Delafuente cousins
Excited akong pumasok araw araw para lang makita ko yung lalaking prinsepe ko. Simula nung naramdaman ko yung t***k ng dibdib ko gusto ko nalang na parati kong napagmamasdan ang mukha niya. Kahit hindi niya naman ako nililingon!
Mag-isa lang ako dito sa desk ko habang inuunan ko ang ulo ko sa kamay ko at nakatitig sa kanya doon sa kabilang table. Kasama niya yung maiingay niyang pinsan.
"Jiro. Yung babae, pansin ko talaga nakatitig siya sayo." sabi nung isa sa mga pinsan niya. Basta Delafuente yan sure ako. Yan apelyido ng prinsepe ko eh. Kay Jiro lang kasi kinabisado ko bawat attendance. Yung sa mga pinsan niya hindi ko masaulo. May Sumon? KJ? Yung may Hope rin yung dulo. Ewan ano yung mga pangalan nilang ang kokomplikado. Yung V lang natatandaan ko.
Napalingon si Jiro sakin. Nagsmile agad ako kaso umirap siya. Nalaglag ang panga ko. Masyado naman ata siyang cold!
Hindi ko nakayanan yung pangdededma niya sa ngiti ko kaya tumayo ako at nagpunta sa table nila. Natigilan naman silang pito at napatingin sakin.
"Ikaw." Tiningnan ko yung crush ko.
Tumitig lang siya sakin. Ang suplado naman. Doon sa fairytales dapat nga nakangiti na siya ng malapad sakin at handa na akong isayaw habang kumakanta kaming dalawa. Ba't siya ganito makaasta sakin? Hindi ba ako maganda sa paningin niya?
Hinila ko ang laylayan ng tshirt niya kaya napatayo siya nang wala sa oras.
"Ano ba?" Iritado niya akong tiningnan. Kung mga pinsan niya naman nakatitig lang sa amin.
"Wala akong katabi sa mesa ko. Doon ka umupo." Itinuro ko yung mesa ko.
"Huh? Wala ka bang kaibigan dito? Yang dalawang babae?" tanong nung ewan sino yan. Basta isa sa mga pinsan niya.
Hindi ako kumibo sa nagtanong sakin. Nakatutok lang ang buong atensyon ko kay Jiro habang hawak ko yung laylayan ng uniporme niya.
"Gusto kitang katabi." sabi ko sa kanya.
"Ayoko." Hinigit niya ang uniporme niya saka siya bumalik sa pag-upo. Napanguso ako. Ba't ang suplado niya? Ba't nagagawa niya akong dedmahin nang ganito? Am I not enough? Hindi naman ako panget ah! At mas lalong hindi ako kapalit palit!
Bumalik ako sa mesa ko at kinuha ang pink bag ko tsaka ang pink lunchbox ko at pumunta sa mesa nila. Napatitig ulit yung mga pinsan niya sakin. Kaso si Jiro dedma parin sakin! Anong silbi ng dalawang mata niya kung hindi niya naman makikita ang ganda ko!
"Ako diyan. Tabi kami ni Jiro." sabi ko doon sa may malaking ilong. Ano pa kayang malaki sa kanya? Katulad talaga siya nung mga dwarfs ni Snow White na malalalaki ang ilong.
Hindi umimik yung sinabihan ko pero agad namang tumayo at tumabi doon sa isang letra lang ang pangalan. Napapagitnaan siya nung mataba tsaka ni V.
Pumwesto rin ako sa tabi ni Jiro. Inilagay ko sa harap ang lunchbox. Napatingin ako sa space ng upuan namin. May space!
"Usog ka nga dito." Hinila ko siya palapit sakin. Naiirita niya akong tiningnan. Pati yung upuan niya hinila ko. Kahit hindi naman ako malakas nahila ko talaga siya papalapit sakin. Nagpagaan siguro siya. Pero ba't inaartehan niya ako?
"May crush ka ba kay Jiro?" tanong nung mataba.
"Crush? Ba't siya magkakacrush? Mukha bang eroplano yung babae sa paningin mo Jame? Ba't magkacrush?" tanong nung may isang letrang pangalan. Ang bobo niya naman. Di niya ba alam yung crush?
"Tanga. Crush! Yung pag tiningnan mo gwapo o kaya maganda. Gwapo ba si Jiro?" sagot nung mataba. Napatingin silang lahat kay Jiro nang dahan dahan. Kaya ako napatingin narin kay Jiro. Ilang sandali lang humagalpak na sila ng tawa. Anong nakakatawa?
Ang tagal nilang natapos sa pagtawa. Hinahampas pa nila yung lamesa na para bang may nakakatawa talaga.
Umirap nalang ako sa kanila at itinuon ang buong atensyon ko kay Jiro na tahimik lang.
"Ilang taon kana? Gusto mo sumama sakin mamaya sa bahay? Manonood tayo ng fairytales. Yung mga princess." Napangiti ako. Nilingon niya lang ako at tiningnan sa mukha. Blangko lang ang ekspresyon ng ngiti niya. Ba't ba siya ganyan!
"O gusto mong sa bahay niyo?" dagdag ko.
"Ang ingay mo. Ang kulit pa. Ba't hindi ka lumipat doon sa mesa mo?" Iritado niyang sabi.
"Kita mo! Ang bad niyang si Jiro! Wag kang magcrush sa kanya!" sabi nung si V. Hindi ko lang pinansin.
Dumating yung teacher kaya hindi ko na siya nakausap pa. Ayaw niya rin kasing daldal ako nang daldal dahil may teacher daw. Edi tumahimik nalang ako. Pinagdrawing kami. Ang panget nilang magdrawing! Pati si Jiro! Kailangan kasi naming idrawing ang sarili namin kung anong gusto namin paglaki.
"Jiro. Patingin ako sayo." Sinilip ko ang gawa niya. Tinatago niya na kasi.
"Wag ka ngang makulit. Gawin mo yang sayo." Umirap siya sakin.
"Pasilip lang naman ako. Alam ko naman na ang panget niyan. Nakita ko na kanina.
Patingin lang ulit." Sinilip ko ulit sa braso niya. Tinatakpan niya talaga!
"Ugh! Yung uniporme ko magugusot." Inalis niya rin yung isang kamay ko sa uniporme niyang hinihila ko rin. Nakita ko ng buo ang dinrawing niya. May suot nang sombrero yung nasa ulo tapos sa taas may chef?
"Ba't chef? Dapat prinsepe! Prinsesa yung akin oh! Dapat partner tayo." Napanguso akong ipinapakita sa kanya yung gawa ko na nakasuot ng mahabang gown. Kinulayan ko pa nga ng pink.
"Trabaho ba yan?" Iritado niyang tanong sakin.
"Eh ito yung gusto ko eh." sabi ko.
"Tss." Umirap siya sakin at itinuon na sa drawing niya. Kinukulayan niya na 'yon. Kumuha narin ako ng color sa gitna kung saan iyon nakalatag at tinulungan siya.
"Magaling ako magkulay." sabi ko habang sinisimulang kulayan yung drawing niya. Umismid siya sakin pero hinayaan niya lang ako. Siya naman yung nagkulay sa paligid.
"V, ano yan? Ba't may stars sa taas? Tapos may planets? Pupunta ka sa kalawakan? Anong gagawin mo dun?" tanong nung mataba.
"Bibisitahin niya yung kamag-anak niya. Nandoon narin yung utak niya eh. Nauna nang pumunta." sabi nung maputi masyado.
"Design lang yan. Eh yang gawa mo nga hindi kapanipaniwala." sabi naman nung si V na tinitingnan yung gawa nung mataba. Ang papanget ng mga drawing nila pansin ko talaga.
"Huh? Eh ito yung pangarap ko eh. Bata pa ako syempre. Pag laki ko kapanipaniwala na 'to." sagot nung mataba habang nakangiti. San nagpunta yung dalawang mata niya? Ba't nawala?
"Hindi yan. Eh ang payat mo diyan sa drawing mo. Lagyan mo ng bilbil yang tiyan mo para kapanipaniwalang ikaw yan. Tapos yung sa mukha mo naman lagyan mo ng dalawang bilog yung pisngi mo." sabi nung si V. Napabusangot naman yung mukha nung mataba. Kumuha siya ng crayon tapos bigla niyang isinulat doon sa drawing ni V.
