-
FLAME
Maaga nag aya si tito na may pupuntahan daw kami.
Hindi rin ako naka punta sa perya kagabe dahil lutang ang isip ko.
"Andito na tayo. "wika ni uncle. Doon lang nabalik ako sa na balik sa reyalidad.
Tiningnan ko ang labas nakita kong sementeryo ito.
" 'to bakit andito tayo?" tanong ko dito.
Nakita ko s'yang nag tanggal ng seat belt kaya ganun din ang ginawa ko.
"Dito naka libing sila ate at si rafael pati si mama." sagot nito at bumaba ng sasakyan.
Bumaba din ako at sinara ang pinto ng kotse. Saka sumunod ako dito agad.
Base sa nakikita ko mukhang semi private ang lugar na ito.
Nasa itaas kami ng maliit na bundok at sa ibaba tanaw mo ang hindi mabilang na libingan.
"Ma, paeng ate tere.. Andito ako at si flame ang apo at pamangkin natin.." wika ni uncle at nilines ang lapida..
"Hello po.." bati ko dito. At nanatiling naka tayo.
"Ito pag uwi mo sa manila saka mo ito basahin.
Isinulat ni mama ang lahat d'yan ng pinag daanan n'ya. Maaring yan ang mag paalala sa'yo sa mission mo sa lolo mo.."putol nito sa kanyang sasabihin.
At binigay sakin ang sobrang lumang journal. Hinawakan ko ang tatak nito at pina titigan iyon
Parang familiar sa akin iyon. Agad kong kinuha ang necklace na bigay sakin ng cross at pinag dikit ko.
"May bahay na nag iisa sa isang isla sa palawan.
Malayo sa ibang tao iyon binili ito ni mama para sa'yo bago s'ya pumanaw. Ang sabi n'ya pag nasa wastong edad kana ibigay ko sa'yo ang susi ng mansion sa isla.." wika ni tito at tinago ko agad iyon pati ang journal.
"Tibayan mo ang loob mo morjiana ito ang paraan para makaya mo ito.
Sa ngayon si papa ang may control ng lahat ng nangyayari ngayon pero kung magawa mong hawakan ang lahat sa kamay mo ikaw ang panalo sa laban na ito.
Lahat gagamitin niya talunin ka lang." mahabang paliwanag ni tito Louis.
Tumango ako bilang tugon. Lumuhod ito sa harap ng puntod ng kapatid at ni lola.
"S'ya ang dahilan bakit namatay ang mama mo.
Bata ka pa ng sagasaan niya ito sa harap mo mismo. Kasi gusto n'ya mabaliw ka maging palaboy. Pero kinuha ka ng mga kuya mo. Ang mga kuya mo din ang bigay sa lolo mo na buhay ka, dahil dun kinupkop ka n'ya.." kwento nito naalala ko na may dalawang lalaki akong nilapitan noon sa isang kainan malapit samin.
Ilang linggo matapos malibing ni mama naging pagala gala ako.
Pero saglit lang iyon tapos kinuha ako ng dalawang lalaking iyon sinabi nila na kapatid ko sila sa ama tatay ko ang tatay nila. Nung una ayaw ko maniwala pero pinakita nila sakin ang DNA at ilang litrato ni papa..
"Hay*p talaga ang matandang yun. Pinalabas n'ya pa sa'kin na nag mamalasakit s'ya?" naikuyom ko ang kamao ko sa ines.
"Pinalabas n'yang nag kawang gawa s'ya para makuha ang loob mo at mapapayag kang tumira sa mansion niya.
At doon pinahirapan ka n'ya wala akong magawa dahil pinag babantaan n'ya kami kahit ang mga kuya mo.
Si santiago lang ang kanang kamay ni kuya reloy ang tanging nakaka palag sa kanya noon.. " umiiyak nitong sambit.
Agad akong lumuhod at hinagod ang likod ni tito.
"Wala akong nagawa kami ni Rafael. Andun kami na nonood lang pero nasasaktan kami. H-hindi ka nasasaktan ni kuya pero s-si papa nagawa niya iyon sa sarili niyang apo.. Useless kami.." tuluyan na lumakas ang iyak nito agad kong Niyakap ang uncle ko at hinagod parin ang likod nito
"Patawad morjiana.. Patawad pamangkin ko.." hinging tawad nito..
Kahit nasasaktan ako nanatili akong hindi umiyak..Dahil ngayon alam ko na saan ako dapat mag umpisa.
"Okay lang tito nakaya ko po lahat. At lalaban ako sa batas ng mafia.
Brutal man o hindi lahat ng gagawin nila ibabalik ko sa kanila ng triple! sisiguraduhin kong pag sisihan nilang kinuha pa nila ako." malamig kong tugon at tiningnan ito sa mata.
"Wag mo kakalimutan na may puso ka pa morjiana. Pansamantalang kalimutan mo muna iyon pero lagi mong alalahanin may umaga pa okay?
Sa pag babalik mo sa manila doon mag sisimula ang totoo mong laban.." ngumiti ito ng mapait sakin.
Tumango ako at tinulungan s'yang tumayo
"Wala akong maipapangako pero masisigurado ko na ang laban na ito ay s'yang malakas na bala ko sa kanya.
Sana maalala ko na ang lahat.." mahinang sambit ko at tiningnan ang puntod nila..
Hindi ako mangangako sainyo lola pero lahat gagawin ko makuha ko lang hustisya na dapat sainyo.
Batas ng mafia ang kumitil sa inyo at isa pang boss kaya ako din ang tatapos nito.
"Umuwi na tayo.. Gusto ko maabutan mo ang fireworks mamaya sa peryahan. Ibig sabihin nag bukas na ang peryahan Hanggang sa January ito katapusan.. Yearly tradition iyon." ngiti nitong aya. Ngumiti din ako at tumango ng marami.
-
Nang maka uwi kami kanina. Sinabi ni uncle na sasamahan ako ni ethan para hindi ako mawala.
Dahil marami din mandurukot doon, dahil may mayayaman na nag pupunta doon..
"Tito alis na po kami.." paalam ko. Nakita ko itong lumingon at tumango ng marami.
"Mag ingat kayo! ethan ang pamangkin ko hindi porket marunong yan lumaban eh hahayaan na lang iba ang lugar na ito." paalala nito.
"Opo." sagot nito.
Nauna na akong lumabas at sumakay sa kotse. Ako na rin ang nag drive.
"Let's go." wika ko at pinaandar na. Hindi na ako nag abala pang mag seat belt dahil malapit lang iyon.
"Ma'am flame may parking po sa may gilid doon tayo." wika nito tumango ako at tumingin sa paligid. Buti at maliwanag.
Napili kong ipark ang sasakyan sa gilid ng entrance ng mismong perya.
"Okay pasok na tayo." aya ko at na una nang bumaba. Nang maka baba ito agad kong pinundot ang lock at sumunod dito.
Bumungad samin ang ride na tinatawag na caterpillar at sa kanang bahagi sa dulo ang vikings.
"Ma'am gusto n'yo sumakay sa rides?" tanong nito. Na agad akong umiling.
"Gusto ko yung may tinatayaan ka? Saan iyon?" tanong ko dito. Nakita ko itong ngumiti.
"Sunod ho kayo." sabi nito. Na agad ko din ginawa.
"Tanong ko lang.. Laking bulacan ka?" tanong ko dito.
Wala namang masama kung maging talkative after all tao ako hindi machine.
"Opo simula bata pa ako. At dito na rin po naka tira sila nanay noon pa kahit ang mga lola at lolo ko." sagot nito. Pumantay ako sa pag lalakad nito.
Hindi ko maiwasan matuwa sa mga ilaw. Bata ako alam ko nakaka punta kami sa ganito nila papa noon.
Pero tuwing pasko lang kasi doon lang malaki ang sahod ni mama at papa..
"Kaya pala.." tango tango kong sagot.
Napukaw ng paningin ko ang isang dart shooting game na tingin ko wala pang nanalo.
"Teka doon muna tayo." hinawakan ko ang braso nito na kina tigil nito.
"Oh sige ma'am. Pero may daya po yan." Bulong nito sakin. Tiningnan ko ito mukhang nakuha nya agad ang tanong sa mukha ko.
"Kasi ma'am walang talim yung dart nila." dagdag nito. Kaya ngumisi ako at hinila ito palapit doon.
"Ako bahala." sagot ko at pumuwesto sa gilid dahil may nag lalaro pa.
Mukhang tama si ethan kasi tumatalbog lang ito pabalik at babagsak sa lupa.
Tiningnan ko ang board na nilalagyan ng balloons.. kung tama ako matigas na klase ng kahoy ang gamit na kapag ni lagyan ng pintura at kukunat lalo.
That's why hindi tatagos ang dart.
"Paano ba yan ma'am? talo ka." ngiting ngiti sabi ng mokong na hambog na to.
"Ako gusto ko subukan." malakas na wika ko na kinalingon ng iba at nang dumadaan.
"Seryoso ka ma'am flame?" tanong ni ethan at tumango ako.
Nag punta ako sa gitna at kinuha ang hawak ng hambog na lalaki na dart na pula at hinawakan ang talim nito.
Tama ako hindi ito patulis kundi plat ang dulo nito at medyo may katabaan. Kaya tatalbog ito sa board.
"Hahaha sige mukhang wala ka din namang ibubu--" hindi ko s'ya pinatapos ng walang pasabi kong hinagis ang dart pin.
Pumutok ang isang lobo at bumaon din ito.
"Kapag ba na panalunan ko lahat yan. Akin na lahat ng stuff toy at iba pang premyo? kasi marami akong pag bibigyan." wika ko dito at namulsa.
Rinig ko ang bulungan ng mga tao ang iba naman nakikinood na. Tumabi sakin si ethan
"Name your price sir." dagdag ko. Napa lunok ito at tumingin sa paligid.
"Sige kapag na putok mo lahat yan libre na.
Kung kaya mo baka tyamba lang yan!" ngisi nitong sabi. Pero halata sa mukha nitong nanginginig na.
Haay kayabangan talaga minsan ang umiiral sa tao.
"Nah.. i inist baka malugi ka pa " sagot ko at nilabas ang wallet ko at nag labas ng 50k sarado.
At nilapag ng maayos iyon sa table kung saan nilalagay ng iba ang bayad nila.
"Give me a pin." utos ko sa kanya. Binigay nito ang ang isang box ng dart pin at gumilid ito.
"Handa kana ethan humakot? Baka hindi ba tayo maka pag laro sa iba dahil dito ubos na oras natin." nginitian ko ito at walang tingin at sinunod-sunod ang hagis ng pin. Rinig ko ang putukan ng lobo.
"Oh my god! Ang galing n'ya!" sabi ng ginang sa tabi ko kasama ang anak niton
"Asintado po s'ya. Idol ko na s'ya" wika ng bata at pumalakpak pa
Tiningnan ko ang hambong na may ari at nginitian ito saka hinagis ang huling pin..
"Paano ba yan?" tanong ko dito at nag cross arms.
"Tsk. mandaraya ka!" ines na sabi nito at isa isa kinuha ang mga na palanunan ko.
"Nope ang board mo at pin mo ang madaya.
May collection ako ng dart ito ang laruan ko sa bahay kaya alam ko kung ano ang talim ng dart pin." baliwa kong sagot na kinagulat ni Ethan.
Sinako ng lalaki ang lahat ng nakuha ko. Ang iba binigay namin sa may gusto.
"Ano?! walang daya yan!" sigaw nito at luminga sa paligid.
Kinuha ang isang pin sa lupa at tiningnan sa liwanag.
"Ang isang dart pin kahit may pintuta tatagos parin ito.
Mas lalo kung nasa tama ang tulis nito, pero sa lagay nito? tatalbog ito sa board kaya hindi sila nanalo." baling ko dito at binitawan ang pin sa mesa.
"Unless yung may pwersa.." dagdag ko pa.
"Next time pag mag nenegosyo maging patas. Kaya hindi kayo umaahon. Maliit pa lang negosyo n'yo nanloko na kayo." deretso kong sabi at iniwan na ito. Sumunod si ethan sakin.
"Ang galing n'yo ma'am" mangha nitong sabi habang gawak nito ang isang sako ng stuff toy.
"Seryoso ka bubuhatin mo talaga yan? gusto mo umuwi na tayo?" tanong ko dito.
"Hindi ma'am may laro pa doon colored game. Masaya iyon" sabi nito at nag pa iling sakin.
"Fine.." pag payag ko na lang at nag lakad na.
-
Use the 21/90 rule.
It takes 21 day's to build a habit, And 90 day's to build lifestyle..