Bumalik na sa mesa namin sina Star kasama ang triplets kong pinsan kaya hindi na ako nabigyan nang pagkakataong makipag-argumento kay Yudz. Mas maigi na rin iyon dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko roon sa huli niyang sinabi. Ang lintik na lalaki, binigyan pa ako ng isipin na gugulo sa utak ko. Nagyaya na si Star na pupunta kami sa plaza kung saan gaganapin ang nasabing disco. Sinadya kong sumakay sa sasakyang wala roon si Yudz. Buti na lang at napansin ko itong sumakay sa dalang kotse ni Cloud kaya roon pa rin ako sumama kay Star. Kasama ko sa sasakyan ang triplets at si Xolani. Mas pinili ni Asher na makisabay roon sa mga lalaki. Tiyak na tuwang-tuwa na naman iyong bakla. Pagkarating namin sa plaza ay ang daming tao. May nakatalagang lugar kung saan naroon ang mga na