"Karlee, don't you dare!" may kariinang bulong sa'kin ng kaibigan kong si Xolani habang parehong nasa grupo ng mga mukhang palakang socialites ang tingin namin.
Naghahamon kasi ng cocktail clash ang mga ito kung saan ay pabilisan nang pag-ubos ng cocktail drinks na nakahanda sa mesang nasa harapan namin. Syempre dahil kilala akong drunken master ay gusto nila akong sumali.
Iyon nga lang, sinasaniban ako ng pagkaluka-luka tuwing napasobra nang inom. Hindi na mabilang kung ilang pranks gone wrong ang nagawa ko tuwing lasing. Ang importante ay wala namang naging kritikal sa iilang mga napahamak.
"Relax, wala akong gagawin," natatawa kong pagpapakalma sa tensiyunado kong kaibigan.
Kahit ako ay hindi sure sa sinasabi ko at pareho naming alam iyon ni Xolani. Mabilis akong nakakalimot sa anumang napangako ko tuwing may alcohol nang nanalaytay sa kaugatan ko.
Kasalukuyan kaming nandito sa isang social gathering ng mga bratinela at maituturing kong mga herederang walang ibang alam gawin kundi lustayin ang pera ng mga magulang.
Hindi ko itatangging angkop sa'kin iyong una pero proud kong sasabihing sarili kong pera ang nilulustay ko. Sa edad the twenty-three ay may sarili na akong shares sa iba't ibang malalaking kompanya rito man sa loob o sa labas ng bansang Austramica.
Sa lawak ng koneksiyon at impluwensya ng pamilya ko ay hindi mahirap gawin iyon. Bilang isang Carson ay maraming mga opportunity ang nagbubukas para sa'kin, especially tungkol sa negosyo.
Pero kahit dala ko ang apelyido ng isa sa pinakamayamang angkan ng bansang ito ay hindi pa rin maitatangging bunga ako ng dalawang taong pinagtagpo pero hindi tinadhana at ako lang ang tanging naiiba sa lahat ng mga Carson.
I don't know who my biological father is.
Hindi ko alam kung buhay ba ito o patay. Kakaiba iyong namulatan kong set-up ng sarili kong pamilya. No'ng bata ako ay hindi naman ako nagtatanong kung bakit maraming asawa iyong lolo ko at bakit iyong iba kong mga kamag-anak ay merong iisang asawa. Normal lang ang gano'n sa bansang ito, pero bakit ako walang tatay?
Dala-dalawa iyong iba tapos ako wala... hindi ba parang unfair?
Hindi naman ako kinulang ng pag-aalaga at pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa'kin. Palagay ko nga ay sumobra pa, pero ewan ko ba kung bakit parang may hinahanap pa ako.
O baka naman sadyang maligalig lang talaga ako at naghahanap lang ng dahilan upang i-justify ang pagiging malapit ko sa gulo?
Hindi naman ako nagpapapansin kaya ganito ako, sadyang sinusulit ko lang ang kabataan ko. Kailan pa ako magwa-walwal? Kapag uugod-ugod na ako at masakit na ang mga kasukasuan? Habang bata pa ako at hindi pa gano'n gabigat ang mga responsibilidad ko sa buhay ay itodo ko na muna ang pagpapakasaya.
"Tandaan mo may kasal ka pang dadaluhan bukas," paalala sa'kin ni Xolani na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan.
Sa ekspresyon sa mukha niya ay kulang na lang kakaladkarin niya ako palabas sa lugar na ito. Minsan talaga ay pakiramdam ko hindi kaibigan ang kasama ko kundi ay iyong nanay ko. Pareho silang kill joy.
"Sobrang aga no'ng kasal, tapos maid of honor ka kaya kailangan mong maging sober," mariin pa niyang pagpapatuloy.
Mahina akong natawa habang naglalaro sa isipan ko iyong kasal na tinutukoy niya.
Isa na naman iyong happy ending para sa pamilya ko. Kasal ng pinsan kong si Ate Alex at sa dalawang maswerteng lalaking minahal nito. Nakikita kong mahal na mahal din siya ng mga ito kaya pareho silang swerte para sa isa't isa.
Isang beses lang daw magmahal ang isang Carson, isang beses pero pwede sa dalawa o tatlong lalaki sa parehong pagkakataon. How ironic dahil nagmahal at kinasal si Mommy sa lalaking hindi ko biological na ama.
So, hindi mahal ni Mommy iyong tunay kong ama? Binuo lang nila ako pero hindi totoong pagmamahalan iyong namagitan sa kanila?
Wala naman akong hinanakit or whatsoever sa stepfather ko dahil tinuring ako nitong totoong anak, at nakikita ko kung gaano nito kamahal si Mommy at ang mga kapatid ko.
Minsan nga ay nahiling ko na sana ay ito na lang ang Daddy ko. Pero hindi eh, hindi ko nga gamit ang apelyido nito dahil kagustuhan ni Lolo Floyd na Carson ang dadalhin ko.
"Umuwi na kaya tayo," yaya sa'kin ni Xolani kapagkuwan. Halatang hindi siya mapakali habang pasulyap-sulyap sa ibang mga narito sa party.
"Karlee, are you backing down?" tanong no'ng isa sa mga naghahamon sa'kin.
Sa totoo lang ay naiirita ako sa mukha at boses nitong parang inipit.
"It's not so you, Kalee," segunda naman no'ng kasama nitong maputi pa sa harina.
Nanghahamon ang ngiti nito sa'kin. Parang gusto ko tuloy bawasan ng isa iyong ngipin niya... hindi bagay, dapat tatlo ang ibabawas para sulit.
"Ano ba ang makukuha ko kung sakaling manalo ako?" balewala kong tanong sa mga ito.
Narinig ko ang nayayamot na ungol ng katabi kong si Xolani. Alam kong naiirita na sa'kin ang kaibigan kong ito. Isa ring socialite itong kaibigan ko pero ginagamit niya iyon sa pagtulong sa mga underprivileged. Hindi lang kasi mga bratinela ang nandito sa mga ganitong uri ng gatherings kundi mga prospect sponsor nang kung anu-anong charity events na pinangungunahan niya. May lugar na yata sa langit itong kaibigan ko dahil sa pagiging matulungin nito sa kapwa. Pero sana lang ay hindi muna ito kukunin ni Lord, dahil wala nang magsisilbing konsensya ko na pipigil sa mga kalokohang naiisip ko.
"You already have everything, Karlee," natatawang tugon no'ng pasimuno ng mangyayaring cocktail clash. "What more can we offer you?"
Kapansin-pansin ang tila inggit sa kislap ng mga mata nito kahit nakangiti ito sa direksiyon ko. Tama lang iyan, mainggit sila sa'kin dahil ako 'to, si Karlee Carson!
"Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng iyan," bulong sa'kin ni Xolani. "Huwag mo nang patulan. Umuwi na lang tayo," giit niya pa.
"I may have everything, but I don't mind having more," sarkastiko kong sagot sa mga kaharap at hindi pinansin ang sinabi ni Xolani.
"Karlee..." may gigil na sambit ni Xolani sa pangalan ko dahil sa tila pambabalewala ko sa nauna niyang binulong.
"I got this," kumindat kong baling sa kaibigan ko. Nginitian ko siya bago muling binalingan ang mga mahaderang kausap"How about pledging some amount for my friend's upcoming charity event?" pahayag ko sa mga ito.
Napasinghap si Xolani sa sinabi ko. Nakangiti ko siyang sinulyapan bago muling tiningnan isa -isa ang mga kaharap naming saglit lang nagkatinginan.
"Deal!" halos magkasabay na sagot ng mga ito. Halatang hindi aatras kahit na pera na ang usapan.
The pride and opulence of wealthy people! Sometimes, it's kinda funny and disappointing.
Nagsipagtunugan ang warning bells ko sa utak, syempre alam kong may hindi magandang plano sa likod nang mabilisang pagsang-ayon ng mga ito. Isang ngiti ang binigay ko para sa mga audience namin. Nakuha na kasi namin ang atensiyon ng karamihan.
Hindi naman nakapagtataka iyon dahil agaw-atensiyon talaga ako kahit saan man ako magpunta. Ang ganda ko kasi tapos Carson pa!
Ramdam ko iyong rush ng excitement sa katawan ko. Ganito iyong pakiramdam ko tuwing sa tingin ko ay malalagay ako sa mapanganib na sitwasyon.
"Ten million each," malakas kong pahayag.
Umugong ang bulungan at singhapan sa mga nasa paligid pero hindi ko hinihiwalay ang tingin sa tatlong malakas ang loob na hamunin ako.
Saglit na natigilan ang mga ito pero mabilis ding ngumiti.
"Okay," kampanteng sagot no'ng isa.
Kahit hindi man kumurap ang mga ito sa binanggit kong halaga ay alam kong medyo may pag-aalinlangan na iyong iba sa kanila. Sa totoo lang kahit na sabihing afford nila iyon ay hindi iyon birong halaga lalo na at dollars ang usapan dito. Para lang sa walang kwentang hamon nila ay handa silang gumastos. Mukhang ikapapahamak ko ngang tunay ang kung anong binabalak nila.
Pasimple kong sinuyod ang tingin sa mga taong nasa panig nila at pansin ko ang kakaibang titig no'ng mga lalaking nakatayo sa likuran nila.
May naamoy akong set-up... pero alam ko na kung anuman iyon ay hindi sila magtatagumpay. Mabibigo sila hindi dahil walang kasamaang magwawagi kundi ay dahil isa akong Carson. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin nila naiintindihan ang kayang gawin ng pamilya namin.
"Money down," baling ko sa tatlong babaeng kausap bago ipinatong sa mesang nakapagitan sa'min na kinaroroonan ng cocktail drinks ang limited platinum card na tanging Carson lang ang meron. "Tigsa-sampung milyon bawat isa sa inyo 'pag isa sa inyo ang mananalo."
Muli ay nagkatinginan silang tatlo bago muling tumuon ang tingin nila sa nilapag kong card. Kitang-kita ko ang curiosity sa mga mata nila habang nakatingin doon. Paano nga bang hindi gayong iilang tao lang ang nakakita ng card na iyon.
It means power and influence of a Carson in this part of the world!
May nahagip akong pag-aalinlangan sa mukha no'ng isa sa mga kaharap ko. Siguro kung ano man ang iniisip nitong masama laban sa'kin ay nagdadalawang-isip na itong ituloy lalo na at naalala nito kung sino ako. Kapag kinanti mo ang isang Carson sa bansang ito, ay kailangan mo nang mag-migrate sa ibang bansa.
The Carsons always settle the score, one way or another. Kantihin mo ang isa at kukuyugin ka no'ng iba.
"What are the rules?" untag ko sa saglit na pagkatulala ng tatlo.
"W-we just have to finish all the glasses, and who will do it first is the winner," sagot no'ng pasimuno na si Zie.
Nasa wine industry ang pamilya nito. Kaya siguro malakas ang loob nitong maghamon pero sorry na lang siya dahil isinilang man akong hindi kilala ang ama ko ay hindi naman ako nagpapatalo kahit kailan.
Hindi kakayanin ng dugo kong Carson ang magpaubaya ni magpatalo sa kahit na anong laban. Tama nang hindi naging happily ever after ang kung anong namagitan sa mga magulang ko, basta ako... ilalaban ko ang lugar ko sa lintik na mundong ito.
I'm Karlee Carson, unafraid of anyone's tricks because my hero is here, somewhere... I can feel him.
Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko bago muling pinasadahan ng tingin ang paligid. Sa kabila ng mga matang nakatutok sa'kin ngayon ay nanaig ang partikular na titig mula sa taong alam kong nakabantay ngayon sa'kin.
Ilang taon din no'ng huli kong naramdaman ang presensya niya. Ang taong laging dumadating tuwing nasa alanganin akong sitwasyon.
Jazriel... I know you're watching. I could play the damsel in distress just to have your attention. I'm a bit crazy, and I admit it!