CHAPTER 11

1396 Words
- FLAME "May nakuha kana?" tanong ko kay onze matapos tumawag nito kaninang madaling araw sakin. "Yes miss flame.. Ito po " sabay abot sakin ng brown na envelope. Agad kong kinuha ito. "Ayon po sa mga nakuha ko. Isa pong oyabun ang kanilang uncle na si leo dela vega." onze said. Tumango ako at binasa pa ang ibang naka sulat. "Pero yang Tristan ang may bad intention sa inyo he want to get revenge on you boss.." wika nito at tiningnan ko ito saglit. "I let him.. I don't care hindi rin naman ako natatakot." baliwala kong sagot at binasa pa ang ibang information ng mag pipinsan. Hindi ko na idedetail sainyo dahil mahaba pang kwento ang bagay na iyon. "Pero miss flame? Iba ang kilos ng tristan na yan pailalim yan." may halong baba sa boses nito. "Still i don't care...At sisiguraduhin ko sa'yo na sila ang mababaliw sa gagawin ko." wika ko at sinilid sa envelope saka bibigay sa kanya ulit. "In a nice way.. Sunugin mo yan and don't tell anyone about this." paalala ko dito at tumalikod na. "Masusunod boss." wika nito. Sumakay na ulit ako sa ibang sasakyan na pag mamayari ko at umalis sa dating lugar kung saan kami nag kita. Maybe i remember him s'ya yung binatang sumugod at nag abang sakin sa underground parking ng isang hotel. Kung tama ako sinabi n'ya sa akin na gusto n'yang makumpirma kung totoong babae ang naging mafia boss.. Nag ka roon kami ng mainet na labanan non pero mas nalagasan sila kesa sakin. Mag isa lang ako noon dahil hindi pa dumadating sila kuya. Galit s'ya sa hindi ko malamang dahilan.. Masyadong mababaw ang dahilan n'ya. Hirap patulan ang ganung kababawan pero sige na pwede ko naman tapusin ang pantasya na kunwari wala akong alam sa past. That's really easy mas lalo sa katulad ko.. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko ng maraming beses. It means may tumatawag sakin. "Good sinagot mo na. Pumunta ka sa site sa Pampanga andun ang mga dela vega. they demand na pumunta tayo doon for the expansion project." kuya thunder. "Okay.." maikli kong sagot at kinabig ulit ang sasakyan pabalik. Buti naka bihis ako. Baka hindi ako makaka punta ng naka pambahay lang. Ilang oras lang mahigit naka rating na ako bago ako bumaba inayos ko muna ang damit ko at buhok ko. Ginawa ko itong messy bun and kinuha ko ang chanel kong sun glasses at bag na chanel din. Kinuha ang sapatos kong balenciaga na kulay gray and white. Na bumagay din sa suot kong office attire. Bumaba na ako at nilock ang kotse ko. Sinampay ko sa braso ko ang blazer kong coffee brown. Pumasok ako sa isang building sabi nila kuya dito ko makikita sila mr leo dela vega. Malapit ito sa mismong site Mabuti nga at walang gulo ngayon atleast normal ang buhay ko ngayon. Pumasok ako sa loob at lumapit sa isang lalaki. "Sir saan po ba ma tatagpua--" hindi ko na natuloy ang tanong ko ng mag salita sir dela vega sa likod ko. "Miss Lavistre? oh you came." wika nito at lumapit sa akin. Umalis naman agad ang lalaki. "Yes mr dela vega. Sinabihan ako ng kapatid ko. On the way na rin sila " nag bigay lang ako ng panandaliang tingin sa mga anak at pamangkin nito. "It's okay. Let's go ipapakita ko sa iyo ang aming gagawin at site na rin." ngiti nitong sabi. Tumango ako at sumunod na lang dito. Napansin ko din kasama pala nila yung utak ipis na gf nila. Bagay sila pareho takbo ng isip. Habang nag lalakad tanaw ko ang isang hindi kalayuan na parang condominium yung rooftop nito. Hindi ko alam kung tama ang kutob ko o mali. Muli lumingon ako sa mga lalaki kumpleto sila. Agad kong nilugay ang buhok ko. Hindi ko na maintindihan sinasabi ni mr dela vega dahil ang pansin ko naka focus sa bagay na kumikinang sa rooftop. "Mr dela vega." tawag ko dito na kinatigil nito at ng mga pamangkin at anak n'ya lahat sila naka tingin sakin. "May kaaway ba kayo sa negosyo? Like matinde?" tiningnan ko ito ng deretso sa mata. "Hija sa buhay negosyo hindi iyan maiiwasan." natatawa nitong sabi. Binaba mo ang sun glasses ko para hindi ako masilaw at makita ang nasa itaas. Tama ako sniper iyon. "Yeah... "inalis ko ulit ang sunglasses ko at nag patuloy sa pag lalakad. Sinasadya kong iharang ang katawan ko kay mr dela vega. Hanggang sa maka baba kami papunta mismo sa site. Pinag suot nila ako ng safety helmet sumunod na lang ako para iwas sa kahit anong babagsak.. "Nice miss lavistre." bulong ng Kenneth sakin. Tiningnan ko ito at hindi kumibo naka-ngisi lang ito sakin at binaliwala ko iyon. "Hi flame i know hindi tayo friends but can we?" tanong ni jin na agad naman humarang sakin. "Umalis ka sa daraanan ko at hindi ako nakikipag kaibigan sa kahit sino. Mas lalo sa plastic." malamig kong sagot at nilagpasan ito. Wala akong pakialam kung maraming naka tingin samin. "May araw ka ding babae ka! Pag dumating ang araw na yun pag tatawanan kita." sigaw nito. Tumigil ako sa pag lalakad ganun din si mr dela vega at humarap sa babaeng yun. "Paki dalian kamo. Ang bagal" hamon ko pa at tumalikod na ulit at nauna nang mag lakad. Gusto ko ipaalam sa kanila na may alam na ako. - BLAKE SHIN "Mukhang may alam na s'ya.." bulong ni messenger sakin (messenger ang tawag kay hanz guys. soon malalaman n'yo kung bakit.) "Pero paano? nalaman mo bang pina imbestigahan n'ya tayo?" tanong ko dito habang nag lalakad pa sunod kina tito. "Walang kahit anong bakas eh." sagot nito habang umiiling pa. "Blake wala na ba talaga tayong chance?" pangungulit ni althea. Here we go again. Nakipag hiwalay ako sa kanya dahil utos ni tris pero matagal ko na rin iyon gusto gawin dahil masyado itong demanding. Hindi ko s'ya na sagot dahil nag salita itong si yj. "Wala akong nakikitang takot sa mga mata n'ya ng kausapin s'ya ng ganun ni Kenneth kanina." It's yj (yujun) said Pansin ko rin iyan kahit nung nakikipag b*rilan ito ng dere-deretso noong nasa parking kami ng mall. Ni konting takot ay wala sa mukha nitong makikita. Masyado s'yang nahasa sa pagiging walang emotion. "Mr dela vega." narinig kong tawag ni flame kay tito leo. "Call me leo hija or tito." wika ni Tito na kina iling ni flame "Nah.. i won't do that. by the way about sa launching ng building na ito hindi ko gusto na iunder sa name namin. Our company is independent we don't need publicity, yeah we have a board members but we still a independent company.." matapang na sagot nito . Napa singhap ako pati na rin sila tris. How? ang alam ko sa mga ganung klaseng pamamalakad tanging nasa loob lang sila ng business community kung ang ibang business ay limitado sila ay hindi ngunit pribado ang lahat dito. "W-wait. independent?" gulat na tanong ni uncle "Yes sir. Mas ginusto kong gawin ganun dahil ayoko ng may ibang nakaka pasok sa kumpanya. Kaya kung alam ninyo ang tungkol sa protocol namin na once in a year lang kami mag open for hiring because we want to keep private at gusto din namin tumatagal ang mga empleyado namin..." mahabang paliwanag nito at nanatiling walang emotion ang mukha nito habang naka tingin kay tito "Lahat ng napag uusapan sa loob ay nanatiling sa loob lang. Ano man makita nila ay hindi pwede lumabas ilegal man o hindi. Ang pag uusap na nangyari sa pagitan ng kumpanya n'yo at namin at mananatiling pribado. Maaring ito na rin ang huling beses na iimbitahan n'yo kami sa ganitong bagay." deretso nitong sabi. Napa tingin ako kay Tristan na ngayon nag tatagis ang bagang at naka kuyom ang kamao. Kulang pa ang research mo pinsan.. mukhang hindi mo kilala ng lubusan ang babaeng gusto mong banggain. Gusto ko sana sabihin pero hindi na lang baka mag ka gulo pa. Alam ko din bakit n'ya pinilit ang daddy n'ya na makipag usap at maging investor ang mga lavistre. Para magawa ko ang utos nito Ngunit mukhang naka amoy ang babaeng ito. Totoo nga na tuso ang babaeng ito. Mukha ding hindi na rin ako makaka lapit dito.. - A LITTLE KNOWLEDGE IS DANGEROUS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD