chapter 6

1647 Words
Sa SkyLine Resort kami tumuloy pagkagaling sa pier. Saglit ko lang napasadahan ng tingin ang ganda ng lugar dahil tumuloy na kami sa hotel room na nakatalaga para sa amin. Pagkahigang-pagkahiga ko sa unang kamang namataan ko ay mabilis akong nakatulog. Nakalimutan ko na ngang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagod. Nang muli akong magising ay parang gusto kong mangati dahil sa suot ko. Huling naalala ko ay kasama ko sa silid si Xolani pero mukhang nasa labas na ito dahil bakante ang kama nito. Naisip kong maligo muna bago ito hanapin at ang mga pinsan ko at dalawang kaibigan. Matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Nandito kami sa isang resort kaya sigurado ako na may pwede namang kainan sa lugar na ito. Ngayong nakapagpahinga na ako ay iyong gutom na naman ang problema ko. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na naalalang wala palang laman ang tiyan ko. Nasa hotel industry ang mga Carson kaya sanay ako sa eleganteng disenyo at magarbong ayos ng isang establishment katulad nitong resort, pero kapansin-pansin pa rin talaga ang kaibahan nito in a good way sa nakasanayan ko. Hindi ito pahuhuli roon sa mga napuntahan ko na sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi naman gano'n kalaki ang hotel ng resort pero bumawi sila sa mga bongga nilang closed cottages na malapit sa dalampasigan. Parang ang sarap doon mag-stay. Pababa na ako sa lobby ng hotel nang makasalubong ko si Asher. Pagkakita sa'kin ay agad nagliwanag ang mukha nito bago maarteng nag-flip hair at binilisan ang paglapit sa'kin. "Good afternoon, Karlee dear..." masigla nitong bati sa'kin. "Aakyat na sana ako para gisingan ka. Halika, lunch is ready." Bago pa ako makatugon ay hinila na niya ako papunta sa kung saang direksiyon. "Gutom ako, Asher," reklamo ko habang nagpapaubaya sa panghihila niya. "Of course, kakain na tayo..." pakanta niya pang sagot. "Hindi ka pwedeng gutumin at baka bigla kang maging dragon," pabiro niyang dagdag. Kapansin-pansin ang tila kakaibang kasiglaan niya ngayon at may pa-sway-sway pa ng isang kamay habang naglalakad kami. Parang gusto kong magduda na merong nangyari habang tulog ako. "So, how's your sleep?" tanong nito kapagkuwan. "Ikaw iyong pinakamatagal nagising. Nakaligo na kami sa dagat and everything pero tulog ka pa rin." "Nasaan iyong triplets?" tanong ko sa halip na tugunin ang mga sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro na hindi pa nasangkot sa kung anong kaguluhan ang tatlong iyon. Diretso sa hanay ng mga open cottages ang direksiyong tinatahak namin at malayo pa lang ay natatanaw ko na ang tatlong hinahanap ko. Naghalinhinan ang tatlo sa pag-pose at pagkuha ng larawan nang isa't isa. Lihim akong nagpasalamat at mukhang wala pa namang ginawang kalokohan ang mga ito. Itong si Asher lang yata ang may ginawa dahil sa kakaiba nitong kinikilos. "As you can see, they're enjoying the view," pahayag ni Asher nang mapansin nitong nakatingin na ako sa triplets. Matamang tumuon ang mapanuri kong tingin sa kanya. "Stop staring, Karlee," sita niya sa'kin bago ako nilingon. Kahit hindi pa tumitingin ay ramdam niyang nakatingin ako. Sign lang iyon na may nangyari nga! "Anong meron?" tanong ko sabay hinto sa paglalakad. Napilitan din tuloy siyang tumigil upang harapin ako. Humalukipkip ako habang hinihintay ang magiging sagot niya. "Karlee!" tawag sa pangalan ko ni Xolani. Mula kay Asher ay ibinaling ko ang tingin sa pinanggalingan ng boses nito. Naroon ito sa isa sa mga open cottage at kasama nito si Star na nakangiti ring natingin sa direksiyon namin ni Asher. "Who are they?" bigla kong naitanong kay Asher nang mapansin ang dalawang lalaking kasama ni Xolani at Star. "Hindi mo akalaing nandito lang pala sa islang ito ang ganyan kagwapong mga nilalang, 'no?" humahagikhik niyang balik-tanong. Tama naman ito. Kahit si Jazriel lang ang tanging gwapo sa mga mata ko ay hindi ko maitatangging may ibubuga rin ang dalawang lalaking tinitingnan ko ngayon. "Itang nakangiti na parang anghel na binaba rito sa lupa ay si Cloud, take note ha... ibinaba at hindi bingasak kaya ganyan kaperpekto ang mukha," tila kinikilig na sabi ni Asher. Alam kong bakla itong kaibigan ko pero ngayon ko lang napagtanto kung gaano kabakla! Wala na yata talagang pag-asa si Xolani, hindi na nito maitutuwid si Asher. At ngayon ay may ideya na ako kung bakit tila ang saya-saya nito. Nakakita lang pala ng gwapo dito sa isla. Sino ba naman ang mag-aakalang ganito kababaw ang kaligayahan ng kaibigan kong ito? "Iyan namang hindi palangiti pero nakakatunaw kung tumitig ay si Sky." Bahagya pa itong tumili pagkatapos sambitin ang pangalan ng lalaki. "Nakakapawis ang titig kahit laging mukhang galit." Bahagya akong napangiwi habang pinapanood ang ginawang pagkagat-labi ni Asher habang nakatitig sa tinutukoy na lalaki. Minamanyak pa yata nito sa isipan ang walang kamalay-malay na si Sky. "Sino nga ang mga iyan?" umikot ang mga mata kong putol sa pagpapantasya ni Asher. "Mga kakambal ni Star, triplets sila," sagot niya. Agad kong naalalang nabanggit nga ni Star ang tungkol sa mha kakambal niya. Nagpalipat-lipat ako ng tingin kay Star at sa dalawang lalaki. May resemblance nga. "Ang ganda pala ng lahi nila," saad ko. "Parang lahi ni'yo rin, walang tapon," tila nangangarap na wika ni Asher. "Lahat masasarap..." Nang sulyapan ko siya ay naroon sa tinatawag na Sky ang tingin niya, hindi sa mukha kundi sa nakalantad nitong katawan. Parang gusto ko tuloy ibutones ang nakabukas na polo ng lalaki upang itago mula sa mapagsamantalang mga mata nitong kaibigan ko. Upang putulin ang kung anong tumatakbo sa utak ni Asher ay hinila ko na siya upang makalapit sa kinaroroonan nina Star. Nang tuluyan na kaming makalapit ay tsaka ko lang napansin ang mga pagkaing nakahanda sa mahabang mesang naabutan namin. "Kumain ka na, Karlee," nakangiting aya sa'kin ni Star at agad akong inabutan ng plato bago pinaghila nang mauupuan. Napansin kong kasalukuyang kumakain ang lahat. Maging si Asher ay meron nang pagkain sa kanyang harapan na halatang kanina pa nabawasan. Mukhang nagsimula na silang kumain bago niya ako pinuntahan upang yayain. Ilang sandali pa at natagpuan ko na ang sariling nakaupo habang hindi maalis-alis ang tingin sa masaganang pagkaing nasa harapan ko. Lalong nakakagutom ang mga nakahandanh seafoods. Takam na takam ako sa malalaking alimango at sugpo. Idagdag pa ang iba't ibang uri ng mga seashell. Napangiti ako nang maalalang nasa isla pala ako. Mukhang worth it naman ang nakakapagod na biyahe kung ganitong mga pagkain ang maabutan ko rito. Not to mention, the view... Yes, of course... the view na kasalukuyang nasa line of vision ko. Magkakasala