CHAPTER 24

1286 Words
- FLAME *semi flashback* "Mare anong nangyari?" tanong ng babae hindi ko ito kilala. "Mare si pare mo hindi na humihinga.." sagot ni mama sa babae. "Habagin ng panginoon. Rogelio tawagin mo sila pareng ruben kailangan madala si pareng reloy sa hospital na malapit! bilisan mo!" utos ng babae. Hindi ko sila kilala pero ang mga mukha nila namumukhaan ko sila.. Si mama umiiyak na siya ako nanatiling naguguluhan. Nilingon ko ang papa ko naka higa ito sa kama wala itong malay. Nilingon ko ang bintana namin dahil yari ito sa kahoy at may butas na kita ko ang madilim na labas. "Mama anong nangyayari?" tanong ko kay mama at hinawakan ang paa ni papa ngunit nagulat ako dahil sobra nitong lamig. "Hindi na humihinga ang papa mo pero. Wag ka mag alala mabubuhay si papa ha?" niyakap ako ni mama at nanatiling hindi umiiyak lahat sila umiiyak na. Ilang minuto lang may dumating na matabang lalaki na malaki din ang t'yan na mumukhaan ko pero hindi ko alam ang pangalan. "pareng ger buhatin natin si pareng reloy naka handa na ang sasakyan sa taas." utos nito. agad nilang binuhat ang papa ko. May lumapit sakin isang lalaki na semi kalbo ang hair cut nito. Binuhat n'ya ako at niyakap ka ng mahigpit. Pakiramdam ko kilala ko silang lahat pero hindi ko matandaan. " jiana mag paka tatag ka ha?" wika ng lalaking may buhat sakin.. Unti unti bumabalik sa isip ko ang nangyari sampung taon na ang lumipas. Ang pag ka walang buhay ng papa ko sa tabi ko habang higpit akong nakayakap sa kanya. Ang iyak ni mama ang pag hatid namin sa kanya sa hospital. Ang pag ligtas sa kanya ng mga doctor ang muling pag balik ng t***k ng puso n'ya. Ang pag dating ng tatlong lalaki at kasama ang isang matandang lalaki. Ang pag lapit nila sa papa ko at ang hawak nila sa destroxe ni papa. May inilagay sila dito tapos umalis sila agad. Yung matandang lalaki dumaan sa harap ko naka ngisi ito. Ilang minuto nanginig ang papa ko at bumula ang bibig. Nag ka gulo ang mga tao. Pakiramdam ko naka tayo ako sa mismong hospital na nonood ng eksena.. Narinig ko ang matinis na tunog mula sa isang aparato hanggang sabihin ng doctor ang... "Time is death 4;01 am.." Ang pag hagul-gol ni mama. Ang pag dala sakin nung lalaki pauwi samin. Inaayos nila ang bahay namin darating na daw ang taga purenarya.. Ang bulungan ng mga tao naririnig ko silang lahat. Nahihirapan na ako huminga! "S'ya lang nag iisang anak ni isang patak ng luha wala itong inilibas. Napaka ingratang bata!" wika ng mga ale. Sari saring salita ang naririnig ko.. Matapos ang libing ng papa hindi na ako lumabas ng bahay dahil natatakot ako sa mga salita. Ang palihim kong pag iyak ang pag hahanap ko sa papa ko ng palihim ang pag tingin ko sa mga lugar kung saan ito tumatambay habang humihigop ng kape.. Ang dating morjiana na makulit biglang nag laho. Sa mga bunga-nga na mapang husga nilamon ang batang morjiana. Si jiana na laging pinapalo ng papa n'ya kasi ayaw matulog sa hapon hinabol ng sinturon.. Ang papa niya wala na talaga. Dumaan ang isang taon. Nakita ko sa mga mata ko ang pag harurot ng sasakyang itim sa mama ko sa harapang eskwelahan ko. Doon din nawalan ng buhay ang mama ko.. Lahat ng masasakit na ala-ala bumalik na sila sa isip ko. Yung pinilit saking kalimutan.. Ang haplos nila kapag umiiyak ako ang tawanan namin pag nakikita nila akong aasar kay papa. Lahat iyon humalik yung mukha ng papa ko nakita ko ng malinaw ang mama ko ganun din. Hindi ko mapigilan umiyak. Ang mukha ng pumat*y sa papa ko nakita ko na rin sa wakas. Nakita ko ang mukha ng driver. Walang iba kundi si dithard.. Naramdaman ko ang malakas na pag yug-yog sa katawan ko. Ang huli at mahinang tapik sa pisngi ko.. "Hindi!" sigaw ko at biglang balikwas ng bangon. Nakita ko agad sila lance madrid at Cindy. Sila ken lance ang mga kuya ko sa mag ka bilang kama. At si onze nasa sulok lang ito naka yuko.. "Nanaginip ka tinatawag mo si papa. Anong nakita mo?"tanong ni kuya thun. Nilingon ko s'ya. "Anong oras ako natulog?" tanong ko pabalik. "Isa't kalahating araw.." sagot ni madrid. Nilingon ko si onze. "Onze nagawa mo utos ko?" tanong ko dito. Agad lumapit ito at yumuko muna. "Yes miss flame." sagot nito.. Naka hinga ako ng maluwag dahil doon. "Nag kaka gulo ang mafia ngayon dahil sa video na kumalat.. " putol ni kuya storm. Bumuntong hininga ako. Last minute plan iyon.. "Nakita ko si papa kung paano s'ya pumanaw at nabuhay then pumanaw ulit. Naalala ko na rin yung nangyaring iyon." pag amin ko at yumuko. Niyakap agad ako ni kuya thunder kaya niyakap ko din sya agad.. "Sssh we are here.. Don't think that too much. Narinig namin ang sigaw mo.. No need to explain." kuya thunder. Umiyak lang ako ng malakas. Lalong nanikip ang dibdib ko ng maramdaman ko ang haplos ng palad ni kuya storm sa buhok ko. Ganyan ang haplos ng papa ko sa buhok ko.. Lalo akong umiyak. "Mas maganda yan nailabas n'ya yan. Hindi man lahat atleast na bawasan yung bigat." rinig kong sabi ni madrid.. "Hindi ka nag iisa sa laban na ito boss. kasama mo kaming lahat dito!" masiglang sabi ni ken. Na kina tawa naman nila. Kahit kailan talaga 'tong bakulaw na ito. "Pag pahingahin n'yo muna s'ya. she need that." rinig ko pang sabi ni madrid. Kusa na akong kumalas sa yakap at pinunasan ang mukha ko "Status sa underground?" tanong ko sa kanila. "I said you need to rest! flame! tutusukin kita ng syringe dyan!" galit na sigaw ni madrid. "Kinukuha na ni tanda ang loob ng mga boss. Pero ayaw sa kanya ng mga ito.. Mas lalo dahil sa lumabas na video at yung voice record." sagot ni kuya thunder. "I see. susurpresahin natin sila." sagot ko at tiningnan sila. "Pero kanino galing yung voice record?" tanong nito. Ito lang ang huli sa balita dahil na rin na pumapasok ito sa college at madalang mag pakita. "Sakin.." pag amin ko na kina nganga nito. Umupo pa ito sa paahan ng kama. "Weeh??" hindi maka paniwalang tanong nito kaya mabilis kong hinampas ng unan yung mukha nakaka asar kasi yung tono n'ya. "Wag ka mag tanong kung ayaw mo maniwala!" mabilis kong sabi dito. Na kinatawa naman nito at tumayo ulit at inakbayan si onze. "Pare ang galing mo!" hinimas pa nito ulo ni onze na parang aso. "Kuya kaya ko na." baling ko sa dalawang kuya ko. "Okay ipapahanda ko mga kailangan mo." sagot ni kuya thunder.. "So sibat na kami boss! Kita kits sa UG!" paalam ni ken at dinala din si onze. "Sira hindi kasama si onze hindi s'ya parte ng underground. Impakto ka!" singhal ko dito. Na O naman ang bibig nito. "Oo nga pala." kibit balikat pa nitong sabi at lumabas na. Naiwan ako at si onze. "Onze maraming salamat. Hindi natatapos ang trabaho mo dito 'wag ka mag aalala. Mananatiling susustentohan ko ang pag papa gamot ng kapatid mo." sabi ko dito. Tumingin ito sakin at pinunasan mukha nito gamit ang braso niya "Maraming salamt po ma'am! " pasasalamat nito. Nginitian ko ito saka nag paalam na ring aalis. Muli na naman akong napa luha ng maalala ko sila mama at papa. "Ma, pa. Alam ko mali ang mag higanti pero wala na ring tama sa buhay ko. Gabayan n'yo ako sa laban na ito.." Bulong ng isip ko habang naka pikit.. - YOU WANT BATTLE? I'LL GIVE YOU WAR
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD