako galit. Bumaba tayong dalawa. Ipagluluto na kita." Lumiwanag naman agad ang mukha ko. Tinanggal ko agad yung kumot at umalis sa kama. Nilapitan ko siya at agad ipinulupot ang kamay ko sa kanya.
"Talaga? Tara!" Napangisi ako.
"Ewan ko talaga sayo babae ka." Naiiling niyang sabi. Napahagikhik lang ako.
"Jame Brancen! Alisin mo yung kumot! Wala na akong makita dito sa loob!" sigaw ni V. Nilingon ko ito at nakitang kinukulong na ni Jame Brancen si V sa kumot mag-isa.
"Diyan ka! Namatay yung pusa ko dahil sayo!" Nagpumiglas na si V. Mukha na siyang nirewrestling ni Jame Brancen dahil hinihigaan niya na ito at niyayakap ang buong kumot para makulong niya si V sa loob at hindi matanggal yung kumot sa katawan nito. Ewan ko talaga sa dalawang yan.
Pumasok nga kami sa kusina ni Jiro. Umupo ulit ako doon at pinapanood nalang si Jiro na magsisimula nang magluto.
"Ba't nawala ka sa mood kanina? Feeling ko talaga nagalit ka." sabi ko.
"Hindi nga sabi." sabi niya naman. Nasa harap na siya ng sink at may pinagkakaabalahan doon.
"Edi ano?" sabi ko.
"Magkaiba ang galit sa selos."
Huh? Selos? Selos saan? Wala akong matandaan na ikinakaselos niya. Napangisi nalang ako. He's jealous. Ibig sabihin niyan ayaw niyang may iba pa akong prinsepe bukod sa kanya!