Habang nasa daan kami pabalik sa resort nina Star ay hindi ako umiimik. Kung pwede nga lang na hindi sumabay kay Yudz ay ginawa ko na pero baka kung ano pa ang iisipin nito. Ayokong may ibang makakahalata sa struggle na nangyayari sa loob ko, lalong-lalo na syempre ang dahilan nito! Ngayon ko lang napagtantong tuwing kasama ko si Yudz ay hindi ko gaanong naiisip si Jazriel. Pakiramdam ko tuloy ay nagtaksil ako. Ang layo ni Jazriel kay Yudz kaya walang dahilan upang maramdaman ko ang ganito! Ako'y nalilito na sobra at hindi matanggap ng kalooban ko na ang dahilan nito ay ang kinaiinisan kong tao. Oh my God! Tao na ang tingin ko kay Yudz? Iba na talaga ito! No! Hindi pwede! Dinoble ko na para mas matindi iyong impact at magising ang diwa ko na may mga bagay talaga rito sa mundo na hind