Lumayo na ako sa terrace kasabay nang pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tito Felan o mas tamang sabihin ay panenermon mula sa kanya na may konting pag-uusap. Pumangit na iyong view na natatanaw mula rito sa room namin ni Xolani dahil may mga pangit akong nakikita kaya sinara ko na pati ang pintuan ng terrace. Mukha namang maarte iyong Nica pero bakit kaya hindi nito napuna ang pormahan ni Yudz. Ano iyon? Nasanay na siyang gano'n ang ayos ng lalaking iyon? O baka naman iyong muscles lang ni Yudz ang tinitingnan niya kaya nabalewala ang makapal na foundation sa mukha nito at buhok na hindi kayang tibagin dahil sa rami ng gel na nakalagay. Anuman ang nakita ng babaeng iyon sa taong-espasol na iyon ay wala na akong pakialam! Bakit ko nga ba pinag-aksayahan ng panahon ang mga ito? Patuloy pa