pa yata ako nito kay Jazriel kung palaging nasa harapan ko itong kakambal ni Star na si Sky habang nakalantad ang six-pack abs nito. "Karlee, mga kakambal ko pala." Pasimple akong nag-iwas ng tingin sa abs ni Sky upang balingan si Star na nagsasalita. "That is Sky," turo nito sa magandang view na palihim kong tinitingnan kanina. "And this is Cloud," tukoy nito sa katabi na hindi rin nagpapahuli sa pagiging magandang lalaki. "Hi, Karlee," nakangiting bati no'ng Cloud sabay lahad ng kamay. "It's nice to meet you," nakangiti kong tinanggap ang palad nito. Firm grip, the way I like it! "The pleasure is all mine," magiliw nitong tugon bago pinakawalan ang palad ko. "Hello," pormal namang saad ni Sky. Isang tipid na ngiti ang binigay nito sa'kin bago nag-abot ng kamay. Katulad ni Cloud ay firm din ang hawak nito sa palad ko. Mukhang hindi lang hanggang good looks ang mga ito. Nang sulyapan ko si Xolani ay abala ito sa pagkain at mukhang hindi naman apektado sa dalawang masasarap naming kasama na kulang na lang ay lalawayan na ni Asher. Hindi ako tututol kung mabaling ang pagtingin ni Xolani sa isa sa kanila ni Sky at Cloud. Sana nga ay magigising na siya na pogi rin ang hanap ni Asher kaya wala na siyang pag-asa rito. "Are you related to the Carson Empire?" tanong ni Sky na umagaw sa atensiyon ko. Saglit akong tumigil sa pagsandok ng pagkain upang ngitian ito. "Kind of..." balewala kong sagot bago nagpatuloy. "We've heard about your family," saad nito. "Sana iyong mabubuti lang ang narinig mo," pabiro kong tugon. "Hindi kami mahilig sa tsismis," pakikisali ni Cloud sa usapan. "Pero totoo bang prinsipe ang napangasawa no'ng isa mong pinsan?" Sinundan nito nang tawa ang tinanong kaya napatawa na rin ako. "Huwag mo nang sagutin," umikot ang mga matang sabi sa'kin ni Star. "May follow-up question iyan 'pag sinagot mo. Kumain ka na lang diyan..." Inilapit pa nito sa'kin ang ilang ulam. Mukhang hindi lang ang lugar na ito iyong maganda kundi pati ang ugali ng mga taong nakatira dito. Halata kasi sa magkakapatid ang pagiging welcoming nila. May certain aura sa kanila na mapapalagay ang loob mo kahit na kay Sky na bihira lang ngumiti. "Yes to your question," baling ko kay Cloud. "Thank you," sabi ko naman kay Star matapos akong abutan ng inumin. Nginitian lang ako ni Cloud at hindi na nagtanong ulit matapos bigyan ni Star ng nagbabantang tingin. Mukhang under ng nag-iisang babae ang dalawang kakambal. Natuon na ang pansin ko sa pagkain at unang subo ko nitong inihandang fish dish na hindi ko alam kung ano ang tawag ay gusto kong mapapikit sa sarap. Pakiramdam ko ay mapapadami ang kain ko ngayon. Magana akong kumain habang naririnig ko mula sa malayo ang masayang harutan ng tatlo kong pinsan. Nagsimula na ring magkwentuhan nang kung ano-ano ang mga kasama ko habang itinuloy ang naantalang pagkain. Chill na chill ang buhay rito, parang tuluyan nang nagbago ang ilang gusto ko sa buhay. Kung dati ay mas gusto ko ang ingay ng siyudad, ngayon ay parang nagugustuhan ko na rin ang kapayapaang hatid ng ganitong lugar. Walang ingay ng mga sasakyan at ang pumaibabaw na ingay sa paligid maliban sa nagkakatuwaan kong mga pinsan ay ang mabining hampas ng alon sa dalampasigan. Mukhang ito na yata ang bakasyong ilang beses kong naisip pero hindi ko naiplano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD