Nanatili akong kalmado habang pinipilit ang sariling huwag kumurap sa ilalim nang mapanuring tingin ng nanay ni Yudz. Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang atensiyon ko, sa mukha nito o sa naninilaw nitong mga alahas. Marami namang alahas ang Mommy ko pero hindi iyon kasing-showy nitong kaharap ko. Agaw-pansin talaga ito. Mabuti na lang at mukhang walang masamang taong pwedeng magkainteres sa jewelries nitong suot sa lugar na ito. "Ngayon lang kita nakita, Miss," untag nito sa'kin kapagkuwan. "Bisita ka ba ni Mayor?" pahabol pa nitong tanong. Sa pananalita nito ay halatang mapagmataas ito. Hindi na ako magtataka dahil gano'n din naman ang anak nito, mana-mana nga lang siguro talaga ang gano'ng pag-uugali. "Sino ang kakilala mo rito? Si Mayor ba mismo?" sunud-sunod pa nitong tanong