cheap 5

1556 Words
Kunot-noong sinuyod ko ng tingin ang sasakyan naming ferry papunta sa isla na kinaroroonan ng bayan ni Star. Malayo ang binyahe namin mula sa kabilang siyudad hanggang papunta rito sa nag-iisang port kung saan kami sasakay ng ferry. Walang byahe direkta papuntang isla. Meron namang in-offer na private chopper ang kaibigna ni Asher pero lahat ng mga kasama ko pati iyong triplets ay gustong ma-experience ang bumyahe nang pagkahaba-haba. Gusto ko nang kwestiyunin ang sarili ko kung tama pang hinayaan ko silang magdesisyon na isama ako sa kalokohan nilang ito. Nakaupo lang naman ako buong byahe pero pakiramdam ko ay bunugbog ang buo kong katawan at ngayon naman ay kinakailangan pa naming sumakay ng ferry. Halos isang buong araw na kaming bumibyahe! Saang lupalop ba ng mundo ang lugar nitong si Star at bakit sobrang layo naman yata! Napalingon ako sa narinig kong kumosyon ng mga kasamahan kong tawang-tuwang nag-selfie. Mabuti pa sila at mukhang enjoy na enjoy sa nakakapagod naming ginagawa. Ano bang vitamins ang tinitira ng mga ito at nag-uumapaw pa rin ang energy nila? "Ilang oras ba ang byahe papunta roon?" tanong ko kay Asher nang sumabay ito sa paglalakad ko. Bitbit ang dalang shoulder bag ay pasakay na kami sa ferry. Naroon sa dala naming mga sasakyan ang mga gamit namin. Dalawang sasakyan iyong dala namin at parehong may nakatalagang driver. Iyong mga iyon na rin ang nagsisilbing bodyguard no'ng triplets ni Tita Marah. Hindi naman daw mapanganib sa pupuntahan naming lugar pero gusto lang ni Tita makasiguro na ligtas kami. "One hour and a half," sagot ni Asher sa tanong ko. Bagsak ang balikat na nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang gano'n katagal sa byahe. Gustong-gusto ko na talagang ihiga ang katawan ko sa malambot na kama. "Ate Karlee, smiiiile!" Napapikit ako sa bilang pagkislap ng camera sa mukha ko. "Sabi ko smile, bakit ka pumikit?" natatawang tanong ni Ava na siyang may hawak ng camera. "Pagod ako,Ava. Please lang... huwag ngayon," nakasimangot kong sagot. "Hindi ka ba nag-i-enjoy?" tila gulat na tanong ni Bella. Gusto ko itong samaan nang tingin pero maging iyon ay nakakapagod gawin kaya nagkasya na lang ako sa pagbigay rito ng blangkong tingin. Ang sarap sana magmura pero nagtitipid ako ng energy. "Para lang naman tayong sumabak sa isang mini-adventure!" masaya pa nitong pagpapatuloy habang ako ay hindi magawang ngumiti kahit pilit. "Ang saya nang ganitong experience, Ate. First time nating sumakay sa ganito!" iminuwestra pa nito ang mga kamay sa paligid ng ferry. "Parang yacht lang din ito," paingos kong wika. Mas malaki pa nga iyong mga yate na pagmamay-ari ng mga pamilya namin. Hindi rin gano'n kalinis at kaganda ang amoy ng paligid. "Pero dito ay may mga kasabayan tayong ibang mga tao," sabat ni Carla. "Isn't this exciting? We're traveling with strangers!" Hindi ko talaga matukoy kung alin doon ang exciting, maliban sa nakikita kong nangungumbinsing kislap na nasa mga mata niya. Kawawa naman ang pinsan kong ito, mukhang ngayon lang yata nakikisabay sa ibang tao. Mga hayop siguro nakakasalamuha ng isang ito aa city. "Huwag masyadong maingay," nanaway kong saad. "Pinagtitinginan na tayo. Baka isipin ng mga iyan ay ngayon ka lang nakakita ng ibang tao," pabulong kong dugtong. "Hello..." magiliw niyang bati sa isang ginang na nakatingin sa'min. Ang lukaret ay kumaway-kaway pa na parang artista. Napangiti tuloy ang ginang sa kanya. "Ang babait nila," pabulong pang sabi sa'kin ni Ava. Sa halip na sumagot ay pasimple ko na lang siyang kinaladkad palayo dahil baka mamaya ay iyong mga kasama naman ng ginang ang babatiin niya. May natanaw akong mga bakanteng upuan kaya agad kong sinenyasan ang iba na sumunod sa'kin habang hila-hila sa isang kamay si Ava na panay ang kuha ng larawan gamit ang hawak na camera. "Tigilan mo na nga iyan," saway ko sa kanya nang marating namin ang mga upuan. "Documentation ko 'to, para may maipakita ako kay Mommy," sagot niya. Nauna na akong naupo sa kanya at iyon din ang ginawa no'ng dalawa niyang kakambal at nina Xolani at Asher. Medyo may katigasan iyong ferry seats pero sa tingin ko ay kaya ko namang pagtiyagaan. Okay na ganito at least pwede naman akong tumayo upang mag-inat kung makaramdam na ako nang pangangalay. Madaling araw na kaya wala gaanong pasahero. Naririnig ko iyong hampas ng alon sa sinasakyan namin at tunog no'ng makina, pero nangingibabaw talaga iyong ingay ng triplets at ni Xolani. Nakakahanga talaga ang energy nila. Bata pa naman ako pero hindi ako makasabay sa kanila. Mabuti pa si Xolani dahil mukhang hindi rin napapagod. Si Asher naman ay abala sa kung sino-sinong kausap sa cellphone. Ako lang talaga itong ramdam ang pagod mula dulo ng buhok ko hanggang talampakan. Habang umaandara ng sinasakyan naming ferry ay parang pipikit na talaga ang mga mata ko. Hindi naman ako makatulog dahil nahihirapan ako sa posisyong nakaupo. Nakakabawas na lang sa hindi komportable kong pakiramdam ang malamig at preskong hangin. Pinili ko kasi open space na bahagi ng ferry kaysa roon sa loob na may aircon. Mahigit kalahating araw na akong nakakulong sa sasakyan kaya mas maiging makalanghap naman ako ng preskong hangin. Hindi naman natigil ang kulitan ng triplets kasama si Xolani. Wala na akong lakas na sawayin ang mga ito. Hinahayaan ko na lang tutal ay hindi rin naman ako makakaidlip. Mabilis din naman agad dumaong ang sinasakyan namin sa pier ng lungsod no'ng kaibigan ni Asher. Nakisabay kami nang magsibabaan na ang mga pasahero. Iyong mga pinsan ko ay parang mga batang tuwang-tuwa habang tinuturo ang maputing dalampasigan na naaabot nang tanaw mula sa kinaroroonan namin. Nandito pa lang kami sa daungan ng pier pero sobrang nakakamangha na ang natatanaw kong puting buhangin. Nauna akong naglalakad habang nakasunod sa'kin iyong iba. Nasa hulihan pa ng mga pasahero iyong mga isinakay na sasakyan sa ferry kaya hihintayin na lang namin ito sa designated area. "Welcome to Bantayan!" Mula sa pagpalinga-linga sa paligid ay nabaling ang tingin ko sa isang magandang babae na nakangiti sa direksiyon namin. Pamilyar ang mukha nito pero hindi ko maalala kung saan ko ito unang nakita. Komportable itong nakasandal sa sasakyang nakaparada na tila may hinihintay. Kung kilala ko ito ay iisipin kong kami ang hinihintay nito. "Star!" masayang sigaw ni Asher. Iglap lang ay nakalapit na ito sa babaeng tinitingnan ko. Ngayon ay alam ko na kung bakit pamilyar ang babae, ito pala ang sinasabing kaibigan ni Asher na si Star at talagang kami nga ang inaabangan nito. "Guys," tawag ni Asher sa atensiyon no'ng iba. "This is Star, my friend. Siya ang nag-imbita sa'tin dito," pakilala pa nito sa lahat. "Hi po, Ate Star," panabay na bati no'ng tatlo kong pinsan. "Star, this is Ava, Bella, and Clara Carson," pakilala ni Asher sa triplets kay Star. "Kilala mo naman si Karlee, 'di ba? Mga pinsan niya ang mga ito." "Well, hello, girls," magiliw na kausap ni Star sa triplets. "Alam ni'yo bang triplets din kami ng dalawang lalaki kong kakambal?" Napangiti ako sa narinig. May mga triplets sa angkan namin pero ngayon lang ako makakilala sa personal ng triplets na iisa iyong babae. "Oh my gosh! Really?" gulat na bulalas ni Carla. Maging iyong dalawa nitong kakambal ay kakutaan din ng interes sa sinabi ni Star. "Yes, at makikilala ni'yo rin sila," nakangiting sagot ni Star. "I hope you will enjoy your stay here." "Star, thank you for extending your invitation to us," pakikisali ko sa usapan. Ayoko namang isipin nitong masyado akong snob. Hindi porke't hindi ko siya matandaan ay kakalimutan ko nang magpasalamat. Mukha naman siyang mabait. At maganda siya kaya feeling ko ay makakasundo ko siya. Hindi naman mukhang liblib itong lugar niya kaya medyo napanatag ako nang konti. Akala ko kasi maaabutan ko ay mga buntok at dagat, parang jungle gano'n. Halata namang moderno na ang paligid. Kahit masasabing dito nakatira itong si Star ay malinaw na hindi ito matatwag na ordinaryong mamayan ng islang ito. "It's nothing," nakangiting sagot ni Star sa pahayag ko. "I'm thrilled to welcome visitors to our island, especially those who are from other countries. Tiyak na magiging enjoyable ang experience ni'yo rito lalo na sa darating na fiesta." "Mukha ngang exciting," tanging nasambit ko. I can see the beaches from afar, this could be more fun than what I first thought. Bigla nga ay parang nabawasan ang antok ko. Nakakawala pala ng pagod tuwing ganitong nakikita ko ang papasikat na araw at ang payapang karagatan. "Kumusta ang biyahe?" maaliwalas ang mukhang tanong ni Star sa aming lahat. "Tiring, but exciting," pumilantik ang kaliwang kamay na sagot ni Asher. Sinegundahan naman agad no'ng iba. Pinili kong manahimik dahil mukhang ako lang yata ang puro reklamo ang masasabi tungkol sa biyahe. Nakababa na rin ang dalawang sasakyang dala namin at huminto na ito sa tapat namin. "So, convoy na tayo papunta sa resort kung saan kayo tutuloy?" tanong ni Star kapagkuwan. Tsaka ko lang napagtantong sasakyan niya pala ang kinasasandalan niya kanina. Tama nga ako sa una kong impression na hindi siya ordinaryong mamamayan. Hindi afford ng isang simpleng fashion fanatics ang sasakyang dala niya. "That would be great," sagot ni Asher. "Let's go, guys, para naman makapagpahinga na tayo." At last! Lihim akong nagdiwang pagkarinig sa huli nitong sinabi. Pahinga talaga ang kailangan ko. Bukas ko na i-explore ang natatanaw kong white sand beaches.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD