CHAPTER 17

1405 Words
- STORM "Storm alam mo ba san nag punta si morj?" tanong ni kuya speaking off. "Hindi kuya. Hindi ko pa nga nakikita iyon buong mag hapon." sagot ko kay kuya thun. "Tinawagan mo ba?" tanong ulit nito. Tiningnan ko s'ya at umiling ng marami "Hindi ko naisip!" sigaw ko kasi bigla tumalikod. "Ewan ko sayo kapatid mo hindi mo man lang tawagan!" sigaw ni kuya pabalik. Eh hindi naman ugali ni morjiana mag sabi basta aalis na lang yun. Ako na naman may kasalanan? Hindi ko naman inutusan na gumala yung maganda kong kapatid. - FLAME "Uncle mamaya natin ituloy ang kwentuhan bibili lang po ako." magalang kong paalam dito. Hindi ko na ito hinintay sumagot kasi tumatawag si kuya thunder. "Asan ka ba?" bungad nito na halatang may ines sa boses. "Uuwi ako after 2 days. I'm safe.." sabi ko sabay patay ng tawag at binuksan ang malaking gate. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ito palabas. May nakita akong maliit na wet market at doon ako pumunta pansamantala. Pag dating ko bumaba ako agad nilagay ko lang yung sasakyan sa may tabi. Pwede naman daw doon sabi ng mga tao. Una akong bumili ng apat na sakong bigas at mga isda at gulay at iba pang sahog sahog. Nang matapos ako nag patulong ako sa mga helper nila para dalhin sa kotse ko. "Salamat po." yuko kong sabi at inabutan sila ng isang libo pang meryenda nila. "Ma'am ang laki nito." wika mg lalaking naka sandong itim "Okay lang.. Tangggapin n'yo na." sabi ko ng hindi ito tinatapunan ng tingin. Iniwan ko sila doon na masaya at sumakay na ulit nag mane-obra ako pabalik saka nadaanan ko ang isang garahe na may tindang ukay-ukay.. Tinigil ko ang kotse at bumaba ulit. Lumapit ako dito at nag hanap ng pwede ko suutin sa dalawang araw ko dito. "Hi ineng anong iyo?" tanong ng may katandaamg babae i think nasa 70 plus na ito. "Ah nay magandang tanghali po. Bibili po sana ako ng pamalit ko po." ngumiti ako dito bago tiningnan ang mga naka hanger na damit. "Ay naku ineng baka mag ka allergy ka pa ang ganda pa naman ng balat mo. Sa mall kana lang bumili ineng." sabi ng matanda. Natawa naman ako sa sinabi nito Hindi ko s'ya masisi sa sinabi n'ya dahil totoong makinis ang balat ko. Maputi pa ako at pag naarawan ako namumula ako, maputi din kasi si mama.. "Hindi po sanay ako sa mga ukay ukay." sagot ko at kumuha ng isang sweat shirt and short at jacket saka short na lagpas tuhod ko at sando. May nakita din akong bra na agad kong tiningnan ang size saka ako kumuha ng itim at white. "Ito po nay. Problema ko na lang is underwear." kamot ulo kong sabi. Nakita ko itong binabalot at binibilang ang kinuha ko. "Ang dami ng kinuha mo ineng ito oh 480 lahat anak." sabi ni nanay. Kumuha ako ng 500 na buo. "Keep the change po. Salamat po nay." ngiti kong pasasalamat. Tatalikod na sana ako ng mag salita ito. "Sa harap ng asul na bahay may nag titinda doon ng panty na naka lagay sa box. Bumili ka doon ineng." wika ni nanay kaya napa ngiti ako at tumango. "Salamat po ulit." tumakbo na ako palabas ng garahe na iyon at sumakay sa kotse. Iniwan kong naka start ang kotse buti hindi ito umatras. Pinaandar ko agad at tinungo ang sinasabi ni lola yung asul na bahay iyon ang bahay ni tito. Pumarada mua ako sa harap ng bahay na solid sa semento at walang kulay. "Tao po!" tawag ko dito ng maka baba ako at tiningnan ang paligid. "Ano yon?" sagot ng babae na tingin ko ay dalaga pa. "Ahmm... nag titinda po ba kayo ng underwear ng babae?" tanong ko dito. "Ay oo bibili ka? ilan ba?" tanong nito at may kinuhang bag na malaki. "Mag kano po isang box?" tanong ko at nilabas nito ang mga underwear na nasa box. Tama si lola. "Eto maganda ang tela nito nasa 1k ito 12 pieces. Mahal talaga ito naman 300 pesos lima." pakita nito sa manipis na underwear napa ngiwi ako dahil doon "Yung 1k po isang box po para hindi na kayo mahirapan." sabi ko at inabot ang 1k sa kanya. "Ay salamat.." ngiti nitong pasasalamat at binalot ng plastic ang underwear.. "Thank you po." wika ko at tumalikod na saka sumakay ulit. Hinintay ko muna makalagpas ang bus na ordinary at deretso na ako pumasok sa garahe. Bumaba ako at sinara ang gate ng maayos. "Uncle! patulong!" sigaw ko at binuksan ang compartment ng kotse. "Ethan pa buhat naman." utos ni uncle sa binata na kasama nito. "Oh s'ya pala ang helper ko dito flame. ethan s'ya naman si flame pamangkin ko." pakilala ni uncle dito sakin. Hindi ko ito pinansin at kinuha na ang magagaan na kaya ko like ibang grocery at pinamili ko sa sarili ko. "Wag ka mag bibiro d'yan ethan naku. Well-trained ang batang iyan." natatawa sabi ni uncle. Pumasok na ako sa loob at dineretso ang iba sa kusina. Saktong pasok nila uncle "Tito saan po kwarto ko? papalit po sana ako." magalang kong tanong at kinuha ang hawak nitong eco bag. "Sa taas pamangkin. Dulo kaliwa" sagot nito..Tumango ako at nag paalam na ako. Sabi niya si aling leni ang mag luluto nanay iyon nung ethan. Pag akyat ko nakita ko ang dulo na sinasabi ni uncle pumasok ako agad doon Halata dito na nalilines ito lagi dahil walang alikabok man lang. Nilock ko ang pinto at nag hubad na agad saka pumasok sa cr para mag half bath. Nang matapos ako lumabas akong naka bathrobe. Binuksan ko ang mga binili kong damit at pang loob saka iyon inamoy muna para malaman ko kung walang ibang amoy. Buti puro fabric conditioner ang gamit kaya agad ko iyon sinuot. Hindi ko na inisip na mag ayos dahil nasa bahay ako. Hindi ko ugali na mag ayos talaga kung ano lang andyan yun na yun. Lumabas ako para tumulong sa baba. Hindi rin ako sanay na walang ginagawa, pero syempre mabilis parin ako mapagod hindi naman ako robot napapagod din ako. "To? ano maitutulong ko sa kusina?" tanong ko ng maka baba ako. Naka upo ito sa sala habang na nonood ng news. "Wala pamangkin maupo ka dito. Bisita ka dito." sagot ni tito at tinap nito ang isang single sofa na pang isang tao. Lumapit ako at naupo doon. "Tito bakit ganun? naalala ko ang pagka bata ko pero bakit sinasabi n'yo naka limutan ko ang part ng pagkamatay ni papa?" panimula ko at tiningnan ito. Saglit itong napa tigil at tumingin sakin. "Naunan pumanaw si kuya kesa sa mama mo. Dahil sa truama nag decide si mama mo at lolo mo na burahin ang part ng memory mo sa pagkamatay ni kuya." sagot nito napa isip ako dahil doon "Bakit??" tanong ko kay uncle. Nag bigay ang isang matandang babae ng makakain tulad ng kornik. At pitcher ng juice. "Tubig na lang po nay. Wag malamig, maalat po kasi ito tapos may juice pa." sabi ko dito at nginitian ko ito. Kaya agad din inalis. " Kasi ikaw ang naka kita kung paano lagyan ng lason ng mga tauhan ni papa ang dextrose ni kuya noon. Ayoko ikwento lahat gusto ikaw mismo maka aalala ng bagay na iyon. Dahil doon magagawa mong desisyon para sa lahat." ngumiti ito ng mapait. Hindi ko na pinilit pa na mag kwento s'ya. Dahil kita ko na ang hindi n'ya pagiging komportable. Kahit sino kung kapatid mo ang usapan at pamilya mo mang hihina ka. Sa laban na ito na hindi ko alam sino ang panalo at mananalo sa huli. Hindi ko rin alam sino nga ba ang may kontrol ng lahat sa laban na ito. Alam kong iniisip ng lolo ko na s'ya ang may hawak at nakaka alam ng katapusan nito. Maari ko naman iyon baguhin pero hindi ko alam kung makakaya ng utak ko. Sabi ko nga lahaban ito ng matitibay ang loob. Hindi uso ang sumuko sa labanan na ito. Hindi ko rin alam sino pa ang makaka laban ko. Ang mundo kung saan ang pag ibig at kahinaan.. Ngunit liwanag din na itinuturing ng lahat ng mga taong andito. Sa kaso crimen ang pag mamahal. - A LIFE THAT LIVES WITHOUT DOING ANYTHING, is the same as a slow death..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD