CHAPTER 9

1780 Words
- FLAME "Bakit ka agad umalis?" tanong ni kuya thunder ng maka uwi kami ng gabi. "Iba ang kutob ko sa mag pipinsan." pag amin ko na kina lingon sila lance, ken kuya storm and thun. "What do you mean?" naguguluhang tanong ni kuya storm. "Yung masamang kutob ko. Sa kanila nang gagaling..." putol ko at tiningnan silang apat. "Mas lalo yung panganay. Hindi ko ma explain pero parang na mumukhaan ko siya." pag amin ko. Oo nung una pa lang parang familiar ang mga mata n'ya. Alam ko sa sarili ko na para na parang nakita kona ito.. "Mas maaga kung aalamin mo na agad." sabi ni kuya thunder. "Gusto mo alamin namin sino sila?" tanong ni kuya storm. umiling ako at tiningnan sila. "Hindi na kaya ko na yun gawin." maikli kong sabi dito at tumayo na. "May pupuntahan lang ako." paalam ko. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at nag punta sa kwarto ko. Nag bihis lang ako ng jogger pants at loose t-shirt at sapatos. Mga hindi pinag iisipang outfit ang ganitong style.. Kinuha ko ang car key ko at bumaba na.Tulad ng inaasahan andito na naman sila kuya azi mukhang kararating lang "Aalis ka?" kuya azi. Tinanguan ko ito at nag dere-deretso palabas ng bahay. Naka abang naman lagi ang kotse ko kaya hindi ako mahihirapan kung sakali. Sumakay ako agad saka umalis sa bahay. Kung totoong banta sila sakin dalawa lang pag pipilian ko. Ang tapusin agad ang gusto nilang mangyari o hayaan sila. Mas okay sakin ang alamin muna kung anong pakay nila doon makaka pag desisyon ako.. Kinuha ako ang cellphone ko at Bluetooth earpiece ko na walang kinalaman ang mafia sa device na ito. Tinawagan ko ang isang tao na alam ko na makaka tulong sakin. Pag dating sa palihim na investigation. "Onze mag kita tayo sa dati." bungad ko ng sagutin niya agad ito. "Okay boss." sagot nito. Binilisan ko pa ang pag mamaneho hangang maka rating ako ka sa kabilang side ng antipolo kung saan ako din naka tira. Bundok din ito walang may alam na dito ako pumupunta kung may gusto akong ipa-trabaho outside the mafia organization.. Ibig sabihin personal na ito. Bumaba ako ng sasakyan at tinanaw ang malawak na kabundukan habang hawak ang binoculars ko. Maya maya pa dumating na si onze habang sakay ng motor nito. S'ya si onze Trinidad isa sa mga out of the organization na nag ta-trabaho sakin. Wala silang kinalaman sa mafia. Bukod sa mafia sila din ang source of information ko, marami sila hindi lang si onze. "Ano pong ipag uutos niyo boss?" tanong nito at tumabi pa sa pag kakatayo ko. "Dela Vega yung pamilya na yan alamin mo ang tungkol sa kanila." wika ko habang pina-pakiramdaman ang ihip ng hangin. "Mas lalo ang mga pamangkin ni mr dela vega and the man's name tristan dela vega." dagdag ko pa rito. Nang nilingon ko ito tumatango ito. "Okay boss babalitaan kita bukas ta-trabahuin ko na yan ngayon." wika nito na kinatango ko. "Isesend ko sa account mo ang full p*****t ko." wika ko dito. Yumuko ito sakin bilang pag galang. "Yes boss. Mauna na ho ako." Yuko nitong sabi at tiningnan ako. "Okay.." maikli kong sagot at umalis na rin ito. Kung ano man pakay n'yo sakin sisiguraduhin kong ako parin ang mananalo sa huli.. Pag ka alis ni onze umalis na rin ako at muli pumunta sa mall para mag lakad lakad sa loob doon. Isa sa mga department dito sa mall pag ma-mayari anim. Isa iyon sa mga klase ng kumpanyang meron kami. Hindi lang puro alak ang binibenta namin kasali na rin ang clothing. Meron ding food company. Sa pitong kumpanya na meron ang pamilya ng namatay kong lola lahat ng iyon pinangalan sakin. Pero lahat yun hindi ako ang nag papa takbo kundi ang dalawa kong kuya ang nag papatabo ng main company which is ang wine industry. Ang iba kong pinsan na lalaki sila naman sa iba't ibang kumpanya na hawak namin. May hotel din kami at agency kung saan nag mumula ang mga model na ginagamit namin sa product namin tulad ng mga damit at alahas. Kung bilyonaryo ako? Oo pero kahit ganun ako nanatili parin akong naka apak sa lupa. Ang pera ginagamit ko lang para tapatan ang mga kaaway. Sounds pathetic but kailangan natin maging tuso. Hindi lahat ng kalaban magiging mabait sa'yo mas lalo mayayaman. Tandaan mo mas demonyo pa ang mayayaman kung tutuusin. Dahil masyado sila money centered pag dating sa mga bagay na tulad ng hustisya, tulad ng lolo ko. Lahat gagawin para sa pera.. - Habang nag lalakad nakita ko naman ang mga babaeng naka banggaan ko nung naka raang araw.. Gusto ko umiwas pero wag nakaka tamad.. "Oh? you here again. Sis ayusin mo naman style mo wala ka sa bahay.." may halong pangu-ngutya nito. "Haha yes ate talagang hindi s'ya magugustuhan ni blake." tawa ng babaeng may pangalan althea. "Oh by the way.. Ingat ka ha mas lalo sa mga dela vega your the next target." ngising sabi nung jin. Muli tiningnan ko ito ng malamig at ngumiti ng matamis.. "Sila ang mag ingat paki sabi." inalis ko agad ang ngiti ko at tumalikod at iniwan silang may pag tatanong sa mukha. " Dahil kasama kayo sa iiyak sa huli, Sisiguraduhin kong kayo ang manginginig sa takot dahil sa binangga niyo ako." Bulong ko habang nag lalakad. Pumasok ako sa isa sa mga pag mamayari naming jewelry shop at nilapitan ang babae sa harap. "Ma'am morjiana? oh my god! Saglit po tatawagin ko sila sir cross." wika ni yna sabay takbo papasok sa loob ng office ng pinsan ko. Naisipan kong mag lakad lakad sa loob habang hinihintay yung gung-gong. Nakita ko ang isang necklace na key or susi ang pendant nito. Napa hawak ako sa ulo ko ng sumakit ito. Parang nakita ko ang isang babae na inabot yung susi sa isa pang babae. Piniling ko ang ulo ko at umalis doon sa pwesto na yun. "Hey insan.. hey are you okay? flame.. ayaw mo ba ang amoy ng air freshener??" nag aalalang tanong ni cross. Umiling ako at humawak sa braso nito. "Y-yung pendant na susi parang nakita ko na yan noon. I don't know." pag amin ko at tinuro yung glass cabinet na ginagamit sa mga alahas. "Maupo ka muna. Iyon ba? Yan ang favorite pendant ng lola natin gumawa ako ng bagong design ito ang naisip ko." wika ni cross na kinatango ko. "At ang alam ko ganito yung hitsura ng binigay n'ya isa sa mga apo n'ya noon. Ito ang susi para malaman kung s'ya ba ang taga pag mana." Dagdag ni cross. Napa tingala ako sa kanya. Hangang may ala-ala ako ng bata ako. Na may necklace akomg gold ito at may pendant na key. " anak wag na wag mo ito iwawala ha? bigay ito ni lola sayo." wika ni mama habang naka ngiti sakin.. "Mukhang natatandaan mo na." ngumiti si cross at nilagay sa kamay ko ang necklace. "Unti unti ng babalik ang ala-ala mo dahil may nag trigger na para bumalik ito.. Maalala mo na rin ang nangyari 10 years ago.." ngiti nito sabi. Naguguluhan ako sa mga sinabi n'ya. Pero kung may kilala man akong maaring mag sabi sakin ng totoo. S'ya lang iyon.. Wala ng iba mukhang kailangan ko na s'yang harapin. - THIRD PERSON POV "Babe.." bati ng babaeng si jin sa nobyo nitong si tristan. "Babe. why are you here?" tanong nito at humalik din sa labi ng kasintahan. Narito sila sa tinatawag nilang hideout.. kumpleto ang mag pipinsan dito ngayon. "Well nakita ko kasi yung babeng target n'yo and she's so baduy. S'ya ba talaga ang heiress ng Lavistre?" maarteng wika ng babae at kumalong pa sa hita ng nobyo. "Really? ano ba suot n'ya?" tanong naman ng lalaking si hanz. "Well jogger pants? shoes and loose t-shirt na. And naka ipit lang s'ya ng buhok." kwento nito. Halata sa mukha ng nobyo nito ang pagka bigla sa narinig. Dahil doon napa tingin ito sa mga pinsan nito. "Wow! para sa isang batang bilyonarya ganyan manamit? Yung totoo s'ya ba talaga? o isa lang din s'ya sa mga pinsan ng mag kapatid na thunder at storm?" nag tatakang tanong ni Yujun " Babe gusto ko iganti mo ako sa babaeng yun ha? Mukha naman s'yang madaling lokohin eh." paawa ng dalaga. "Sure babe. ahmm babe pwede ba iwan mo muna kami?" ngiti nitong tanong sa babae. "Oh.. Okay uuwi na rin ako." ngiti din nitong pabalik at nag paalam na sa isa't isa. "Mas delikado ang taong tahimik lang. Sa pag ka aalam ko tahimik na babae ang flame Morjiana Lavistre na yan.." wika ni hanz na kina buntong hininga ni blake. Kahit ang binatang ito napansin din ito sa dalaga. "May sasabihin ako." panimula ni blake. "Go ahead." wika ni tristan. "Nung una ko s'yang nakita. Naki table ako sa kanya tulad ng gusto mo na lumapit ako. Hindi s'ya halos nag sasalita pero..." putol nito sa sasabihin nito. Ang mag pipinsan naman ay nakikinig lang sa kanya kahit si Kenneth na hindi interesado sa lahat. Nakuha na rin ang interest nito. "She's ask me. kung isa ba akong gangster o mas malala pa. Hindi ko alam paano n'ya nalaman." Tuloy nito na kinagulat ng lahat pati ng Tristan. "Kaya kung ako sainyo wag na natin ito tuloy malalagay tayo sa alanganin. Yung mga mata n'ya na nag sasabi na 'bago ka pa maka pag salita nabasa na kita'.." wika ng binatang si blake. "So? hindi nya magagawang mag imbestiga masyado s'yang busy sa maraming bagay at babae lang yan. Napaka daling kunin ang loob. Pag naging kayo hiwalayan mo agad hangang masira at mabaliw s'ya!" sigaw ng binatang si tristan. Halata sa boses nito ang takot dahil napaka laking tao ang kakalabanin n'ya. "Ayoko ituloy ito kung lalapit ako sa kanya gagawin kong totoo iyon." matigas na sabi ng binatang si blake "Wala ka na don magagawa kung malaman n'ya ang totoong pakay ko sa kanya. Hihingi ako ng tawad kahit buhay ko ang kapalit!" sigaw nito at umalis ng hideout. "Nag uumpisa na s'yang mag ka gusto sa babaeng iyon. Hindi malayo, ang babaeng iyon may kakaiba sa kanya na madaling maka kuha ng attention ng lahat kahit hindi ito nag sasalita.." baliwalang wika ni Kenneth na tinanguan ng mag kapatid na yujun at jun. " Bwiset! " ines na mura ni tristan "Hindi rin uubra sa kanya ang d*ath threat bro buong buhay n'ya nakaka tanggap na s'ya n'yan.." dagdag pa ni kenneth na lalong kinaines ng binata. - TRUE EVIL IS, ABOVE ALL THINGS, SEDUCTIVE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD