CHAPTER 21

1632 Words
- Continuation... Habang naka pikit ramdam kong may dumudukot sa bulsa ko. May dalawang lalaki akong katabi bali na papagitnaan ako nila. Ngumisi ako at nag salita ng Hindi dinidilat ang mata ko. "Kapag hindi mo inalis 'yang kamay mo kuya hospital bagsak mo." malamig kong banta at umayos ng upo pero naka pikit parin. Hindi nito inalis ang kamay nito kaya na pakagat ako sa ibabang labi ko. "I said alisin mo!" gamit ang kaliwala kong kamay hinawakan ko ang daliri nito at binaluktot papunta sa likod ng palad n'ya. "A-aray aray!! aray!! b-bitaw!" daing nito at lalo ko pang diniinan. "Miss tama na yan nasasaktan na s'ya!" sigaw ng isang guro. Kaya binitawan ko. Aambahan ako nitong sasampalin ng sinuntok ko ng tamang lakas yung leeg nya na dahilan ng kinaubo n'ya. "Mag trabaho ka ng maayos hindi yung nang durukot ka! hindi ko pinupulot ang pera pinag hihirapan ko yan.. " baliwala kong pangaral dito. Hindi ko pinansin sinasabi ng mga pasahero. Bumalik ako sa pag kakasandal at pumikit na lang ulit. "Maybe she's matured. Because she's right.." bulong ng tingin ko ay yung mag kasamang grupo na halos kaharapan ko lang. "Ang ganda n'ya ano? Mukha s'yang manika." wika ng isang babae. Dinilat ko mata ko at tiningnan sila na agad din nag yukuan. Buti nakita kong malapit na ako. Kaya dumeretso na ako ng upo. "Kuya para sa tabi!" sigaw ko dahil may kalakasan yung tugtog. Ang sound pa nila is one day yung cover ni bugoy drillon. Tumigil ang jeep kaya bumaba na ako. Agad naman may dumaan na pang montalban pinara ko ito at sumakay agad. Bumugad sakin ang reggae song ulit. Kinuha ko ang phone ko at nag text kay kuya danny na puntahan ako sa sementeryo. "Kuya bayad po sa capilpil cemetery po isa lang." bayad ko at inabot naman ng matandang babae. Medyo may kaluwagan ang jeep kaya ayos lang hindi ganun ka init. Pag patok talaga ang jeep hindi maiiwasan ang lumipad. Buti sanay ako racer din ako pero madalang na ako lumaban.. Ilang minuto pa lumipas naka rating na ako agad akong bumaba at nag lakad papasok sa parang maliit na kalsada.. Ang daming matang naka tingin sa'kin pero binaliwala kona lang. Nang maka rating ako sa puting tindahan ni aling zaida bumili muna ako "Hi nay magandang umaga o tanghali na ata. Bili ako nay ng dati kong binibili para mahal kong mama at papa." ngiti kong bati dito at sinipat ang tindahan nito. "Oh ikaw pala ganda. Dadalaw ka ulit?" tanong nito ng may ngiti sa labi at kinuha ang kailangan ko. "Opo.." sagot ko sabay tango at ngumiti din. "Ito na oh.. may lighter na yan" sabi ni nanay at sinilip ko muna at ngumiti saka inabot sa kanya ang isang daan. "Keep the change po." wika ko at nag paalam na dahil tumataas na ang araw at masakit na sa balat. Nilakad ko ang daan papunta sa looban kung saan naka himlay ang magulang ko. Nung nag 10 years si papa inilipat na ito sa may labas dati itong nasa loob. Nang makarating ako sa harap ng puntod ng mag katabi kong magulang ay agad kong nilabas ang kandila at lighter. tig tatlo sila ng kandila. Pinunasan ko muna ng palad ko ang lapida nila at inayos na ang kailangan kong ayusin. "Ma, pa andito ako ulit.. " naka ngiti ako pero masakit sa loob ko. Miss ko na sila pero wala akong magawa kaya ko man mag ligtas ng buhay at kumitil pero ang bumuhay ay hindi ko kaya. Kung sa dami ng pera na meron ako ay kaya ko silang buhayin gamit yun gagawin ko. Pero alam nating lahat imposible iyon. "Pasensya na kayo hindi ko kayo mailagay sa magandang lupa. Dito kasi kayo ligtas ayoko na pati kayo bastusin pa ni lolo.." kausap ko dito at binuksan ang dalawang tinapay na binili ko at nilagay sa harap nila. Umatras ako at yumuko.. - THIRD PERSON Sa bahay ni don alfonso may kinakasang plano ang mga ito para sa apong babae. "Gusto ko maging pulido ang planong ito. Naiintindihan n'yo ba?" tanong ng matandang don "Yes mahal na don." sabay sabay nitong bigkas at yumuko. Sumimsim ng alak ang matanda at ngumisi ito. Ang plano niya at ilibing ng buhay ang apo lupa sa malayong bundok. Upang mamat*y ito at makuha n'ya muli ang position ng apong dalaga.. "Eto na ang katapusan mo mahal kong apo.." Ngisi nitong bulong at tumingin sa labas ng kanyang malaki.. - BLAKE SHIN 6;30 pm naka rating na kami ng venue saan gaganapin ang kaarawan ni don alfonso lavistre. Lahat andito na mga kilalang tao sa iba't ibang larangan, tulad ng business at pati na rin ang kilalang mga personalidad sa mafia's at yakuza's "Hindi ako na inform na reunion pala ito ng mga kampon ni satan*s?" natatawang tanong ni hanz na katabi ko ngayon. "Siraulo.." bulong ko dito. Hindi parin dumadating ang mga lavistre mas lalo sila flame. "Son.. Darating ba iyong babae sa mall?" tanong ni mommy sa akin. Napa tingin ako dito na panay tingin sa malaking pintuan. "Mom hindi ko alam kasi hindi kami nun close.."kamot ulo kong sagot dito na kinairap nito. "You really like her? Mom alam mo naman na kung anong klaseng tao yun.." bulong ko dito. Marahas itong lumingon sakin, nakita kong natawa sila tito at tita. "I like her period. I want her to be your wife." matigas nitong sagot at tiningnan ako ng matalim. Napa buga na lang ako ng hangin. Nilingon ko ang mga pinsan ko na ganun din naka abang ang tingin sa may pinto. Isa itong hotel pag mamay-ari parin ng lavistre.. Sa laki at ganda nito hindi na ako magugulat kung mahal ang one night stay dito. Maya maya pa bumukas na ang pinto unang nakita ko ang mag kapatid na thunder at storm. Maya maya sumunod ang babaeng naka chin up at walang emosyon ang mukha nito. "Oh my god! she's so beautiful in her black and silver gown.." mommy said na may ngiti sa labi. Dumaan sila sa pinaka gitna at umakyat sa stage lahat ay humalik at nag mano sa matandang lavistre. Pero si flame bumaba agad at nag lakad palayo ng walang imik. Dumaan ito sa harap namin at tumigil din ito at humarap. "Can i sit here?" malamig nitong tanong. Nagulat ako sa tanong nito bakit dito ito uupo? "Sure.. Here " si mommy ang nag assist sa kanya at naupo naman ito ng pabagsak. Maya maya pa narinig ko 'tong nag humikab. seriously? "Ang ganda mo naman.." ngiting sabi ni mommy. - FLAME "Ang ganda mo naman.." narinig kong sabi ng isang babae. Para akong nagising dahil don. "Ho?" takang tanong ko at nilibot ang tingin ko. Sh*t lang "Sorry hindi pala ito ang upan ko. " pag hingi ko ng paumanhin. Tatayo na sana ako ng mag salita ulit yung babae. "Okay lang walang naka upo d'yan. Mukha ka kasing pagod kaya suguro hindi mo napapansin paligid mo.." hindi naalis ang ngiti nito kaya nginitian ko ito ng tipid. Mga dela Vega pala ito. Nang maka uwi kasi ako kanina matutulog pa sana ako kaso dumating na sila Francine wala na ako nagawa kundi maligo at mag handa para ayusan nila. Kaya inaantok ako ngayon. "Pasensya na." ulit ko at bahagyang yumuko. "Miss flame ito po ang drinks niyo. Pinabibigay po ito ng lolo niyo." wika ng lalaking waiter. Nilapag n'ya iyon at nilingon ko si tanda na may ngisi ito sa labi. Alam ko plano mo. Sasakyan kita ikaw mismo mag lalag-lag sa'yo. Handa ako malibing ng buhay. Nginitian ko ito at kinuha saka tumayo at binuhos sa sahig.. Lahat ng tao ay nagulat dahil doon at hinagis ko sa mukha ng tauhan n'ya ang wine glass. "Get lost!" sigaw ko dito na agad din umalis. Umupo ako ulit at nag cross arms. "Tita Aliyah ganyan ba ang gusto ninyong maging daughter in-law? Bastos geez ang dami kayang tao." wika ng althea. Binalingan ko ito. "Alam mo kung anong bastos? yung na ngingialam sa buhay ng iba! At pag binasag ko yang mukha mo sa mesa na 'to tawagin mo yung kindness bakit? Kasi binuhay pa kita." malamig at diin kong sagot dito na kina lunok nito. "Kung may awa ka pa sa sarili mo. Just stay there and don't f*cking move if you wanted to stay alive." dagdag ko na kinatahimik ng buong mesa B*tchy act hindi naman kayang panindigan.. Tsk "Manahimik ka althea!" sabi ng ina nung blake. Nanatili akong seryoso na naka tingin sa harapan ng stage. Nag sasalita si tanda pero wala don ang focus ayoko na rin idetail dahil ang boring. "Apo flame? Can we have a toast for your lolo's birthday?" ngiti nitong tanong. Inabot sakin yung mic na hawak ni dithard. Kinuha ko iyon. "Come on let's have a ---" pinutol ko ito sa pag sasalita at nanatiling naka upo. "Lahat ng tao dito alam kung ano tayong dalawa. 'wag ka ng plastic! uminom ka na kung gusto mo!" sagot ko at nilagay sa wine glass na may laman yun mic para masira. Nakita kong nag tiim bagang ito kaya na pangisi ako. Gagalitin kita hangang ikaw mismo gustuhin tapusin ako.. Gagamitin ko yang emosyon na yan. Kinuha ko ang pag kain na nilagay ng waiter at tinikman iyon. Tulad ng hinala ko lalagyan nila ito ng pampa tulog.. Nothing new. Alam ko any hour tatalab iyon saktong patapos ang party. Alam nila kuya ang plano na ito ngunit sabi ko kapag nakuha na nila ako hayaan muna nila magagawa kong makaalis. May ibang plano ako. Saktong sakto sa oras na mawalan ako ng malay darating si earl.. - You should have a tricky brain to won the game..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD