CHAPTER 10

1452 Words
- FLAME Naka tanggap ako ng litrato na naka tarak ang kutsilyo sa ulo ni nanay fely. Nag tagis ang bagang ko at kinabig ang manibela ko pabalik papunta sa mansion ni lolo. Sa ayaw ko sa lahat yung mga inosente idadamay dahil kahit sino babanggain ko. Gigil akong pinatakbo ang sasakyan ko na halos isagad ko nag bilis na kaya nito. Nang makarating ako at binangga ko ang gate ng mansion. Wala ako pakialam kung ilang milyon ang masayang dahil milyones din ang gamit kong sasakyan. Kita ko ang gulat sa mukha ng mga tauhan ni lolo mas lalo na ang mag amang daniel at dithard. "D*mn it!" ines na mura ko at mas binangga pa hanggang bumukas ito. Yupeng yupe ang sasakyan ko sa harapan mas lalo na ang gate.. Pag ka pasok ng sasakyan ko bumaba ako agad. Wala akong pakialam ng sabihan nila ako ng tumigil at tutukan ng baril. "Ma'am morjiana! tumigil ka kung ayaw mong barilin kita!" sigaw ni dithard sakin. Tumigil ako sa pag pasok at hinarap ito. Kita ko ang pag atras nila dahil sa anyo na rin ng mukha ko. "Good decision." malamig kong sabi at tumuloy sa loob. Hinanap ko ang baseball bat ni tanda at nang makita ko ito. Agad kong kinuha at pinaikot pa sa kamay ko.. "Ma'am wag po ya---- aaaahhh! d'yos ko!" gulat na wika ng katulong ni tanda. Ng hampasin ko ang glass table sa kusina at dining pati na rin ang flat screen TV sa salas ni tanda. "Morjiana!" sigaw ni lolo ngumisi ako at nilingon ito. Kasama nito ang asawa n'ya na tinitingnan ang mga gamit ni sinara ko. Dahil hindi pa ako masaya hinampas ko ang malaking piano ni tanda "Oh my god! Morjiana stop it now! honey your grand daughter!" sigaw ni Veronica. Ni konting imik ay hindi ko magawa. "Dithard!!" galit na sigaw ni tanda. This tumigil ako at nilagay ang baseball bat sa balikat ko at hinarap sila. "Subukan mo lumapit dud*rugin ko yang mukha mo." malamig kong banta dito. Hingal akong nag lakad palapit sa kanila. "Sa susunod na mag babanta sa mga inosente sa pamamahay ko. Hindi ko ipapangako na ulo ni veronica ang ireregalo ko sayo!" walang emotion kong banta dito "Kilala mo ako hindi ako yung tao na mahilig mag banta pero pag nag banta ako. Alam kong nanginginig kana dahil alam mong gagawin ko." dagdag ko pa at nanatiling malamig ang tingin ko dito. "Kung ako sa'yo mag paka saya kana lang sa natitirang taon ng buhay mo. Dahil kahit ikamatay ko pa hindi ko ibabalik sa'yo ang organization!" this time may diin na ang pag kaka sabi ko. At tingin si Veronica "Ingat ka kay tanda pag nanawa sa'yo si tanda at hindi mo na s'ya napapa ligaya sa kama baka ikaw isunod n'ya sa mga niligpit n'yang babae." wika ko sabay ngisi. Ar binigay kay dithard ang baseball bat at lumabas ng mansion. Tiningnan ko ng malamig ang mga tauhan n'ya na hangang porma lang wala namang ikakasa. I know naalala nila ang nangyari noon kung paano ko inubos ang libong tauhan ni tanda ng mag isa. Sumakay ako sa kotse ko at umalis na doon. Luckily umandar pa mabilis kong pinatakbo ito pauwi ng mansion.. - SHORT THIRD PERSON POV Dismayado ang matandang lavistre sa nakikitang ka lunos lunos na sira ng kanyang gamit. Mas lalo ang antique na piano. "Don gusto n'yo po bang habulin namin s'ya at gantihan?" tanong ni dithard sa matandang don. "Hindi lalo lang syang maninira. Ugali n'ya ang mang wasak kapag inosente ang idadamay. Tulad ng ginawa natin. " bulong na sagot ng don. "Nakaka- takot ang apo mo honey." usal ng asawa nito. "Ganun ba talaga s'ya?" tanong nito at tiningnan ang basag basag na gamit. "Yeah..." mahinang sagot nito. Bigla n'yang naalala ang pagiging sweet ng batang lavistre. Nakaramdam s'ya ng paninikip ng dibdib dahil doon. Ang batang minsan n'yang nakitang ngumi-ngiti kapag nakaka tanggap ng pagkain. Kahit hindi nito alam at ng anak n'yang lalaki. Naka tanaw ang matandang lavistre sa malayo para pag masdan ang pamumuhay ng kanyang pangalawang anak. Simple pero masaya iyon. Ang hindi niya matanggap dahil pakiramdam n'ya hindi tama ang buhay na nais n'ya para sa mga anak. Piniling mag hirap maging isang kahig at isang tuka kesa maging marangya. Naisip n'yang ang anak nitong babae ang mag babayad ng lahat ngunit habang nag kaka isip ang dalaga mas malala pa pala ito kesa sa kanya noon. Bumuo s'ya ng pag katao sa dalaga na mas masahol pa sa hayop kung trumato sa mga kumakalaban dito. - FLAME Nang maka uwi ako gulat na mukha nila kuya ang sumalubong sakin. "What the f----" tinapalan ko agad ng ensaimada bibig ni kuya storm at iniwan sila doon. Yeah bumili ako kanina bago umuwi. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig, pag tingin ko sa oras mag aalas kwatro na rin masyado akong matagal sa labas. "Hey sis anong nangyari?" tanong ni kuya storm at naupo ito sa island kitchen habang kinakain ang ensaimadang binusal ko sa bibig nito. "Naka tanggap ako ng DT (d*ath threat) kay tanda si nanay ang target nila. Nag inet ang ulo ko sumugod ako doon at ayan ang sasakyan ko ang pinang bukas ko ng gate." mahabang paliwanag ko dito. "And then nanira ka don?" kuya storm at inagaw ang tubig na iinumin ko sana. Kaya napilitan akong kumuha ng baso at uminom na bago ito sagutin. " Ganun na nga... Dating gawi." sagot ko dito na kinatawa nito. "Hahaha mukhang papangalawa kana kay damon sa pagiging black sheep ng pamilya." kuya storm habang tumatawa. "Hindi malayo.. Pero kanya na yung tittle na yan mas bagay sa kanya. Basta wag s'yang tatawag sakin at ako mag lines ng kalat n'ya. Sapakin ko mukha n'ya." naiiling kong wika na kinatawa lalo nito "Yan ang sobrang malabo. Kilala mo yun kapag napasok sa trouble sa'yo tatakbo hahahaha!" tawa nito na kinailing ko na lang. "Akyat muna ako. Ako mag luluto." paalam ko at hindi kona inantay sumagot ito umakyat na ako sa taas upang mag palit ng damit. Bigla kong naisip yung tungkol sa mag pipinsan. Alam kong may iba silang intention sakin.. pero naka depende iyon sa information na makukuha ni onze kung makikipag laro ako sa kanila o hindi. Matapos ko mag bihis bumaba na ako at nag luto na lang kung anong meron. Hindi naman sila mapili as long ako ang nag luluto, kahit ano pero hilig nila mga lutong bahay.. "Ahmm miss flame?" bahagya akong nagulat sa pag tawag ni winter sakin. "Just call me ate. It's fine with me." sagot ko dito at nilingon na ito. "Ahmm.. Okay po a-ate.." ngumiti ito at lumapit na sa pwesto ko. "May gusto ako itanong.." panimula ko na kina tingin nya sakit at tumango. "Don't worry, I eat Filipino food. Because the maids in the palace and house are Filipinas and they are so good at cooking." masaya itong nag ku-kwento sakin. "That's explain it. That's why you know how to speak like real pilipino.." tango tango kong sagot dito. Tumango naman ito ng marami. "Nanny said kasi na maganda daw sa Philippines kasi marami daw beach at seafood saka marami daw murang pagkain dito." naupo ito sa island kitchen ko. Ako naman nanatiling tahimik. Base sa pag sasalita n'ya hasa ito sa tagalog siguro dahil instead na ang mga katulong nilang pilipino ang mag english o mag salita ng orihinal na lenggwahe nila. Mukhang ang batang prinsesa na 'to ang nag adjust.. "And?" tanong ko. medyo nag eenjoy ako pakinggan ang boses nitong masaya lang sa buhay. Her innocent make me remember my past. Her smile it just like mine before 10 years ago.. "And then nanny teach me how speak tagalog fluently. But i feel like I'm conyo sounds like weird." ngiwi nitong kwento at napa iling na lang ako. Tumalikod muna ako sa kanya at nilagay na ang gulay sa nilagang baka. "Nah it's fine as long nag kaka intindihin tayo walang problema. Hindi lang ako masyado nag eenglish, hindi rin ako masyado nag sasalita." sagot ko dito na kina tango nito. "Ano po pala itatanong n'yo?" habang ngumunguya ng green grapes. "Nothing naka limutan ko na." sagot ko. Yun ang totoo naka limutan ko na talaga.. Ilang minuto pa na luto na rin ito. Inutsan ko s'yang tawagin na sila kuya at sinabi kong nasa gazebo silang lahat. "Yun oh baka na naman gusto ko yan!" kuya storm at humigop agad ng sabaw. "Panalo! May konting sili pa." masaya itong kumain. Ganun din kami pati sila nanay fe at ibang katulong. - I WAS QUIET, BUT I WAS NOT BLIND.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD