CHAPTER 19

1347 Words
- FLAME "Ma'am alas dose na po uwi na tayo." aya sakin ni ethan. Tiningnan ko yung oras sa wrist ko at tama s'ya. "Pwede balik tayo bukas?" tanong ko dito at tiningnan yung horror house. "Oo ma'am baka po nag aalala na sainyo ang uncle n'yo babae pa babae naman kayo. " tango nito. Bumuntong hininga ako at tumango na lang "Okay gusto ko puntahan yan oh.." tinuro ko yung horror house. "Hahaha okay ma'am sasamahan ko parin Kayo bukas. Sa ngayon uwi na tayo.." natatawa nitong sabi. "Okay.." pag suko ko at nag lakad na kami palabas ng perya. Dala parin n'ya yung mga napa lanunan ko sa dart kanina. Marami kaming napuntahan at nakainan din. Gusto ko yung cotton candy na may teinga ni mickey mouse. Pag pasok sa kotse doon ko naramdaman ang sakit ng ulo. Pero pinilit ko mag maneho ng sasakyan pauwi. Tahimik lang kami ng una ng binasag ni ethan ito "Mukha po kayong hindi bago sa mga peryahan ma'am flame." basag nito sa katahimikan. Napa lunok muna ako ng laway dahil bumabara sa lalamunan ko. "Naalala ko kasi nung bata ako pag pasko sinasama ako nila papa at mama. Iyon lang kasi ang panahon na malaki ang sahod nilang pareho." kwento ko dito. Hindi naman masama ang mag kwento sa kanya mukhang ka edaran ko lang ito. "Kaya pala. Pero ma'am mukha naman po kayong lumaki sa mayamang pamilya." wika nito na bahagyang kinatawa ko. Tiningnan ko s'ya saglit at umiling. "I know.. Dahil sa physical kong pananamit. Laki ako sa hirap bago napunta sa kamay ng mga lavistre. Lavistre na ang apelyedo ko at pangalan ko na rin ang flame Morjiana. Sabi ni mama iyon daw ang maganda para sakin.. Nung lumabas ako sa sinapupunan n'ya sabi ng doctor na pula ang buhok ko." mahabang kwento ko dito. Habang ang mata ko naka focus sa harap "Pula bakit po?" takang tanong nito. "Kasi nasa lahi nila papa at tito Louis. Russian sila at ako half russian lang yung mga kapatid ko half din sila. " sagot ko sa kanya at tinigil ang sasakyan dahil andito na kami. "Ang astig! saglit ma'am buksan ko ang gate." paalam nito. Tumango ako at sinundan ng tingin ito. Binuksan n'ya ang gate kaya agad kong pinasok ang kotse. Pinatay ko ang makina at bumaba na rin, nilock ko ito at hinarap si ethan. "Ethan salamat sa pag sama sakin. Bukas ulit pahinga kana." sabi ko dito. Yumuko naman ito at ngumiti sa'kin. "Walang anuman ma'am good night po!" paalam nito at umalis na. Sabi ni uncle na natutulog ito sa may likod ng bahay may maids quarter doon para lang sa kanila. Pumasok ako sa loob ng bahay. Tahimik na ito dahil tulog na sila. Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig saka umakyat sa taas. Pag pasok ko dahil sa pagod nahiga na lang ako at natulog agad ng hindi nag papalit. - BLAKE SHIN "Ilang araw na nating hindi nakikita si flame ano?" tanong ni hanz andito kami ngayon sa bar. "Oo kahit bakas n'ya wala. Nung meeting sa company nila sabi ng kuya thunder nito. Hindi rin daw nila alam.." sagot naman ni kenneth. Yeah kompleto kami ngayon.. "Hinay hinay mga dude baka yang pag hahanap n'yo sa babeng yan. Maging dahilan pa ng obssession n'yo sa kanya." paalala ni cyrus samin. "Tsk never." sagot ni yj. "Oo na lang si tristan nga tingin ko papunta na doon. Grabe basag ego n'ya sa babaeng iyon base sa kwento niyo." naiiling na sabi ni cyrus Kung nag tataka kayo wala sila jin. Well ayaw namin silang isama dahil magulo sila.. "Eh si blake? Yung tingin kasi n'ya doon parang hinuhubaran na." natatawa at naiiling na sabi ni Kenneth. "Hindi iyon imposible sa ganda nun. Panigurado ang ganda din ng lahi nun." kantyaw ni jun na kina apir naman ni hanz at jun. "Nakita nga s'ya ni mommy sa mall nung naka raan.." pag ku-kwento ko. Kahit maingay rinig namin ang isa't isa "Ano sabi ni tita? Gusto n'ya maging daughter in-law?" ngisi namang tanong ni kenneth. "Sabi n'ya. 'Ganun ang babaeng ihaharap mo sa'kin hindi ungol lang ang kayang gawin.' " pang gagaya ko sa pag kaka sabi ni mom. Na kinatawa nila lalo. "Pero seryoso? Gusto s'ya ni tita? eh yung flame na yun parang wala sa vocabulary nun ang mag ka gusto man lang sa lalaki.." tanong naman ni hanz na kinatahimik naming lahat. May point s'ya. Napansin ko iyon hindi s'ya ilag sa lalaki kundi ayos lang sa kanya ang ayaw n'ya is yung parang feeling close ka sa kanya. Hindi ko ma explain if she aloof or what? "Marami tayong hindi alam sa babaeng iyon masyadong malihim. Akalain n'yo yun sa yaman n'yang yun and dude she have a black card. Pero kung manamit kala mo na sa bahay lang." kwento ni hanz kay Cyrus sabay tapik pa nito sa braso nito. Nakita kong dumating si tristan na masama ang mukha. "What? is she a really billionaire? Eh yung ibang mayayaman d'yan kung mag damit kulang na lang naka bra't panty na lang o 'di kaya.. Makapag labas ng alahas wagas!" sagot na patanong ni cyrus. "Yeah ganun s'ya.. Sa ilang beses namin s'yang nakita. Sa site mo lang s'yang makikita na masasabi mong bumagay sa okasyon ang suot n'ya. At nung nakaraang araw." si kenneth na ang sumagot. "Bro may problema?" tanong ni kenneth sa kapatid nitong kanina pa tahimik. "Sabi ni dad baka mag ka gulo sa kaarawan ni don alfonso lavistre.. Kaya wag daw tayo pumunta. Matataas mafia Lords ang nandun kabilang na ang apo nitong babae.." kwento nito. Aaminin ko dinaga ako ng kaba sa narinig ko. "Pero kailangan natin pumunta. Kapag 'di tayo pumunta baka mag hinala ang mga iyon." pa bulong na sabi ni Kenneth. "Tama s'ya tris." segunda ni yj. "Parang ngayon lang ako natakot ng ganito ah? tang*na. Iang underground boss ba ang pupunta?" tanong ni hanz na parang nawala ang yabang nito. "Nasa 50 boss ang pupunta sa araw na yun. Kasama na ang mga leader na hawak ni flame morjiana. Sa kanya pa lang marami na, kabilang dito ang pinsan n'yang si damon lavistre. Ang bampira ng mafia si Vladimir at ang the devil na si demitri lavistre.." kwento nito. "At isa pa ang italian nilang pinsan na si earl loyd lavistre. Ang sabi isa itong hunter lahat ng biktima nito daig pang mga hay*p kung pag papatay*n ." dagdag ni tristan. Napa kunot ang noo ko ilan ba silang lahat? bakit ang dami nilang nasa underworld. "Sila ba ang pinaka malakas na mafia sa ngayon?" tanong ko kasi medyo naguguluhan ako. "Walang nakaka alam. Pailalim ang kilos ng mga lavist---" biglang naputol ang sasabihin ni hanz ng may umupo sa tabi nito at inakbayan ito. Kita ko ang mukha nito na daig pang isang yelo sa lamig ng tingin. Sino s'ya? "Alam n'yo ba na masamang pinag uusapan ang mafia's sa ganitong lugar?" malamig nitong tanong. Para namang na froze si hanz sa pag hawak nito sa ulo ni hanz na parang aso. "Sino ka?" lakas na loob ba tanong ni yj. Nakita kong bumunot 'to ng dagger pinigilan ko ito agad. "The hunter. Earl Loyd Lavistre.." maikli at malamig nitong pakilala saka tumayo na at tiningnan kami isa isa. Tumalikod na ito at muling nag salita. "Bubuhayin ko kayo ngayon. Pero mag ingat kayo sa kilos n'yo dahil wala pang nakaka takas sa paningin ko." malamig na babala nito at umalis na agad.. Limang minuto walang nag sasalita sa'min. Ito ba ang dala ng presensya ng mga lavistre? hindi mabigat kundi napaka lamig na nag dadala ito ng katahimikan sa isip ng tao. "Lagot tayo nito. Parang tayo na rin ang humukay sa sarili nating libingan. Ang pasukin ang mundo ng mga lavistre is a big big mistake.." halata sa boses ni hanz ang takot. Hindi namin kaya ang mafia mas lalo kung ang pamilya na yan. Sila ang nag hahari sa underworld organization. - Never let anyone know what you are thinking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD