Mapapa-this is life na sana ako dahil sa napaka-relaxing na pakiramdam pero may nahagip ang paningin kong papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung talagang busog na ba ako o sadyang nakakawala lang ng gana na kahit sa ganito kagandang lugar ay makikita ko pa rin ang pinakanakakainis na tao na walang iba kundi ang kaibigan ni Ate Alex na si Yudz. Gaano ba kaliit ang bansang ito at muli ay nagtagpo na naman ang landas namin nitong half tao half impaktong nirolyo sa sandamukal na foundation? "Hanggang dito ba naman ay nakasunod ang taong-espasol na ito?" hindi ko napigilang bulalas habang nakatuon ang tingin aa direksiyon nang papalapit na si Yudz. "Magkakilala kayo ni Yudz?" curious na tanong ni Star sa'kin. Mula kay Yudz ay bumaling ang tingin ko kay Star. "K-kilala mo rin