-
FLAME
Buong araw akong nasa bahay kahapon.
Nung isang araw umalis ako agad sa boutique ni fran dahil may natanggap akong text mula sa isang taong gigimbal sa buhay ni tanda.
Nag paalam ako kina kuya na aalis ako hindi ko alam kung matatanggap nila ang text ko.
Tulog pa kasi sila ng umalis ako.
hindi ako nag dala ng sasakyan. Nag decide ako na mag commute tutal marunong naman ako.
Tulad ng sabi ko sanay ako sa hirap ng buhay bago ako napunta sa puder ng mga lavistre.
Saka ko na ikukwento ang tungkol sa buhay ko noon.
"Kuya paki baba na lang po ako sa sapang palay bulacan." sabi ko sa conductor.
"Sige.." sagot nito.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi ako sumakay sa aircon bus.
Dahil hindi ko gusto ang amoy ng air freshener nila. Mabilis ako mahilo, naalala ko noon sinabi ni santiago sakin na pinapat*y daw ni lolo ang mga anak nito.
Apat sila papa mag kakapatid sa pag kaka-alam ko.
Si tita Teresita Lavistre, Tito Rafael Lavistre, Tito Louis Lavistre and ang papa ko na si Reloy Lavistre.
Sabi lang niya hindi iyon aksidente kundi sinadya.
Hindi ko alam bakit ginawa iyon ni tanda.
Ngunit malalaman ko ang sagot sa taong saksi at makaka pag kwento sakin ng lahat nangyari 10 years ago.
Malaking parte ng pagkatao ko daw ito. Baka maalala ko na ang nangyari noon.
Mas kinakabahan ako sa maaring maalala ko at marinig ko. Ni isa sa pamilya walang nakaka alam sa ginagawa ko.
May limang taon na nakaka lipas ng subukan ulit ni tanda ipa tapos ang dalawa nitong anak na lalaki si tito rafael at Louis. Nag tagumpay s'yang mapat*y si tito rafael dahil mahina ito at may kapansanan dahil sa diabetic ito tanging wheelchair lang ang tanging paa nito.
Habang si tito louis isa itong professor at isa ding coach ng basketball 5 years ago..
"Oh andito na tayo mga sapang palay d'yan galaw galaw!!" sigaw ng conductor.
Tumayo na ako pumunta sa pinto at bumaba na agad ng tumigil.
Mula sa binabaan ko nag hanap ako ng tricycle hindi ko kakayanin lakarin ito patungo sa road 2. Iyon ang tawag dito sa mga lugar dito. At masyadong mainet.
Kung nag tataka kayo walang gulo ngayon. Meron pero mga tauhan ko ang kumikilos kasi importante ito sakin ngayon.
"Ma'am saan po kayo?" tanong ng matandang lalaki na tricycle driver.
"Road 2 ho manong ituturo ko na lang saan ako baba. Hindi ko alam tawag sa lugar na iyon." sabi ko dito at naupo sa likuran ng driver. Dahil ayoko sa loob.
"Sige po. Kapit po kayo ng maayos ma'am." paalala nito. Tumango ako at humawak ng maayos.
Ang lugar na ito familiar sakin pero hindi ko maalala kung minsan ba akong tumira dito.
Pag ka andar ng tricycle palinga-linga ako para makita ang bahay na kulay blue. Ako nag pagawa non para lang sa kanya. Para ligtas s'ya pinalabas kong totoong pat*y na para maging malaya s'ya.
"Kuya d'yan sa asul na bahay." turo ko sa bahay na tanaw agad kahit malayo ka pa dahil malaki ito.
"Ano ka ni pareng Louis? ibig kong sabihin si coach Louis?" nag tatakang tanong nito.
Hindi ko s'ya sinagot at nang tumigil at bumaba na ako agad at inabot ang bayad sa kanya.
"Keep the change.." malamig kong sabi at pumunta sa asul na gate at pinindot ang doorbell.
Yes buhay si tito s'ya ang pipeng saksi sa kahay*pan ni Alfonso Alstreim Lavistre.
"Flame?? pamangkin! bakit hindi ka man lang nag pasabi?" tanong nito ng buksan ang maliit na pinto. Lumapit ako sa kanya at nag mano.
"Biglaan lang." sagot ko at pumasok sa loob.
Nakita ko ang kotse ko na iniwan para sa kanya hindi ito rehistrado sa pangalan n'ya mismo kundi sa pangalan ko. Dahil kung sa kanya mahihirapan akong itago s'ya.
Maliit ang mundo na ginagalawan n'ya. Kaya dito n'ya napili dahil alam niyang hindi s'ya matatagpuan dito.
Louis lang ang alam ng mga tao sa kanya dito. Yun ang alam ko hindi na rin Lavistre o alstreim o valencia ang gamit n'ya kundi salvador na.
"Pasensya kana ito lang meron sa ref ko. Kamusta kana pala?" tanong ni tito habang nag bigay sakin ng tinapay na tinatawag na putok at isang baso ng juice.
"Tito okay lang alam nating pareho na sanay ako sa hirap.
Dahil bago ako kunin ni tanda dun ako sinanay nila mama at papa." wika ko dito at kinain na ang tinapay.
"Dito kana lang matulog. Bukas ang perya d'yan sa road 1..
alam ko naman yun kaso matagal ka ng nanatili sa mansion ni papa." sagot nito..
Yung narinig ko yung perya bigla akong naka ramdam ng excitement.
Naalala ko ng bata pa ako madalas ako dalhin ng papa at mama noon doon pero bawal ako sumakay sa rides kasi.
Tumatawag ako ng uwak kapag natapos o naka baba ako.
"Matagal na akong umalis sa mansion tito. May limang taon na rin o anim may sarili na akong bahay." sagot ko na kina bigla n'ya.
"Buti pinayagan ka n'ya?" tanong nito at umiling pa.
"Hindi naman uso sakin mag paalam.. Oo nga pala uncle ako na lang ho bibili sa palengke gagamitin ko yung sasakyan." pag presinta ko.
"Sige andyan pa ang mga damit mo pero diko alam kung kasya pa sa'yo." sagot nito.
"Nah bibili na lang din ako sa palengke.
Hindi naman maarte ang balat ko. Mag tatagal ako dito ng dalawang araw." sabi ko sa kanya at inubos na ang juice saka nilibot ang mata ko.
Nakita ko ang lumang litrato nila kasama si papa. Tumayo ako at tinungo ang isang shelf kinuha ko ang litrato nilang mag kakapatid.
"Ang tagal ko ng hindi nakikita ang mukha ni papa. Ito pala s'ya, bata pa ako nung huli kong naalala ang mukha nito." hindi ko mapigilan manikip ang dibdib ko sa sinabi ko.
"Kamukha mo ang papa mo. Kamukha din ng dalawa mong kuya pati ni sky." tumabi si tito sa akin at kinuha ang litrato na kasama nila si lola.
"Alam kong hindi mo na aalala ang mukha ni mama. Pero eto s'ya bago sya pumanaw wala akong litrato n'ya ng dalaga s'ya." inabot nya sakin ang litrato nilang lima kasama si lola.
"Bakit wala lagi si tanda?" tanong ko pansin ko kasing wala talaga s'ya.
"That time may ibang binabahay si papa. Yun ang iba naming kapatid. Alam mo paano namat*y si mama?" tanong ni uncle at umiling ako.
"Sa abuse pananakit ni papa sa kanya.
Lumalaban si mama sa kanya ang alam ko kaya sa'yo binigay ang lahat ng yaman n'ya dahil ikaw ang kamukha niya yun ang sabi n'ya.
Hindi mo pa alam iyon dahil baby ka pa naabutan mo s'ya tatlong taon kana ng pumanaw s'ya.." putol nitong kwento at tinitigan ko ang mukha ni lola.
Tama s'ya may hawig ito sa mukha ko kahit black and white kita ko ang mga mata nito. Na pareho sakin na akala mo d*ad eye.
"Lagi kang nasa tabi ng kabaong n'ya nung naka burol s'ya at lagi mo s'yang kinakausap na gumising na. Dahil wala ng mag bibigay sa'yo ng pagkain." tuloy nito.
Sa hindi ko malaman naramdam ko na naman ba may pumatak na tubig sa mata ko..
"She's always treating you like her real daughter.
Sa oras na umiiyak ka laging may kurot si kuya reloy ang papa mo.
May sermon naman si mama alexandra.. Nakakatawa kasi lagi nilang kinu-kwestyon si mama dahil inispoiled ka masyado." natatawa nitong kwento.
"Kaso lahat ng bago matapos namat*y ni mama sumunod si ate tere ilang taon lang. 2008 namat*y si ate. Si kuya reloy naman noong 2009 akala ko sumpa iyon. Pero sadya pala ang lahat." pahina pahina na ang boses ni tito habang sinasabi ito.
Hindi ako umimik at hinayaan itong mag kwento.
"Nang dahil lang ayaw n'ya may umagaw ng position n'ya sa underground. Ginawa niya ito, lahat kami gusto n'ya burahin. At hindi rin totoo na ikaw ng pinili ng tadhana sinadya n'ya iyon.." this lumingon na ako sa kanya.
"Po? Tito pwede ko bang irecord lahat ng sasabihin mo mula d'yan? babaguhin ko din ang boses ninyo.. Hindi pa ito ang oras para mag pakita ka." wika ko dito at nilabas ang cellphone ko.
"Oo sige. Okay na?" tanong nito tumango ako at nilagay sa mesa habang umaandar ang record.
"Gusto n'yang gumanti sa anak n'yang lalaki. Dahil mas pinili nitong iwan ang mafia para sa simpleng pamumuhay. Dahil doon halos matapakan ang pride n'ya." kwento nito halos matibag ako sa mga kwento nito.
Tama ang hinala ko hindi ito sadyang binigay sakin kundi ako ang binabalikan n'ya.
"Matapos ng matagumpay na assassination sa panganay kay teresa.
Sinunod n'ya ang pangalawang anak na lalaki si Reloy Lavistre. Pinalabas nilang natural d*ath ito pero hindi. Nasa hospital na ang katawan ng kapatid ko sana maalala mo na iyon." wika ni uncle.
Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko pero wala parin akong naalala..
"Hinaluan nila ng lason ang gamot ni kuya sa hospital. Matapos non bigla itong hindi na huminga. " panapos nito.
Hanggang ngayon iniisip ko parin lahat ng sinabi n'ya.
Ito na rin ang nag pat*y ng record. Alam mo kapag may nag trigger sa utak ko maalala ko ang nangyari noon..
Sinabi din ni uncle na si lolo mismo nag bura ng ala-ala ko sa hindi nila alam sa paanong paraan.
Ganun s'ya kasama ultimo sarili n'yang anak ginawan n'ya ng ganun.. Dugo at laman n'ya.
Ni wala s'yang puso nang dahil lang sa kapangyarihan na hindi naman n'ya madadala sa hukay.
Totoo ang sinasabi ng lahat na ang sobra ay nakaka sama..
-
THE TRUTH NEVER SET YOU FREE