CHAPTER 15

1308 Words
- FLAME Tulad ng sinabi ko maaga pa lang pumunta na ako kay francine. Malapit lang ito sa company kaya hindi mahirap puntahan. Naibigay ko din kay winter ang mga binili ko kahapon maliban sa binili ko para sa sarili ko. Pag baba ko ng sasakyan napansin ko agad ang isang sasakyan. Kapag ganitong may parating na okasyon sa pamilya madalang tumanggap o hindi talaga tumatanggap si fran ng kahit anong client. "Magandang umaga miss flame." bati ni honey sakin. "Magandang umaga. Si Francine?" tanong ko dito ng maka pasok ako sa loob ng boutique. "Nasa office n'ya ho. May kausap na mag papagawa ng damit para sa party ni don alfonso." kwento nito. Napa tango na lang ako at tumingin tingin sa mga naka glass na gowns and etc.. "Ayaw n'yo pong pumunta doon?" tanong ni honey. Umiling ako at tiningnan ito saglit. "Mamaya na lang. Ayoko maka istorbo tutal wala din naman akong pupuntahan ngayon." ngumiti ako ng tama lang at kinuha ang magazine sa isang maliit na glass table. "Flame? Kanina ka pa?" bahagyang nagulat pa ako ng mag salita si Francine. Binaba ko kuna ang hawak ko at lumingon dito. Napansin ko agad ang mga dela vega cousin's andito pati yung mga babae. "No 1 minutes pa lang ako dito." sagot ko dito at tumingin sa ibang mga gown "Oh by the way sila yung bagong kliyente ko alam mo na for lolo's birthday." may halong ines sa boses nito. Nilingon ko ito at natawa lang. "Pero ginawa mo parin? Yeah i know them but I don't care unahin mo na sila. Mag lilibot muna ako." malamig kong sabi at nilagay ang kamay sa bulsa ng jacket kong balenciaga ang tatak. "Pwede ko naman pag sabayin. Tara na sa loob para maka pamili ka ng gusto mong design and kulay na rin.." hinawakan nito ang braso ko at hinila. "Halina kayo sunod kayo sakin dadalhin ko sa'yo sa exclusive collection ko." ngiti nitong aya sa mga mag pipinsan. "Sige po." sagot ng hanz. Base sa pisikal n'yang appearance ito ang madalas maka ramdam ng takot. At slightly magalang pero may kulo din yan sa loob. Nanatili akong tahimik habang nag lalakad kami sa mahabang pasilyo. Hangang basagin ni jin ang katahimikan ng paligid. "May babagay kaya sa'yo miss lavistre? para kasing sa mga type ng sinusuot mo eh. Mahihirapan si miss Francine." may halong pangu-ngutya nitong sabi. Tumawa naman ang ibang babae nitong kasama. "Ay girl. Itong si flame ang pinaka the best model na pinilit ko para imodel at irampa ang ginawa kong gown 2 years ago. At naging ma benta ang design na iyon." pag mamalaki ni fran dito. Wala ako sa mood para umimik dahil una sa lahat tinatamad ako makipag talo sa asal tang*. "Really? miss Francine para naman sa pananamit n'ya eh malayo naman yang sinasabi mo, baka dahil na lang sa maimpluwensya ang pamilya n'ya?" segunda naman nung isang babae base sa naalala ko s'ya si cyrill. "D'yan ka sobrang mali. Kilala ko ang pinsan ko. Ito ang may pinaka mahirap maka usap at ma approach sa aming lahat mailap sa tao ito. Mas gusto n'ya mag isa sa lahat." sagot ni fran. Halata sa gulat sa mukha nila ng marinig nila ang sinabi nitong si Francine. "Enough Fran don't waste your time.. I don't really care kung ano gusto nilang sabihin. Ganyan talaga pag masyadong maissue sa buhay at masyadong insecure.." deretso kong sabi at nag lakad pag una. "Nakaka matay ang sobrang insecurities." huli kong sabi. at pumasok sa isang glass sliding door na kung saan nasa loob ang collection ni fran. Saktong nasa likod ko na sila ng humilera ang lahat ng tauhan ni fran sa loob at nag bow sakin. "Welcome miss flame morjiana lavistre!" sabay sabay nilang bati. Nilingon ko naman si fran ng may kunot ang noo. "Haha sorry insan nasabi ko kasi sa kanila na dadalaw ka dito kaya ayan. Bow to the queen." paliwanag nito at nag peace sign pa. "Tsk bumalik na kayo sa trabaho n'yo! don't mind me." utos ko na agad naman nilang ginawa. Nauna na si fran this time. Nilabas ko ang kamay ko sa bulsa at pinatunog ang daliri ko at leeg ko. Dahil pakiramdam ko nangangalay na ako. Nang makita ko na ang collection n'ya agad ko itong nilapitan. It's a combination silver and black one shoulder trailing side slit. Tama ito sa taste ko. "Yan gusto mo sure ka? Ayaw mo nag daring that night?" tanong ni fran sakin ang iba naman nitong staff ay inaasikaso ang mga kasama namin. "Nah ito ang gusto ko simple lang.." nginitian ko ito at hinawakan ang tela gown.. "Okay kung ano gusto mo yun ang masusunod." ngiti nito at sinenyasan si honey na kunin yung gown. "Hindi ko na ipapasukat sayo kasi sukat mo yan niluwagan ko ng konti. Sa araw ng party ako mag susuot n'yan sayo para kung hindi s'ya fit magawan ko ng paraan agad." mahabang paliwanag nito "Okay no problem." tumango at nilingon ang suit para sa mga lalaki. Pumukaw sa pansin ko ang silver and maroon three piece suit at isang silver and navy blue three piece suit din. "Ahmm.. wala naman sinabi na bawal ibang kulay diba? basta may attach na silver and black?" tanong ko kay fran at nilingon ito. "Oo yun ang sabi.. Why?" tanong nito. Hinawakan ko ang wrist nito at lumapit doon. "Ayan gusto ko yan para kila kuya. Bagay sa kanila iyan." sabay turo ko doon sa sinasabi kong suit. "Wow hahaha para talaga sa kanila yan insan.." natatawa nitong sabi at pinakita sakin ang pangalan na naka lagay sa bulsa ng suit. "So nag pasukat na sila?" tanong ko dito. Umiling ito "Hinanda ko lang yan pero kinuhaan ko ng picture at pinakita sa kanila." kwento nito at tumango na lang ako. May times talaga na hindi sinasadya nangingialam ako sa mga suot ng kuya ko.. " I see.." tumango lang at nginitian s'ya - BLAKE SHIN Nilingon ko si tristan nahuli ko itong naka tingin kay flame na ngayon at bahagyang ngumiti sa pinsan nito. Nagulat pa ako kanina ng malaman ko na ang babaeng ito ay pinsan din pala ni flame pero iba ang apelyedo nila. Dahil valencia ang apelyedo ni miss francine.. Dito kami pinapunta ni mr alfonso para sa gaganaping kaarawan nito sa susunod na linggo.. "Mukhang may hindi magandang mangyayari." bulong ni hanz na ngayon katabi ko na. Tapos na kaming pumili. "Mauna na ako fran." paalam ni flame sa pinsan n'ya. "Okay ingat ka!" kumaway pa ito sa pinsang si flame at ang babae ay walang lingon na umalis. "Tama ka. Mukhang mag kaka roon pa ata ng love triangle dito." natatawa kong sabi. Kilala ko ang tingin na yan ni tristan. Maybe sa utak n'ya she's our enemy but hindi maikakaila na maganda si flame kahit hindi ito naka ayos. Isa lang simple lang s'ya. She's beautiful actually i think inside and out kahit ang mata nito napaka lamig kung tumingin. With her pure gray eye color black hair. Nag mumukha s'yang d*ad human dahil doon at napaka lamig kung titingnan Ang alam namin lahi sila ng russian. Nag mumukha lang s'yang manika pero a d*adly barbie.. "Hay naku sino kaya mananalo between jin and flame?" buntong hiningang tanong ni hanz. "Tingin ko wala. Sa ugali ng babaeng iyon kahit siguro ikulong yun hinding hindi mo mapipilit gustuhin ka. Bato ang puso n'ya na napapa libutan pa ng bakal na rehas." wika ko dito. Yun ang nakikita ko mas lalo nung mga nag daan na araw. Yung araw na kung saan wala s'yang abiso na sapakin ni tris at ihagis ang pugot na ulo na yun samin.. Isa lang masasabi ko mas malala pa s'ya sa iniisip ko. - FACE OF AN ANGEL, MIND OF A KILLER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD