chapter 15

1299 Words

Normal lang naman siguro na na-upset ako sa nalaman ko mula kay Mommy pero ang medyo hindi normal ay ang nagawa ni Yudz na alisin ang isip ko sa bagay na gumugulo rito. Pansamantala kong nakalimutan ang naramdamang sama ng loob dahil natuklasan habang kasama siya na nanonood ng dance festival. Sobrang daming tao at medyo nagkapatong-patong na rin ang mga kasalanan ko dahil sa kasama kong lalaki na kung anu-ano na lang ang napupuna sa kapwa. Kaya hindi ako makapag-emote simula pa kanina sa restaurant ay dahil sa kanya. "May naamoy akong kakaiiba rito sa katabi ko." Tinapunan ko ng matalim na tingin si Yudz nang meron na naman siyang binulong sa'kin. "Manahimik ka!" paasik kong bulong pabalik sa kanya. Pasimple kong sinulyapan ang katabi niya at medyo malaking mama ito. Kapag siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD