"Jazriel..." wala sa sarili kong sambit habang nakatingin sa repleksiyon ni Yudz sa salamin. Napatigil siya sa ginagawang pagbanlaw sa mga kamay ko at nag-angat ng tingin sa'kin. Nagtagpo ang mga mata namin sa salamin habang parehong hindi binago ang posisyon namin. "Bakit? Ikaw ba si Jazriel?" nakangisi kong tanong sa kanya. Nanatiling seryoso ang tingin niya sa'kin. Hindi naman ako tumitinag habang nakipagsukatan sa kanya ng tingin. Wala sa sariling bumaba ang mga mata ko sa nakatikom niyang mga labi. Bumalik sa isip ko ang namagitang halik sa'min. Naunahan niya pa si Jazriel sa mga labi ko. Ewan ko kung ano ang sumapi sa'kin dahil basta-basta na lang ako umikot paharap sa kanya. Sinamantala ko ang tila pagkagulat niya at patingkayad na inilapat ang sariling mga labi sa kanya. Gu