Ilang sandali pa ay nakisiksik na kami ni Xolani sa ibang nanood ng street dancing. Kusang gumuhit sa mga labi ko ang isang masayang ngiti nang tumambad sa paningin ko ang makukulay na kasuotan ng mga sumasayaw. Nagmistulang mga makukulay na isda ang mga dancers. Bonggang-bongga ang costumes ng mga kalahok. Merong mga bata at meron ding mga malalaki na. Ang cute tingnan no'ng mga kabataan. Mukha rin namang tuwang-tuwa sila sa pagsasayaw na ginagawa. Hindi gano'n kasakit ang sikat ng araw kaya hindi rin gano'n kainit. "Pagkatapos nito ay sa gym naman itutuloy ang dance festival competition," sabi sa'kin ni Xolani. "Manonood din tayo." "Anong kaibahan niyon dito?" tanong ko habang nakamuwestra sa mga sumasayaw sa harapan namin. "Doon talaga ang complete choreography nitong sayaw nila,