"Anong ginawa mo sa gwapo kong drawing?! Naging green yung mukha oh!" Inis na sabi ni V. Gumanti naman. Kinuha yung drawing nung mataba at nilukot niya. Gumanti narin yung mataba. Kumuha siya ng maraming crayons at ipinagsusulat sa mukha ni V na pati uniporme ay nadumihan na. Yung mga pinsan niya walang pakialam sa pinaggagawa ng dalawa.
"Ano? Tutulong ka ba? Eh nakatitig ka lang sa mga pinsan ko. Akin na nga yan. Bumalik kana doon sa mesa mo." Inis na hinablot ni Jiro yung crayolang hawak ko.
"Akin na. Hindi pa ako tapos sa pagdadrawing eh." Napanguso akong kinuha sa kanya yung crayons. Buti nakuha ko rin pabalik.
"Eh paanong hindi ka matatapos titig ka lang nang titig sa mga pinsan ko." Iritado niyang sagot.
"Leche kayong dalawa! Yung drawing ko lumagpas na dahil sa kalikutan niyo!" galit na sabi nung may malaking ilong. Ang linis pa naman sana nung pagkakadrawing niya.
At dahil nadamay na siya ay nakisali narin siya sa dalawa. Ang gulo na nilang tatlo. Hanggang pati yung pinakamatangkad sa kanila ay nasangga na nila. Natigilan silang tatlo nang mapansin nila kung sino ang nasangga nila. Dahan dahan pa silang napatingin doon sa pinsan nila na galit na galit na ang mukha dahil lumagpas narin yung pagkukulay niya.
"Hala. Yung mukha ni RM naging itim oh. Lumagpas sa mukha niya ang kinukulay niyang kulay itim sa paligid." sabi nung si V.
"Hala? Lumagpas ba? Hindi naman halata RM. Maitim ka naman talaga eh. Okay lang yan." sabi nung may malaking ilong.
"Ang lilikot niyo!" Kinuha na nung si RM daw ang isang ruler kaya mabilis na napatayo yung tatlo at napatakbo na. Hinahabol sila ng ruler nung si RM. Ba't kaya ang kulit nila? Si Jiro hindi.
"Ayan. Tapos na Jiro." Kinuha ko ang drawing niya at itinabi sakin.
"Sylver? Ba't ganyan yang drawing mo? Hawak mo yang mundo tapos umaapoy. Ano yan? Pangarap mong sunugin ang mundo?" tanong nung may hope ang dulo ng pangalan. Kaming apat nalang yung naiwan dito sa mesa eh. Naghahabulan pa kasi yung apat.
"Infires." sagot nung Sylver daw. Ang puti niya sobra! Feeling ko mas maputi pa siya kaysa sakin.
"Infires? Balak mong maging bombero?" tanong ulit nung may Hope.
"Wag mo nga akong pakialaman." Umismid yung Sylver. Ang susuplado naman ng magpipinsan na 'to.
Kumuha ako ng lapis at kinuha ulit yung drawing ko. Nilagyan ko ng Jiro's doon katabi nung Princess saka ko ipinakita sa kanya.
"Maganda diba?" Napangiti ako.
Hindi siya sumagot pero tinitigan niya lang. Kinuha ko naman yung sa kanya at nagdrawing ako ng clouds sa taas niya.
"Wag mo ngang dinadagdagan yan." Hihilain niya na sana kaya iniharang ko agad yung kamay ko.
"Teka lang. Kukulayan ko lang. Ang ganda nga eh." sabi ko.
"Ba't mo dinagdagan ng langit? Anong koneksyon niyan sa drawing ko?"
"Ako. Sky. Para magkasama parin tayo sa pangarap mo." Natigilan siya sa sinabi ko.
"Ano? Pangarap ko ang langit ganon?"
"Huh? I mean ako 'to." Tinuro ko pa yung langit na drawing ko.
"Yun na nga. Hanggang pangarap lang. Akin na nga yan. Wag kang nakikialam." Hinablot niya sakin yung drawing niya. Binura niya yung drawing kong langit kahit na mahirap namang burahin. Nadudumihan na yung drawing niya. Pumanget tuloy.
"Ba't mo binura? Ang ganda na nun eh."
"Ayokong mangarap sa imposibleng maabot." sagot niya sakin. Seryoso niyang itinuloy ang pagbura. Ba't kaya ganyan siya kasuplado? Ang ganda naman sana ng gawa ko. Ang gusto ko lang naman ay kasama niya ako sa pangarap niya.
"Ganyan ka ba? Ba't ang sama mo sakin? Yung sa drawing ko kasama kita sa pangarap ko. Pero ikaw... binura mo." Naging malungkot ang boses ko kaya natigilan siya sa pagbubura. Napabuntong ako ng hininga. Hindi ko na siya nilingon pa at itinuon nalang sa harap yung atensyon ko. Tinitigan ko nalang yung drawing ko na may Jiro's Princess. Mali ba 'to? Kailangan ko rin bang burahin yung Jiro? O yung Princess?
"Oh ayan." Napakurap ako nang tumambad sa harapan ko yung papel niyang may drawing. Nilingon ko siya na nakatingin lang sa ibang direksyon.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko.
"Idrawing mo nalang ulit yung Langit."
"Diba ayaw mo?" Kumunot ang noo ko.
"Lagyan mo nalang. Bahala na." Napangiti ako at kinuha ulit yung papel niya. Nagdrawing ulit ako langit sa taas. Hinaylights ko nalang yung binura niya. Nagkalat na yung kulay blue dahil sa pagkakabura niya kaya nilakihan ko nalang yung drawing ko na langit. Ramdam ko yung pagtitig niya sakin habang ginagawa ko yun.
Natapos rin naman ang subject na 'yon. Kaya lunch na. Dito na kami kumain. May mga lunchbox rin sila.
"Hala. Pahingi ako niyan Brancen." Kumuha si V doon sa lunchbox nung tinawag niyang Brancen ng pagkain.
"Pahingi rin ako." sabi naman nung Brancen na kumuha rin ng pagkain doon sa lunchbox ni V pero yung kinuha niya yung hiningi ni V sa kanya.
"Hoy tabachoy. Yung hiningi ko sayo yung kinuha mo."
"Kaya nga hinihingi ko ulit. Gawa to ni Mommy. Uubusin ko 'to. Wag kang nakikisawsaw."
"Ang takaw mo. Kaya ka mataba eh. Madadagdagan yang bilbil sa tiyan mo. Dalawang layers na yan. Sige ka."
"Yun parin 'yon. Pag binigyan kita malilipat ba sayo yung taba ko? Hindi naman diba?"
"Kasi madamot ka. Solohin mo yang katabaan mo. JK. Pahingi na nga lang ako." Sa lunchbox naman siya ni JK kumuha.
"V. Ang rami niyang pagkain sa lunchbox mo. Ba't ka pa nanghihingi?" tanong nung JK. Ah, JK pala yung may malaking ilong. Medyo kahawig niya si Jiro.
"Wala lang. Gusto ko lang. Sylver--"Pag kinulang ako sa pagkain at nagutom ako ikaw ang lalamunin ko ng buo mamaya V." putol nung Sylver sa kanya kaya natikom agad ni V yung bibig niya.
Ibinaling ko naman sa lunchbox ni Jiro ang atensyon ko. Ang sarap nung mga pagkain niya halata sa pagkakaarrange at sa kulay nung pagkain.
"Jiro, patikim ako." Kumuha ako nung isang shrimp sa lunchbox niya.
"Akin na. Tss." Inagaw niya sakin yung shrimp. Ang damot niya naman ata. Isa lang naman eh.
"Babalatan ko lang. Hindi ka marunong." sabi niya habang sinisimulan nang kunin yung katawan ng shrimp. Napangiti ako.
"RM! Si Jiro oh! Ang bastos! Harap harapang hinihubaran yung shrimp! Ang laswa!" sabi ni Brancen.
"Hoy Brancen! Itikom mo nga yang bibig mo! Kumain ka diyan kundi ipapalunok ko sayo yang kutsara at tinidor mo." Umismid yung si RM.
"Ayan." Inilagay niya sa lunchbox ko yung shrimp. Binigyan ko rin siya ng baon ko. Masarap naman 'yon eh.
"Sinong nagluto nito?" tanong ko habang sumusubo ng pagkain.
"Yung Mommy ko." sagot niya.
"Talaga? Ang sarap ng luto ng Mommy mo. Pahingi ulit ako Jiro." Kukuha na sana ulit ako kaso mas nauna niya yung damputin.
"Ako na sabi." Binalatan niya ulit 'yon.
"Punta ako sa bahay niyo. Ipakilala mo ako sa Mommy mo." Napalingon siya sakin dahil sa sinabi ko. Para bang may kung ano doon.
"Kinder ka pa." sagot niya.
"Kinder naman talaga ako ah." Napanguso ako. Bawal ba yung kinder sa bahay nila?
"Tss." Itinuon niya ulit sa shrimp yung buo niyang atensyon.
"Jiro! Ako rin! Balatan mo yung akin!" Sabi ni V. Karamihan ata sa ulam niya ay shrimp. Mahilig siya sa shrimp?
"May kamay ka V. Gamitin mo." sabi ni Jiro.
"Ang daya! RM! Patulong ako pabalat." sabi ni V.
"Ano? Babalatan kita? Lapit ka dito nang masimulan ko." sagot nito kaya napangiwi si V. Tumawa naman si Brancen kaya ayun nabulunan na mabilis na pinainom ng tubig ni Sylver.
"Sige tawa ka pa." Iritadong sagot ni Sylver habang hinihimas ang likod nung si Brancen.
"Kuya. Maliit nalang ulam mo. Ayan oh." Nilagyan ni JK yung lunchbox ni Jiro. Magkapatid pala sila? Kaya pala magkahawig.
Nang mapansin niyang tinititigan ko siya nag-iwas agad siya ng tingin. Na para bang takot siyang makipagtitigan sa isang babae. Paano nalang kaya kung yung tatlong babae na kaklase namin ang tumitig sa kanya. Eh ang papanget nun. Sigurado ako ikakamatay niya 'yon.
"RM. Doon muna ako matutulog sa bahay niyo. Wala sila Mommy sa bahay eh. Kahit sa guestroom nalang ako." sabi nung may hope ang dulo ng pangalan.
"Ano? Naduduwag kana naman?" tanong ni RM.
"Kasi, yung katulong namin pakiramdam ko may ginagawang kababalaghan tuwing gabi. Nung uminom ako ng tubig nadatnan ko naghihiwa siya ng manok. Tapos dahan dahan siyang lumingon sakin at nginitian ako. Sa sobrang takot ko kumaripas ako ng takbo. Nauntog pa nga ako sa pader. Nakakatakot sobra." Takot na takot na paglalahad nito. Anong nakakatakot doon?
"Para naghihiwa lang kinakatakot mo na." sabi naman ni Sylver.
"Basta. Iba pakiramdam ko eh. Nakakakilabot ang matandang katulong na 'yon. Ang haba pa ng buhok!"
"Mas matakot ka kung kalbo 'yon at nawalan bigla ng buhok." sabi ni Sylver.
"Tapos gagapangin ka nun Harel. Kalbo si Nanay at ngumingisi sayo. Walang ngipin." sabi ni JK kaya humagalpak na naman ng tawa si Brancen. Siya itong napapansin kong ang daling matawa sa kanila.
"Oo tapos gagapang siya sa hagdan niyo habang tinatawag pangalan mo. Ngey-owp. Kasi wala siyang ngipin kaya hindi niya masasambit ng maayos ang pangalan mo. Ngey-owp." dagdag ni V kaya mas lalong humagalpak ng tawa si Brancen. Si Harel namutla naman. Napakamatatakutin niya ba?
"Ngey-owp." Sabay na sabi nila V at JK habang ngumingisi pa kay Harel.
"T-Tigilan niyo nga ako!" Takot niyang sabi.
"Ngumain ngana Ngey-owp." sabi pa ni JK na sinundan ulit ng hagalpak ng tatlo.
Hindi nila tinantanan si Harel sa kakaasar. Nagagawa pa nilang kalabitin tapos kunwari hindi sila 'yon. Pag lumingon naman sasagot agad si V. Hindi ko maintindihan dahil umaakto parin siyang ngongo siya. Yung Ngey-owp lang ang naiintindihan ko. Ang kukulit nila. Wala atang oras na hindi sila nag-aasaran at maghahabulan naman. Hindi nila kayang umupo nalang. Si Sylver lang ata yung ganon na nakaub-ob lang sa mesa ang mukha. Kakaibang magpipinsan.