Dahil sa asar ko ay tuluyang naparami ang nainom ko. Hindi na ako nabantayan ni Xolani dahil abala ito sa pakikipagkwentuhan kay Star. Akala ko ay sina Asher at Star ang magkakaibigan pero napapansin kong mas close na ang huli kay Xolani. Pabalik-balik naman ang triplets sa mesa namin at sa dance floor. Hinahayaan ko lang ang mga ito dahil mukha namang tuwang-tuwa sila sa experience nilang ito. Napansin ko kanina sa paligid iyong driver s***h bodyguard nila na kasama namin papunta sa islang ito. Muntikan ko nang nakalimutan ang presensya ng mga ito kung hindi ko kanina namataan. Kaya tuloy naging kampante akong uminom dahil kahit na malasing ako ay meron namang nakabantay sa triplets. Malalim na ang gabi pero buhay na buhay pa rin ang energy ng buong lugar habang pagaan naman nang pa