Isang tikhim ang pumigil sa akma kong pagresbak sa pang-iinsulto ni Yudz sa hinaharap ko. Tsaka ko lang naalala na kasama pa pala namin iyong Tito Deo niya at ngayon ay tila naaaliw na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. "Talaga bang hindi kayo mag-nobyo?" nangingiti nitong tanong. "Hindi po!" mabilis kong tanggi. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yudz sa tabi ko kaya pasimple ko siyang siniko. Napaigik siya sa ginawa ko pero hindi ko siya tinapunan ng pansin at pinanatili ang tingin kay Tito Deo. Makiki-tito na lang ako, tutal ay ito rin naman ang gusto nito. "Nag-lunch na ba kayo?" tanong ni Tito Deo. "Pwede kayong sumabay sa'kin. Alam ni'yo namang merong handaan sa bahay para sa lahat." "Huwag na lang po nakakahiya naman." "That would be great, Tito, pupunta kami."