Natapos na kaming kumain nang hindi ko na ulit namataan si Yudz. Hindi naman sa hinahanap ko ito pero hindi ko lang talaga maiwasang pansinin. Syempre, magkakasama lang kami kani-kanina tapos bigla itong nawala. Pero pwede na ring huwag na itong magpakita forever and ever. Dumating na rin iyong parents nina Star at pinakilala na kami kanina. Hindi nga lang nanatili sa mesa namin ang mga ito dahil inimbitahan ni Tito Deo sa loob ng bahay. Hula ko ay naroon din sa loob si Yudz. Feeling special din ang espasol na iyon kaya hindi na nakapagtataka. Labas-masok naman iyong mga bisita sa bahay ni Tito Deo, pero hindi ako sumama sa triplets no'ng yayain ako ng mga ito. Gusto kasi nilang magpa-picture doon sa bisitang banda ni Tito Deo. Mabuti na lang iyong mga tao sa lugar na ito ay marespet