Hindi ko alam kung paanong nangyari at natagpuan ko na lang ang sariling kasama si Yudz habang naglilibot sa island bazaar. Nawaglit na nga sa isip ko na ang taong-espasol ang kasama ko. Iyong inis na nararamdaman ko ngayon ay para na sa sarili ko dahil hinayaan kong sumama siya sa'kin. "Hindi sila bagay, 'di ba?" Napalingon ako sa sinusundan niya ng tingin. Parang gusto kong kaltukan ang sarili dahil sa ilang minuto naming pagkakasama ay hindi na mabilang kung ilang beses akong nagkasala dahil dito sa kasama ko. "Hayaan mo na sila, buhay nila iyan," mahina pero matigas kong sagot kay Yudz. "Paano ko hahayaan, eh, ang sakit nila sa mata," sagot niya. Marahas akong napabuga ng hangin at matalim siyang tinapunan ng tingin. "Masakit ka rin naman sa mata pero tiniis kita, 'di ba?" asar