"Saan ka galing kagabi?" Mula sa malalim na iniisip ay napakurap-kurap ako. Una kong napansin ay ang mapanuring tingin ni Xolani na nakamasid sa'kin. "W-what?" tila wala sa sarili kong tanong. Hindi ko masyadong narinig iyong tanong niya. "Bigla kang nawala kagabi," tila nagdududa niyang sabi. "Tapos ngayon, umagang-umaga ay nakatunganga ka sa harapan ng pagkain. May nangyari ba?" Agad bumalik sa alaala ko ang pagkabasa ko sa ulan at paghatid sa'kin ni Yudz pabalik sa hotel. Hindi naman siguro bangungot iyong nangyari dahil nagising akong nasa kwarto pa rin ang jacket nito na pinagamit sa'kin. "Bumalik ako ng hotel room dahil nabasa ako ng ulan," mahinahon kong wika kabaliktaran sa totoo kong nararamdaman. "Nakatulog na ako pagkatapos," dugtong ko pa. Hindi naman siguro ako nagtun