"Karlee..." Bigla akong nanigas at parang binuhusan ng malamig na tubig. Marahas akong napahiwalay kay Yudz. Guni-guni ko lang ba o talagang narinig ko ang boses ni Jazriel na tinatawag ang pangalan ko? Nasa ilalim pa rin ako ng mahikang hatid ng halik ni Yudz pero malinaw ko nang nakikita ang mukha niya at one hundred one percent na hindi siya si Jazriel. Pero papaanong narinig ko si Jazriel sa paraan nang pagkasambit niya sa pangalan ko? "Sige na... sisihin mo na ako," mapakla niyang wika. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko gaanong naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ako naman ang palagi mong sinisisi tuwing may nangyari, 'di ba?" dagdag pa niya. "Pero sana maisip mo na tumugon ka rin sa halik ko." So, inaasahan niya palang sisisihin ko siya sa nangyaring halikan sa pagitan nami