CHAPTER 23

1487 Words
- FLAME Matapos kong mag pahinga saglit. Ramdam ko na tatabunan na ako ng lupa naririnig ko muna silang nag uusap ng kasama n'ya. Tingin ko dalawa na lang sila sa labas. Paano ko nagagawang mabuhay sa halos higit apat na bala ang sinalo ng katawan ko? Dahil hindi fatal ang tinamaan sakin oo maaring maubusan ako ng dugo dahil doon. Pero tulad ng sabi ko kaya ko pigilan iyon halos isang oras. Sapat na iyon Kumuha ako pwersa at agad kong sinipa ang takip ng coffin at bumangon. Kita ko ang gulat sa mukha nila. Kinuha ko agad ang dalawang Nighthawk 1911 na b*ril ko sa na nakatago sa ilalim ng itim kong gown.. "B-buhay ka pa?" kabado nitong tanong tumayo ako at lumabas sa kabaong. "Malamang hindi niyo ako basta basta mapapat*y. Now it's my turn!" malamig kong sagot dito.. "Sasabihin ko agad ito sa mahal na d--" hindi ko pinatapos ito at pinutukan ang ulo nito. Sa mata pa nga tumama ang pangalawang bala. Binalingan ko ang isa at nakita ko itong napa upo pa sa lupa habang nangangatog. Nilapitan mo ng dahan dahan.. "Bubuhayin kita ngayon. Pero ito ang gagawin mo. Pumunta ka kay tanda at sabihin mong tapos na. At ito?" utos ko dito at binalingan ng turo ang lalaking naliligo sa sarili nitong dug*. Ginamit ko pa ang nguso ng baril ko pang turo dito. "S'ya ang ipalit mo d'yan!" sigaw ko na agad agad nitong ginawa tinulak nito ang lalaki papasok sa kabaong at tinakpan. "M-ma'am m-maawa po kayo sa---" pinutol ko agad ito. "Bubuhayin kita tulad ng sabi ko. Pero sa oras na sinabi mo kay lolo na buhay ako. Ipapakita ko sayo sa harapan mo mismo paano ko papatay*n buong pamilya mo! Ako mismo ang gagawa para sa'yo.." malamig kong sabi dito. Kahit may kadiliman kita ko ang pag patak ng luha nito. Nilapitan ko ito at binulungan. "Wag na wag kang mag kakamali isang utos ko lang dadanak ang sariwang dugo ng mahal mong asawa at anak. Mali kayo ng demonyong ginising!" mahaba kong bulong dito. Lumayo ako dito at pinanood itong nililibing kasama n'ya habang umiiyak ito sa takot. Akala n'ya nag bibiro ako? Ngayon malaki ang alas ko gagamitin ko yun para pabagsakin s'ya. Masyado s'yang kampante na sa kanya na ang control ng lahat ng mangyayari. "M-ma'am t-tapos n-na po.." wika nito habang patuloy parin sa pag iyak. "Sa oras na ginawa mo ang gusto ko. Kukunin kita at bibigyan ng proteksyon ang pamilya mo. Naiintindihan mo ba?" malamig kong tanong dito. "O-opo.." tango nitong marami at sumagot. Hindi na ako sumagot at iniwan ito. Ramdam ko na yung sakit ng natamo ko pero nanatili akong kalmado. Kailangan ko maka alis sa bundok na ito. Palagay ko bahagi ito ng antipolo pero malayo ito sa bahay ko. At hindi rin ako pwede umuwi doon "Boss naririnig n'yo na ako?" tanong ni onze. Mukhang nag ka signal na. Nasa halos gitna na ako ng bundok medyo hindi na gaano mapuno nakikita ko ng malaya ang buwan. "O-oo h-hindi ko na kaya onze. Ang d-daming dugo.." sagot ko at unti unti nang nanlalabo ang paningin. Nakita ko ang kalsada naka hinga ako ng maluwag dahil doon. Tama ako nasa kabilang dako ako ng antipolo wala ako sa mismong lugar ko.. Humawak ako sa malaking puno. Hindi ko alam anong klase iyon. "Okay boss malapit na ako, nasa high way kana. Lumabas ka d'yan makikita kita. Kung mawalan ka mg malay ako na bahala sa mga kapatid mo." rinig kong sabi ni onze. Ginawa ko lahat ng paraan para tumayo at mag lakad ng maayos. Hawak hawak ko ang tiyan ko ito ang natamaan ng sobra. "F*ck!!" - THIRD PERSON "F*ck!!" Daing ng dalaga ng bigla itong mawalan ng hahakbangan at dumulas pababa. "Haist bwiset!" ines na sabi ni flame at tumayo ng maayos. Saktong may tumigil na isang Mitsubishi outlander. Bumaba ang driver nito. "Boss! sh*t!" tawag ng binata at agad inalalayan ang dalaga. Lalapit pa lang ito ng nawalan ng malay ang dalaga. Agad agad itong tumakbo at binuhat na ito papasok sa backseat ng sasakyan. Bago paandarin ng binata. Nag padala ng mensahe ang binatang si onze sa kuya ng kanyang amo. At agad agad itong nag maneho palayo sa lugar. Dadalhin niya ang dalaga sa secret penthouse nito sa malapit sa daraitan falls.. Humigit tatlumpong minuto bago nakarating sa penthouse ng dalaga. Agad itong bumusina upang mapukaw ang attention ng katulong sa loob. "Manang patulong. Ihanda mo ang kwarto ni ma'am flame madali ka!" utos ng binata at dahan dahan binuhat ang dalaga. Pumasok sila sa loob at dumeretso sa pangalawang palapag at ang katulong mismo ang nag bukas ng pintuan ng kwarto. "Manang paki palitan s'ya ng damit.." utos ng binata at agad lumabas ng kwarto at tinungo ang labas ng bahay. "Asan na ba sila? haist ang tagal.." ines na usal ng binata. - Nag mamadali ang pag mamaneho ng binatang si ken. May tanggap ang boss nilang si thunder na text mula sa anonymous sender. Pinapapunta sila sa pinaka dulo ng daraitan sa antipolo parin. "Baka naman kuya fake yan?" tanong ni storm sa nakakatandang kapatid nito. "Paano kung hindi? hindi natin alam kung saan ni lolo dinala si morjiana! We need to take a risk. Kung patibong lalaban tayo!" ines na sagot ni thunder sa kapatid na kinatahimik nito "Pwede? manahimik kayo?" ines na saway ni madrid. Isa itong doctor or sabihin na nating Assassin. Na ang gamit ay pagiging doctor. may kapatid ito si cindy pero ordinary lang na nurse ito katulong ng kapatid. "Tama si ate hindi ito ang oras para mag away away kayo." mahinahong wika ni cindy. Natahimik naman ang lahat dahil doon. Mukhang nahimas-masan na ang mga ito. "Andito na tayo." wika ni ken. Itinigil nito ang sasakyan sa harap ng itim na gate. Maya maya pa may lalaking lumabas ito si onze. "Sino ka?" tanong ni thunder sa lalaki. Yumuko muna ito bilang pag galang. "Ako po si onze boss. Nasa loob si miss flame saka ko na ipapaliwanag critical ho s'ya." dere-deretso nitong sabi. Agad nag takbuhan ang mag kakapatid papasok sa loob. Napa buntong hininga na lang ang binata dahil sa nakita.. - THUNDER LAVISTRE "Flame.. andito na kami.." tawag ko sa kapatid ko alam ko tulog ito. Agad kong hinawakan ang kamay nito, daig pang yelo ang hawak ko sa lamig ng kamay nito. "Umalis ka muna thunder ako na bahala sa kanya." taboy ni madrid sakin. Umalis naman ako agad Binalingan ko ang lalaking nag pa kilala ng onze. "Tell me paano mo s'ya nakuha?" tanong ko dito. Isang maling sagot lang nito sasamahin talaga ito sakin. "Kuya relax!" bulong ni storm sakin. "Boys lumabas muna kayo! Cindy tulungan mo ako." utos ni madrid. "Okay.. Let's go outside.." sagot ko. Inaya ko sila palabas. "Pasensya na po. Isa po ako sa mga tauhan ni miss flame." nanatili itong naka yuko. "Nasa sahig ba kausap mo?" pambabara ko dito. Agad naman umayos ng Tayo ito. "Huh? tauhan paano? Hindi ka namin kilala." sunod sunod na tanong ni ken dito.. "Kasi sekretong tauhan n'ya ho ako. Hindi ako parte ng kahit anong organization na nabibilang kayo." sagot nito. Lalong kumunot ang noo ko at nilingon silang lahat May sekreto ang kapatid ko? Kailan n'ya pa natutong gawin iyon? oo alam ko tahimik s'ya pero ang mag lihim? imposible yan. "Kailan ka pa nag ta-trabaho sa kanya?" tanong ko dito. "Halos limang taon na ho." sagot nito. Halos mahulog ang panga ni storm sa gulat. Maagap na inaalalayan ito ni ken na kinatawa naman naming dalawa ni lance.. "Gago!"mahina pero may diin nitong mura kay ken.. "Limang taon? Paano n'ya nailihim ng ganun ka tagal ang bagay na iyon?" tanong ko sa kawalan. "Kasi hindi sinabi?" pambabara naman ni ken. Agad kong dinukot ang b*ril ko sa tagiliran ko pati itong si onze umatras din. "Tan-tanan mo ako ken." sinamaan ko ito ng tingin. Nakita kong nag tago sa likod ni lance. "Anong plano talaga ng kapatid ko? Ang sabi lang n'ya saamin about sa pag amin ni lolo.." tanong ko dito. Tiningnan naman nito ang orasan n'ya at umiling marami. "Hindi pa po oras.." sagot nito. Gusto ko na pilipitin leeg nito sa sagot n'ya sa'kin Agad itong tumalikod at umalis. "At talagang bastos!" ines na singhal ko. "Strange... Bakit aakto ng ganun iyon?" tanong ni lance. Ito ang kanang kamay pero hindi rin nito alam ang galaw ng amo n'ya. "Hayaan na lang natin malalaman din natin yan kung anong plano ba talaga.." biglang sabat ni madrid "How is she?" tanong ko. "Natanggal ko na yung bala sa katawan n'ya. Hindi naman need ng blood kaya safe na s'ya. Kailangan na lang natin hintayin ang pag gising n'ya.." sagot nito. Naka hinga naman ako ng maluwag dahil doon.. - LIFE IS A GAME. YOU CAN'T NEVER CHOOSE YOUR OWN PLAYMATE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD