-
FLAME
Lumapit si kuya thunder sa'kin may dala itong plato ng pagkain. Nilapag niya ito sa harap ko at nakita kong hinawakan nito ang necktie niya saka pinadulas ang daliri nito..
Isa itong hand sign na kung saan sinasabi nila na safe ang pagkain. Wala akong dapat ipag aalala.
Umalis lang ito ng tahimik, nag simula akong kumain habang ang mga dela vega ay nag uusap.
Dumating din si kuya storm at ganun din ginawa niya hinawakan niya sa necktie niya..
Dala niya ang isang tubig.. Agad ko yung ininom.
"Hija. Hindi ka ba nahihirapan kasi parang ikaw lang ata ang matured sa inyong nag kakapatid at pinsan." tanong ni mr leo dela vega.
"Hindi ho sanay na ako. Lahat ng kalat nila mas lalo si damon ako talaga lines non." sagot at inubos yung tubig.
"Grabe sa edad mong yan nagawa mong gawin iyon?" tanong naman nung nanay ata nung hanz.
Nag kibit balikat lang ako at hindi na sumagot.
Ilang minuto pa dumating na rin ang pinsan kong baliw i mean si earl loyd..
"Buon compleanno mio caro nonno! Earl Loyd è tuo servitore. " bati nito mula sa Italianong lenggwahe.
"non fare niente di stupido adesso Earl." malamig kong paalala dito. Kita ko ang pagka mangha ng mga tao dito dahil sa sinabi ko.
"oh? flamie mia flamie mi manchi così tanto.." lalapit sana ito ng salubungin ko ng b*ril.
"Hahaha! chill happy birthday lo.. Don't worry i can speak tagalog.." natatawa nitong sabi at humarap pa sa mga tao.
Nakita ko si kuya ezekiel sa may gilid na tumango ito. Ito na ang hudyat para palabasin ang hinanda kong supresa.
Biglang umingay ang speaker sa loob ng kwartong ito
"Totoong si don alfonso lavistre ang nag papatay sa mga anak nito. at sa nag iisang taga pag mana. Pati ang asawa nito si donya aquilina at ang asawa ni sir reloy."
Paulit ulit iyong naririnig nakita kong napatayo si tanda na may galit sa mukha.
Ang iba naman doon ay dinugtong ko lang pinalitan ko ang boses doon para kahit makuha nila ang copy at hindi nila mahahanap ito.
Ready ba para sa acting. Nag panggap akong nagulat at tiningnan ang stage.
"Stop this! this is not true!" sigaw ni tanda lihim akong napa ngiti.
Napa tayo ako ng mag takbuhan sila kuya patungo sa ibaba ng stage kaya lumapit ako.
"Totoo ba iyon?" tanong ko habang naiiyak na. Nakuha ko ang attention ng lahat.
"H-hindi apo hindi ko magagawa yun pangako!" utal utal nitong sagot. Pero kita ko sa mga mata nito na nag papanggap lang ito.
"Hay*p ka!" nagulat ang lahat miski ako ng sugurin ito ni damon at walang pasabing inundayan ng suntok. Halos lumipad ang mukha nito sa lakas.
"Oh my god!" sigaw ng iilang bisita.
"Walang lalabas dito. Eto ang taong hinahangaan niyo! sariling asawa at at anak o apo nagawang ipaligpit!" angil ni damon.
Umawat sila kuya ezekiel kay damon..
Nagulat din ako ng makita ko ang mga nag kalat na dugo.
Nang sundan ko ng tingin iyon galing iyon sa mga tauhan ni tanda na ngayon walang awang pinag papat*y ni earl.
Agad akong tumakbo at hinawakan ang braso nito at pinigilan.. Lumingon ito sa'kin at pinisil ko ang kamay nito.
Hudyat na para mahimatay ako. Maya maya pinikit ko ang mata ko at dahan dahan bumagsak.
Bago pa ako tuluyang bumagsak na salo ako ng kung sino sa kanila.
"Flame!" sigaw ni kuya thunder.
"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni kuya storm
"Nahimatay siya tingin ko dahil sa nangyari at nalaman. Tawagin niyo si avel!" sigaw ni kuya thunder.
"Hay*p ka kasalanan mo 'to kapagay nangyaring hindi maganda kay flame papat*yin Kita!" sigaw ni damon.
"Boss!" sigaw ni avel. Naramdaman ko na lumapit ito.
"Dalhin mo siya sa hospital, Madali ka!" utos ni kuya storm at agad na binuhat ako ni avel.
"Yes boss!" sagot nito. Naramdaman ko na lang ang pag lakad nito.
Maya maya nag salita na rin ito. Ngunit hindi ko hindi ko parin dinidilat ang mata ko, kahit naka tabing ang buhok ko sa mukha ko.
"Avel makinig ka lang 'wag kang sasagot.
Sa oras na bumaba tayo panigurado naka abang ang tao ni tanda d'yan, kapag ginipit ka ibigay mo ako naiintindihan mo?" kausap ko dito.
Hindi ito sumagot tulad ng utos ko.
Maka ilang floor pa naka baba na kami.
Tulad ng nasa plano sa likod kami dadaan dahil doon mag aabang ang tao ni tanda.
"Boss tama ka. Naka abang sila." bulong nito lihim akong napa ngisi dahil doon.
"Avel kung gusto mo pa mabuhay. Ibigay mo sa'min si flame." banta ni dithard kay avel, narinig ko ang pag kasa nito ng b*ril.
"O-okay." kabadong sagot ni avel. Naramdaman ko ang buhat ulit sakin.
"Anak ipasok mo siya sa loob." utos ni dithard sa anak. Naramdaman kong inilapag ako sa maligas-gas na tingin ko at trunk ng sasakyan ito o van.
"Itali mo siya." rinig kong utos nito sa anak na lalaki na agad din ginawa
May ka tangahan din itong si daniel at sa harap talaga ako tinali. Hindi man lang naisip nitong sa likod itali ang kamay ko.
Pati paa ko tinali nito at narinig ko na lang ang pag sara.
Kaya dali dali kong inayos ang earpiece ko at binuksan naka connect ito kay onze. Muli akong bumalik sa pag kaka higa kanina at pumikit..
Narinig ko ang dalawang putok ng b*ril narinig ko din ang daing ni avel. Napa kagat ko ang ibabang labi ko.
Sa oras na maka labas ako dito at magawa ko ang plano ko. Kayong mag ama ang isusunod ko.
Bulong ng isip ko. Naramdam ko ang pag galaw ng sasakyan ibig sabihin may sumakay na.
"Saan natin ito dadalhin pa?" tanong ni daniel sa ama.
"Sa Antipolo sa kabilang dako na malayo sa tirahan niya. Doon balak ng don ipa libing ito ng buhay.." sagot nito sabay tawa pa nito.
Sige lang sa susunod iiyak kayo sa mga kamay ko.
-
THIRD PERSON POV
Naka rating na ang matanda sa lugar kung saan balak ilibing ng matanda ang kanyang apo ng buhay.
"Mahal na don andito na po tayo." wika ni jeremiah sa mahal na don.
"Sige tara na ng matapos na ito." pinag buksan ng lalaki ng pinto ang don at lumabas ito.
Ang dalaga naman ay nanatiling nag papanggap na tulog. Hangang inutos ng don na ipa bukas ang coffin na hinihigaan ng apo.
Opo tama kayo kabaong iyon.
"Gisingin niyo." utos ng matanda na ginawa naman nito.
Hangang nagising ang dalaga at agad napatingin sa kanyang lolo.
"Hi mahal kong apo. Are you ready to face your d*ath?" ngising tanong ng matandang lavistre.
"Ready? halos araw araw ko ng nakikita mukha mo." natatawa nitong wika.
"Ito na rin ang huling mukhang makikita mo sa mundo." sabi ni dithard na may ngisi sa mukha nito.
"Kung sino pa yung may kasalanan sa'kin siya pang galit? seriously? ibang klase..
Kung papat*yin mo ako gawin mo dami mong dada! "sigaw ng dalaga na agad naman siyang bin*ril ng lolo nito sa bandang tyan nito.
Na kina daing ng dalaga.
"F*ck masakit yon!" sigaw nito habang hawak hawak ang t'yan nitong may dugo.
Hindi ito gaano kita dahil sa itim nitong suot.
"Masyado kang mayabang para sa isang bata!" sigaw ng lolo nito at pinaput*kan pa ang hita nitong mag kabilaan at dalawang braso..
"Takpan niyo na ito! Hayaan siyang mamat*y sa pag ka ub*s ng dugo!" utos nito at agad naman ginawa ng dalawang alalay.
"Masusunod po mahal na don." sabay na sagot ng dalawa.
-
FLAME
Napa higa ako sa sobrang sakit ng tinamaan sa'kin.
Pagka sara ng coffin ay agad kong kinuha ang recording ni tanda at agad agad iyon sinend kay onze.
"Onze naririnig mo ako? gawin mo ang nasa plano." mahinang bulong ko dito.
Maraming d*go sa paligid ko at sarili kong d*go iyon lahat.
Kailangan ko mag pahinga bago ako kumilos. Hindi pwede na basta basta na lang baka talagang maubusan ako ng lint*k na d*go kapag nag pa dalos dalos ako.
Pakiramdam ko naman hindi pa nila ako tatabunan kaya naman. Pumikit muna ako at huminga ng malalim
Hindi sa ganitong paraan ako dapat matapos alam ko yun. Tama si lola kailangan ko tatagan ang loob ko.
Dahil hindi ito oras ng kahiyaan,
kailangan ko lalong maging malakas. Para sa'kin at sa mga taong nasa paligid ko.
Hindi dapat ako mang hina. Kung malakas ang kalaban kailangan ko din mas maging malakas.
-
A mess of masterpiece