chapter 4

1685 Words
Tatlong araw na ako rito sa Pilipinas pero hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sa taong hinahanap ko. No'ng nakaraang araw ay ginugol namin ng mga kaibigan ko sa pamamasyal sa kung saan-saan. Sinubukan namin ang night life ng kinaroroonan naming siyudad. Parang pareho lang naman sa pinanggalingan naming bansa. Ang kaibahan lang ay walang nakakilala sa'kin dito. Ang sarap din pala nang ganito. Iyong ngumingiti sa'yo ang ibang tao nang totoo, at hindi dahil kilala kang nagmula sa isang maimpluwenayang pamilya at kailangan nilang magpa-impress sa'yo. Dumalaw na rin ako roon sa ibang mga tito at tita ko pati na rin sa mga lolo at lola ko. Nagkaroon pa nga nang maliit na salo-salo bilang pag-welcome sa'kin. Araw-araw akong tinatawagan ni Mommy kaya hindi ko sila gaanong na-miss lalo na palagi niyang bungad sa'kin ay kung kailan daw ako uuwi. Atat siyang masyado na pauwiin na ako. Malapit na talaga akong maniwala na nandito rin sa bansang ito ang totoo kong ama. Ang tanong nga lang ay kung bakit parang ayaw yata ni Mommy na makilala ko ito? Hindi kaya masamang tao ang ama ko? O baka naman may pamilya ito no'ng makilala ni Mommy tapos pinatulan at ako iyong bunga. Imposible naman kasing walang mabigat na dahilan kaya hindi sila nagkatuluyan. Five years old na ko no'ng makilala ni Mommy si Daddy Matt kaya posibleng gano'n katagal bago naka-move-on ang mommy ko. Malabo ring pamilya ng Mommy ko ang tutol para sa relasyon nila ng totoo kong ama dahil hindi naman gano'n ang mga Carson. Masyado silang kunsitidor pagdating sa ikaliligaya ng bawat isa kaya malayong hahadalangan nila ang namagitan sa mga magulang ko. Pakiramdam ko talaga ay nasa totoong ama ko iyong mali. Kung ano man iyon ay next time ko na iisipin dahil sa ngayon ay si Jazriel muna ang focus ko. Kailangan ko muna itong makita, makausap at magayuma— este, mapaibig pala. Mauuwi lang sa pangagagayuma kung magmamatigas siya. "Karleeeeee!" Muntik na akong nahulog mula sa kinauupuan ko nang biglang tumili ang bakla kong kaibigan na si Asher. Kasabay niyon ay ang marahas na pagbukas ng pintuan ng silid ko at walang paalam na pagpasok nito kasunod si Xolani. "Anong meron?" kunot-noo kong tanong. "Remember iyong nakilala kong friend sa isang fashion show sa Paris?" nangingislap ang mga mata nitong tanong sa'kin. "Hindi ko maalala," paingos kong sagot. Napangiwi ako nang marahan nitong hilahin ang buhok ko. Mannerism na nitong gawin iyon tuwing hindi nito nagugustuhan ang narinig. "Ang sarap mo talagang kalbuhin!" maarte niyang pahayag. "Nakainuman pa natin iyon one time," nandidilat niyang dugtong. "Hindi ko na nga matandaan," nandidilat kong sagot. "Grabe naman!" dismayado nitong saad. "Ang bilis mong makalimot pero hinding-hindi mo magawa-gawang kalimutan ang Jazrie Salvador mo kahit na mas nagpaparamdam pa iyong kaluluwa kaysa isang iyon." "Huwag mong subukang siraan ang Jazriel niya," nagbabala nag tono na sabi ni Xolani kay Asher. "Gold iyon, bawal kantihin." "Eh 'di, sorry! Ang arte!" pairap na sagot ni Asher. "Totoo naman iyong sinabi ko," bubulong-bulong pa nitong dugtong bago ngumiti sa'kin nang matamis. Tinaasan ko lang ito ng kilay bilang pahiwatig na hinihintay ko ang kung anong sasabihin nito tungkol sa tinutukoy na kaibigan na hindi ko naman maalala. "Heto na nga..." pagpapatuloy nito. Bumalik ang excitement sa boses nito. "Nandito siya sa Pilipinas! And take note, kinontak niya ako kanina upang imbitahang bumisita sa lugar nila." Pumalakpak pa ito matapos magsalita. "Paano niya nalamang nandito ka?" kunot-noo kong tanong. "Babae ba itong kaibigan mo o lalaki?" follow-up question ko kahit na hindi pa nito nasagot ang una kong tanong. Pasimple kong sinulyapan si Xolani upang alamin ang reaksiyon nito sa mga pinagsasabi ni Asher. Napansin niya ang ginawa ko kaya inikutan niya ako ng mga mata nang magsalubong ang tingin namin. Wala namang indikasyon na nagseselos siya kaya sa tingin ko ay kilala din niya ang tinutukoy na kaibigan ni Asher. Hindi na nakapagtataka iyon dahil basta tungkol kay Asher ay siguradong updated si Xolani. Talo pa nga ako sa pagiging stalker niya sa taong gusto. Hindi ko kasi iyon magawa kay Jazriel. "Syempre, girl si Star," maartenh sagot ni Asher. "At tsaka nakita niya iyong post ko about coming here in her country kaya nalaman niyang nandito ako!" "Bakit naman kasi ang hilig mong mag-update sa social media tungkol sa recent events ng buhay mo," nakasimangot kong saad. "Kung meron talagang gusto kang gawan nang hindi maganda ay tiyak na sobrang dali mo lang sundan, ang kailangan niya lang gawin ay i-follow ang account mo." Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko sa'kin ni Xolani kaya napasulyap ako sa kanya. Bahagya akong napangiwi nang maalalang ito pala iyong mas higit na nakinabang sa gano'ng hilig ni Asher. "Hindi naman ako katulad mo 'no!" pairap na aagot sa'kin ni Asher. "Hindi ako lapitin ng gulo, at walang kaaway ang pamilya ko." "So, sibasabi mong merong gano'n ang pamilya ko?" tanong ko sa kanya. Pahalukipkip ako sumandal sa kinauupuan ko. "Carson pa ba?" eksaherada nitong bulalas at may pakumpas-kumpas pa ng mga kamay. "Hindi mo ba napansin na lumaki kang napapaligiran nang sangkatutak na bodyguards? My God, Karlee! Hindi ko alam kung naive ka lang talaga o sadyang shushunga-shunga ka!" "Maka-shunga ka naman sa'kin ay parang kabilang ka roon sa mga sinasabi mong kaaway ng pamilya ko," sarkastiko kong wika. "For your information, hindi ibig sabihin na merong mga bantay ay marami ng mga kaaway," nandidilat komg dugtong. "Ano iyon? Display ni'yo lang?" hindi nagpapatalo niyang tugon. "Kahit naman wala kang nakikitang lantarang kumakalaban sa pamilya ninyo ay tiyak na merong mga taong inaabangan lang na malingat kayo at aatake! Galawang super-villain gano'n!" "Ang lawak ng imagination mo," pambabalewala ko sa mga pinagsasabi niya. Ang totoo niyan ay hindi naman nalalayo sa katotohanan ang mga pahayag niya, pero ayaw kong isipin ang bagay na iyon. Gusto kong mamuhay nang normal sa kabila ng katayuan sa lipunan nang kinalakihan kong pamilya. "At malay ba natin na habang nandito ka sa ibang bansa at malayo sa pamilya mo ay walang pinadala ang mommy mo upang magbantay sa'yo." Napatitig ako kay Asher dahil sa sumunod nitong sinabi. "Hindi ako iyon kaya huwag mo akong tingnan nang ganyan," namaywang nitong sita sa'kin. "Sa tingin mo ay kaya kitang ipagtanggol kung sakaling may gustong kumidnap sa'yo?" "Ang morbid nang iniisip mo, Asher," komento ni Xolani. "Umabot na sa kidnap-an iyang imagination mo." "Pero posible talaga iyong mangyari," giit ni Asher. "Ilang beses nang may nagtangka noon, 'di ba? Kaya nga nagkakilala sila ni Jazriel dahil isa ito sa mga undercover na nagbabantay sa pamilya niya." Tama ang sinabi ni Asher, gano'n nga si Jazriel no'ng una ko siyang makilala. Siguro kung hindi nangyari iyong pangingidnap sa'kin ay hindi ko malalamang meron palang mga tauhan si Tito Felan na lihim na nakabantay, maliban sa mga bodyguard na nakasunod sa'kin at kilala ko na. No'ng magtapos na ako sa pag-aaral ay nakiusap na ako kay Mommy na alisin na iyong mga bodyguard ko. Pumayag naman ito pero alam kong meron pa ring nakasunod sa'kin upang siguraduhin ang kaligtasan ko. Hanggang sa natutunan ko na kung paano lusutan ang mga ito at iyon nga ang ginawa ko kaya nakalipad ako papuntang Pinas nang hindi agad nai-report kay Mommy. "Huwag na nating balikan iyong mga nangyari sa past," pahayag ni Xolani. "Pag-usapan na pang natin iyong tungkol sa kaibigan mong bituin." "Star is her name," pagtatama ni Asher kay Xolani. Umiikot ang mga matang ginaya ni Xolani ang pagkasabi ni Asher at may kasama pang hand gesture na mapang-asar. Mukhang mali yata ako no'ng una kong inakala na hindi pinagseselosan nitong kaibigan ko iyong Star. "At imbitado tayo sa fiesta sa kanila!" masayang anunsiyo ni Asher. "First time natin 'to! Gusto kong ma-experience ang gano'n kaya pupunta tayo!" "Bakit tayo?" paingos kong tanong. "Kung gusto mong maki-fiesta ay pumunta kang mag-isa." "Sasama tayo," mariing kontra ni Xolani. Aapila ulit sana ako pero tiningnan niya ako nang masama. "Hindi naman pwedeng hayaan lang nating mag-isa roon si Asher," makahulugan niyang dagdag. "Sasama tayo... sasamahan natin siya." Nagsukatan kami ng tingin ni Xolani. Alam kong gusto lang naman niyang bantayan itong si Asher, pero bakit dinadamay niya pa ako? Hindi ako nagpunta rito upang maki-fiesta. Nakalimutan niya yatang may hinahanap akong tao na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ko sisimulang hanapin. "Perfect!" malakas na pahayag ni Asher na pumutol sa titigan namin ni Xolani. "Pwede tayong magsama ng mga kakilala natin. Pagkatapos ng fiesta ay mag-island hopping tayo sa mga islet na nakapaligid sa hometown ni Star." Pumalakpak pa si Asher dahil sa naisip na bright idea. "Island hopping..." wala sa loob kong usal bago naalala ang pangako ko sa triplets ni Tita Marah. "Kailan ba iyong fiesta?" baling ko kay Asher. "Next week," nangingislap ang mga matang sagot nito. Nahalata yata nito ang bigalan kong pagkaroon ng interes sa sinabi niya. "Perfect!" bulalas ko. Ginaya ko pa iyong tono niya kanina. "Isasama ko ang ABC triplets." Mabilis nawala ang ngiti sa mga labi ni Asher at napalitan nang ngiwi pagkarinig sa huli kong sinabi. "Iyong mga kapatid ni Ate Alex?" nakangiwi niyang tanong. Pareho sila ni Xolani na malapit sa pamilya ko kaya kilala nila ang mga pinsan ko, kahit na iyong hindi nakatira sa Austramica. "Gusto mo isama rin natin iyong triplets ni Tita Kape?" nang-aasar kong balik-tanong sa kanya. "Huwag na!" magkasabay nilang sagot ni Xolani. "Magsama ka na nga ng mga pasaway ay balak mo pang doblehin," nayayamot na wika ni Asher. "Manang-mana sa'yo ang tatlong iyon! My God! Carsons!" Nakangisi kong pinanood ang tila pagdadabog niya habang tinungo ang pintuan palabas ng silid ko. Nagkatinginan muna kami ni Xolani bago naghagikhikan. Nag-high-five kaming dalawa nang tuluyang makalabas ng silid si Asher. Pabor kasi kay Xolani kapag naroon ang ABC triplets dahil laging tinitukso ng mga ito si Asher sa kanya. Huwag lang isama iyong triplets ni Tita Kape dahil panggulo ang mga iyon. Mukhang magiging exciting ang paparating naming island hopping. Nakalimutan ko lang itanong kay Asher kung saang parte ng Pilipinas ang tinutukoy niyang lugar no'ng Star.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD