chapter 1

1731 Words
"Karlee! Ano na namang pumasok sa ulo mo at nandiyan ka ngayon sa Pilipinas!" Bahagya kong inilayo ang hawak na cellphone habang nagsisigaw si Mommy Shara sa kabilang linya. Naririnig ko rin ang pagpapakalma ni Daddy rito na inaangilan naman nito. Daddy na iyong tawag ko sa stepfather ko dahil ito na ang tumayo kong ama simula no'ng kinasal sila si Mommy. Kung hindi tunay na pag-ibig ang dahilan kung bakit natiis ni Daddy ang bungangera kong ina ay ewan ko na lang kung ano. Pero sa tingin ko naman ay ako iyong pangunahing dahilan kung bakit ganito si Mommy. Sa dami ba naman ng gulong kinasangkutan ko simula no'ng teenager pa lang ako ay talagang naging bihasa na si Mommy sa art of panenermon. Para na siyang avatar, nababalanse niya ang pagiging mapagmahal na ina at pagkakaroon ng armalite na bunganga. Such a perfect skill! "Karlee, sinasabi ko sa'yong bata ka! Kapag pasasakitin mo ang ulo ng mga tito at tita mo riyan ay ipapasok na talaga kita sa monasteryo!" At para namang kaya akong takutin ng mga pagbabanta niya. "At hinding-hindi mo na makikita ulit si Jazriel!" Mabilis akong napabuga ng hangin dahil natumbok niya ang kahinaan ko. Kaya nga hindi niya pwedeng malaman na nandito ako sa Pilipinas dahil kay Jazriel... ang lalaking pangarap kong makasama habambuhay! Eighteen ako no'ng unang magkrus ang landas namin ni Jazriel. Para itong guardian angel ko na biglang lilitaw tuwing nasa panganib ako. Guardian angel pa no'ng una pero biglang naging knight in shining armor na no'ng nagsimula ko na itong pagnasahan. He's an utterly breathtaking mystery! Hindi ko kayang ipaliwanag in words kung gaano kalakas ang hatak ng kagwapuhan niya sa'kin. Malakas ang loob ko noon na pumasok sa gulo dahil alam kong darating si Jazriel. No'ng nakaraang taon ay parang bulang naglaho ang presensya nito. Ewan ko ba pero alam ko kung kailan nasa paligid ito at kailan ito wala. Bumalik ang pamilyar na pakiramdam ng presensya nito no'ng sumulpot ito sa dinaluhan kong party a night before my cousin's wedding. Syempre nanalo ako sa pustahan at nauna kong naubos iyong cocktail drinks. The drinks were spiked with some kind of drugs, but before I lost consciousness, I saw Jazriel walking in my direction. Sigurado akong hindi iyon epekto ng nainom ko dahil walang nangyaring masama sa'kin nang gabing iyon. No'ng magising ako, syempre sermon ni Mommy ang sumalubong sa'kin at wala na si Jazriel. Muntikan pa akong na-late sa kasal ng pinsan ko. Matapos masaksihan ang kasalan sa pagitan ni Ate Alex at mag-amang Mercer, ay ilang reyalisasyon ang naisip ko. Gusto ko rin no'ng katulad na kwento ni Ate Alex at ng ibang mga Carson. Itong ginagawa ko ngayon ang literal na kahulugan ng follow your dreams, dahil nandito ako ngayon sa Pilipinas upang sundan ang pangarap kong lalaki. "Karlee, kung ano na namang kalokohan iyang pumasok sa isip mo ay huwag mo nang ituloy," muli ay pahayag ni Mommy sa kabilang linya. Naroon pa rin ang pagbabanta sa tono niya. "Mommy, chill... I'm just here to experience how fun this country is," magaan kong sagot sa kanya. "And of course, to meet our relatives. Parang bakasyon na rin gano'n." "Karlee—" "Mommy, promise po magpakabait ako rito," putol ko sa kung anong sasabihin ni Mommy na alam kong panibagong panenermon na naman. "Give the phone to your Tito Zach," pabuntonghininga nitong utos sa'kin. Nakangiti akong pumihit sa direksiyon ng tito ko na nakaupo katabi ang kapatid nitong si Tito Xander kasama ang magandang asawa nilang dalawa na si Tita Marah. Tuwing nakikita ko talaga si Tita Marah ay parang gusto kong maniwala sa isang diwatang hindi nagkakaedad. Sobrang ganda pa rin nito at hindi halatang nasa fifties na. Gusto kong tumandang katulad nito, elegantly beautiful as time passes by. Pero sa ngayon ay focus muna ako sa paghahanap kay Jazriel at kumbinsihin itong ako ang natatanging babae para sa kanya. Hindi nagbabago ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko habang iniabot kay Tito Zach ang hawak na cellphone. "Mommy wants to talk to you," saad ko. Matapos abutin ni Tito Zach ang cellphone mula sa'kin ay pinanood ko ito habang kinakausap si Mommy. "Don't worry about her," sagot ni Tito Zach aa kung anong sinabi ni Mommy sa kabilang linya. Hindi ko nga lang mabasa kung ano ang iniisip ni Tito Zach dahil nanatiling blangko ang ekspresyon nito habang malumanay na kinakausap si Mommy. Kahit hindi ko naririnig ang pinagsasabi ng sarili kong ina ay sigurado akong parang machine gun ang bibig nito ngayon. Mabuti na lang at mukhang kalmado pa rin si Tito Zach. Halatang sanay na sanay na sa ugali ng nanay ko. Mabait naman si Mommy at sobrang sweet tuwing kinakausap iyong ibang tao pero kapag may kinalaman na sa'kin ay lumalabas ang pagiging dragon nito. "As what I've said, you have nothing to worry, Shara," nangungumbinsi ang tono ni Tito Zach habang kinakausap si Mommy. "Just give the kid a break, she's old enough to handle herself." Old enough daw pero tinawag akong kid. Ang gulo rin ng tito ko na ito eh. Mula kay Tito ay naagaw ang atensiyon nang pagbaba ng isa sa mga pinsan kong triplets na bunso ng pamilya nila. Saglit itong napahinto sa pagbaba ng hagdan nang makita ako. "Ate Karlee, you're here," napakurap-kurap nitong bulalas. "Oh my God! It's really you!" hindi makapaniwala nitong dugtong bago tinakbo ang distansyang nakapagitan sa aming dalawa. Bago pa ako makahuma ay dinamba na ako nito ng yakap. Aaminin kong hindi hadlang ang layo namin sa isa't isa upang hindi ako magiging malapit sa kanila ng dalawa niya pang kakambal. "Talagang tinutoo mo iyong sinabi mo noon na pupunta ka rito sa Pinas," natatawang pahayag ni Carla bago ako pakawalan. Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa mukha ko. "Remember your promise?" excited nitong tanong. Biglang na-freeze ang ngiti ko at nag-back read ang utak ko sa kung anong posibleng naging pangako ko. Tuluyang naglaho ang ngiti ko nang wala akong maalala. Nagka-amnesia ba ako? "Sabi mo noon sa akin na mag-island hopping tayo tapos libre mo lahat kapag nandito ka na!" paalala nito sa'kin. "At nandito ka na nga!" "Kailan? Kailan ko sinabi iyan?" nalilito kong tanong. "A night before Ate Alex's wedding, remember?" namimilog ang mga mata nitong sagot. "Hinatid ka pauwi no'ng poging kaibigan ni Tito Felan." Bigla akong nagkaideya kung bakit wala akong maalala dahil sa totoo niyan ay hindi ko natatandaan ang ilan sa mga nangyari after kong manalo sa cocktail clash. Nang sumunod na araw ko pa nakausap si Xolani at sinabi nitong dumating nga si Jazriel. Wala namang ibang mas mahalaga sa'kin kundi ay ang bagay na iyon. Pero ngayon ay parang gusto kong kaltukan ang sarili dahil nga sa hindi ko matandaan na may pinangako pala ako. Kailangan ko tuloy tuparin iyon kahit hindi ko maalala. "Sige... mag-island hopping tayo sa school break ni'yo," pahayag ko. Mukhang mapapasubo pa ako. Wala namang problema sa gastus, ang iniisip ko ay ang totoong dahilan nang pagpunta ko rito. Ayaw ko sanang mabawasan ang oras ko sa paghahanap kay Jazriel. "Uy! Narinig ko iyon!" bigla ay sabat ni Ava na kakarating lang. Kasunod nito si Bella na nakasuot pa ng pantulog. Sa totoo niyan ay nabulabog talaga sila nitong biglaan kong pagdating dahil alas dos pa lang ng madaling araw. Hindi ko kasi natantiya ang oras ng flight ko dahil ora-orada ang ginawa kong ito. One minute ay nasa bahay lang ako at nagmumuni-muni pero iglap lang ay natagpuan ko ang sariling nakasakay na ng eroplano papuntang Pilipinas. Ni wala nga akong bitbit na mga gamit maliban sa suot ko ngayon at bag kung saan nakalagay ang laptop ko at gadgets' accessories. Syempre ang cards ko at ilang cash dahil hindi naman pwedeng wala akong perang dala habang hinahanap si Jazriel. Isang importanteng impormasyon ang nakuha ko mula kay Jazriel no'ng huling gabing nakausap ko siya. Kahit nasa ilalim ako ng impluwensya nang kung anong gamot na nilagay sa inumin ko ay tandang-tanda ko ang sinabi niyang sa Pilipinas siya nanatili. Hindi ko lang naman guni-guni ang tungkol doon dahil sinabi sa'kin ni Xolani at kinumpirma rin ngayon ni Carla na may naghatid talaga sa'kin na pogi nang gabing iyon. Ibig sabihin ay totoo rin iyong ilang pira-pirasong alaala nang pag-uusap ni Ate Alex at Jazriel no'ng gabing iyon. Hindi ko nga lang kayang ibuka ang mga mata ko o sumabat sa kanila dahil hindi ko kayang utusan ang sarili kong katawan. Pero isa lang ang malinaw, base sa paraan nang pag-uusap nila ay masasabi kong matagal na silang magkakilala. Kung gusto kong magkrus ang landas namin ni Jazriel dito sa Pilipinas ay kailangan ko lang dumikit kay Ate Alex. Si Ate Alex ang magiging daan ko upang matagpuan ko si Jazriel. Ang problema ay hindi ko nga lang maalala iyong pangalang tinawag ni Ate Alex kay Jazriel. Pero sigurado ako na hindi Jazriel iyon. No'ng una pa nga ay akala ko ibang tao ang kausap ni Ate Alex pero kahit gaano pa ako kalango ay makikilala at makikilala ko ang boses ni Jazriel. Ang nakapagtataka lang ay bakit parang hindi kilala ni Carla si Jazriel kung malapit ang huli sa kapatid nitong si Ate Alex? Tinawag niya lang pogi si Jazriel, ni wala akong nakikitang rekognasyon sa mga mata niya ngayon. "Kasama kami riyan ha," naghihikab na singit ni Bella. "Package kasi kaming tatlo kahit na si Carla lang pinangakuan mo," nakanguso pa nitong dugtong. "Oo naman," nakangiti kong sang-ayon. "Isasama rin natin si Ate Alex." Syempre, hindi ako pwedeng mawala sa plano ko. "Malaki na tiyan niyon," sagot ni Ava. "Hindi na iyon pwedeng gumala-gala." "Buntis lang si Ate Alex," pairap na kontra ni Carla sa kapatid. "Wala namang sinabing hindi na pwede gumala 'pag buntis." "Para namang hindi tamad iyon," saad ni Ava. "Ewan lang kung sasama iyon." "Kung hindi siya sasama ay tayo na lang," singit ko. Nawaglit sa isip ko na five months na palang buntis si Ate Alex. Gano'n katagal bago ako nakasunod sa kanila rito sa Pilipinas. May ilang mga bagay pa kasi akong inaasikaso, pero this time ay kay Jazriel na ang focus ko. Hindi ako babalik sa Austramica hangga't hindi ko siya makumbinsing mahalin ako. Kamahal-mahal naman ako kaya malaki ang tiwala kong hindi ako mahihirapan sa bagay na iyon. Ako pa ba? Carson yata ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD