CHAPTER 12

1257 Words
- FLAME Ramdam ko parin na may naka masid samin kaya hindi magawang lumayo kay mr dela vega. Dahil hindi ko pa matukoy kung sino ba talaga ang target n'ya. "Ah.. Okay miss lavistre walang problema doon. Hindi ko din alam na hindi n'yo pala iyon gusto." halata sa boses nito ang pag ka dismaya. So sumobra na naman ako? "Nah pag dating sakin hindi pwede. Dahil may rules akong sinusunod na hindi ako maari mag stay ng matagal sa public places sir mas lalo na wala akong bantay. Marami akong threat sa buhay. Pero sila kuya walang problema." pag tatama ko Yeah may sampung rules akong sinusunod pero ang iba doon at hindi ko sinusunod. Sabi nga ni kuya storm baka ako sumunod sa pinsan naming si damon isa sa mga THE RULE BREAKER. "Okay noted miss lavistre." ngiti nitong sagot. Maya maya dumating na sila kuya thun at storm. "Sorry na huli kami." kuya thun. Gumilid ako nag cross arms at hinayaan na lang sila mag usap. Napansin ko na naman ang pag kislap ng liwanag sa mula sa rooftop ng building na iyon. Tiningnan ko mga kasama ko pero bigo akong na meron maka pansin sa kanila. Yung mag pipinsan busy kaka kilatis sakin. At yung mga babae. Kala mo sinakluban ng langit at lupa. Sila kuya naman busy makipag usap. "Brothers.. 12 o'clock rooftop." Mahinahon kong wika dito. Na dahilan kina lingon nila sakin Inilingan ko sila na ibig sabihin. Wag silang mag panic and wag lilingon o hanapin. "Paano mo nalaman?" kuya storm. Bumuntong hininga ako bago nag salita. "Kanina ko nararamdaman simula ng dumating ako." pag amin ko. Halata sa mukha nila ang gulat sa sinabi ko. "Tawagan mo na sila lance at grupo ni jenny." utos ko dito at hinubad ang blazer ko at pasimpleng tiningnan ito kita kong papunta sa dereksyon ni mr dela vega. Agad kong kinabit sa teinga ko ang earpiece at inutusan mga tao ko na malapit sa area ko. "Kung sino malapit sa location ko. Puntahan n'yo ang condominium building na tanaw dito. Hindi ko alam gaano kalayo." utos ko. Na may tumugon naman agad. Sinenyasan ko sila kuya na lapitan si mr dela vega. "Mr dela vega ayoko pang himasukan ka pero mukhang may gusto tumapos sayo." deretso kong sabi dito ng hindi ito tinitingnan. "Pero wala akong kaaway.." sagot ni na naguguluhan. Natawa naman ako at napa iling. "Hindi ko alam para saan ang pag lapit ng mga yakuza sakin. Pero ngayon pa lang itigil niyo na ito. Wala akong paki alam kung business is business. Pero kung involved ako please lang itigil n'yo na." Mahaba kong sabi dito. Kahit ang anak nitong dalawa ay nagulat din... " How did you know?" tanong nito nag kibit balikat na lang ako narinig ko ang sabi ni barbara na nasa location na sila. "Kuya ngayon na." tiningnan ko ito at umatras at nag tago sa likod ng poste. Kung tama ako Hindi n'ya magawang patamaan si mr leo dela vega dahil matatamaan ako. Kung si dela vega nga ba talaga ang target n'ya? bulong ng isip ko. "Flame alam ko itong ginagawa mo.." kuya thun at nginitian ko ito. Nakita ko ang pag kislap kaya agad akong tumakbo para iharang mismo ang katawam ko kay mr dela vega. "FLAME!!" kuya thun shouted. "MORJIANA!" kuya storm napa upo ako sa sahig habang hawak ko ang balikat ko. Sa ibaba ng balikat ko tumama ng bala. Naramdaman kong may humawak sa mag ka bilang braso ko ng mag angat ako ng tingin yung blake iyon na may pag aalala sa mukha nito. "Kuya.." nilingon ko si kuya at ito ang pumalit sa lalaking iyon. Tinulungan ako ni kuya thun tumayo at hinarap sila ng binaliwala ang tumatagas na dugo. "Boss flame nakuha na namin yung lalaki." narinig kong sabi ni xian. "Alam n'yo na gagawin d'yan." malamig kong wika at hinawakan ang earpiece ko. "Hija ayos ka lang ba? Ang balikat mo tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw nito sa anak na agad naman kumuha ng cellphone ang may pangalang hanz sa kanila. "Sige po unc---"pinigilan ko ito mag salita agad. "I'm fine.. Hindi ko ikamamatay 'to kuya kayo na bahala dito. May dadalawin lang ako sa empyern*." malamig kong wika. Tumalikod na ako at hindi na sila hinintay mag salita kinuha ko na ang bag at wallet ko. Nang tumapat ako sa mga babae nakita ko na naka ngisi. "Totoo bang nasaktan ka? Baka arte lang yan? alam mo na malandi lang ang boyfriend ko." wika ng althea na may kasama pang aasar. "Pag binaril ko yang sentido mo. Ni panaginip hindi mo maalalang nasaktan ka." malamig kong sagot dito. Kita ko naman itong na multa si kuya thunder and storm natawa naman. "At ni panaginip hindi ko pinanganap kumain ng sinuka na ng iba. Tabi! baka matapakan pa kita!" sigaw ko dito na agad naman tumabi. Pumunta ako sa pinark-an ko ng sasakyan ko at kinuha ang susi ng kotse at agad inunlock ito at pumasok sa loob.. Pinaandar ko ito ng mabilis paalis sa lugar.. Tinawagan ko naman sila mika upang itanong sino ba talaga ang target. "Miss flame hindi ho kayo maniniwala ang anak po mismo ni mr dela vega para sainyo po talaga ang bala na iyon.." mika. Halata sa boses nito na kabado itong sabihin sakin. "Okay ako na bahala mula rito. Salamat." binaba ko agad ang tawag dineretso ang sasakyan ko pa balik sa site. Ito pala gusto n'yo ha. Masarap din naman pumatol sa asal aso. Mabuti at hindi pa ako gaanong nakaka layo.. Pag dating ko gulat sa mukha ang nakita ko sa mukha nila kuya. Kita ko agad ang mukha ni tristan. Nilapitan ko ito at inundayan ng dalawang suntok na sunod sunod sa mukha. "Hindi ko sasabihin na lumaban ka ng harapan.. pero ito sasabihin ko sa'yo sana malines naman!" sigaw ko dito. Naramdaman kong may tatama sakin matigas na bagay agad kong sinipa ang sikmura ng girlfriend nito. "You b*tch is out of here! Subukan n'yo gumalaw m*rgue n'yo na to madadala." banta ko sa kanila at tinuro si tristan na ngayon at umuubo ng blood. "Flame ano bang nangyayari?!" galit na sigaw ni kuya thun. "Yan ang mag hired sniper para barilin ako. Kaya pala hindi ako binabaril dahil dumidikit ako sa tatay mo. Pero nung umatras ako kanina na kumpirma ko sa akin iyon." ines kong kwento at tiningnan ito ng malamig. "I remember you 2 years ago. Yung lalaki o grupong nag aabang sakin sa isang hotel underground parking.. " wika ko at umupo pa para lalong makita ang mukha nito. "Ang original plan ko talaga hayaan kayo sa gusto n'yong gawin sakin kaso muntik na madamay mga tao dito eh. Yun ang ayoko!" hinatak ko ang necktie nito at inilapit ang mukha nito sakin. "Kaya tinapos kona agad. Sayang handa ako makipag laro. Kala mo hindi ko kayo mababasa? Anong akala n'yo sakin madaling mapa ikot?" nginisian ko at binitawan saka tumayo ng tuwid. "Una pa lang nakita ko na kung anong klase kayong tao. D*ath kill? or mas kilala sa pangalang yakuza?" tuloy ko. Narinig ko silang napa singhap at kuya. "Don't worry the business between our company and dela vega's company ay tuloy parin. I'm not unreasonable person.." Malamig kong wika at tumalikod na. Minsan kailangan mo din mag isip ng mabilis kasi kung hindi? Ikaw ang matatalo. Maaring magulo ang nangyari kanina. Hindi iyon naiiwasan pero kaya naman tapusin. - WEAK PEOPLE REVENGE. STRONG PEOPLE FORGIVE. INTELLIGENT PEOPLE IGNORE..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD