-
FLAME
Kinaumagahan habang kumakain kami biglang dumating si damon na halatang galing sa kung saan.
Tiningnan ko ito ng nag tatanong na kung may gulo na naman itong pinasok.
"Hahaha wala akong gulong pinasok don't worry." natatawa nitong wika. Na kinatawa din nila kuya at ng iba.
"Oh? hi winter." bati nito kay winter na nginitian naman siya ng dalaga. Hindi s'ya maka pag salita dahil may laman ang bibig nito.
"Bakit ka andito damon?" tanong ni kuya thun.
Umupo naman ito sa tabi ko at binigyan s'ya ng plato ni ate joan.
"Ayun na nga lahat tayo invited.." panimula nito.
Hindi ko sila pinansin nag tuloy lang ako sa pag kain habang nakikinig.
Like i said hindi ako madalas umimik..
"Para saan na naman?" may halong irritation sa boses ni kuya thun.
"Hindi n'yo alam? ang sama n'yo kay tandang alfonso! Birthday na n'ya next week.." naiiling nitong sabi.
"Oh? Akalain mo yun? hahaha sigurado s'yang iimbitahan n'ya tayo?" natatawang tanong ni kuya storm.
"Gusto daw n'ya dahil may announcement daw s'ya. Paano ko nakuha?" tanong naman nito sabay ngisi.
"No need kahit hindi mo sabihin kilala kita. Nag lagay ka na naman ng spybu--" hindi na natuloy ni kuya thun ang sasabihin n'ya ng sumagor agad si damon.
"Hoy hindi! pupunta kasi ako sa mansion. Eh nakita ko sila ayun nag tanong ako." depensa nito.
"Hahaha oo na lang damon." kuya storm habang tumatawa.
"Tapos na ako." mahinang sabi ko at pinunasan bibig ko at tumayo na.
"May pupuntahan ka ba ngayon?" damon asked me. Tiningnan ko muna s'ya at tumango.
"Balak ko pumunta ngayon ng mall. May gusto akong bilhin for winter. Hindi na kita isasama." baling ko kay winter na tumigil sa pagkain. Tumango ito at ngumiti
"Okay next day mag pa sukat kana ng damit mo.. Silver and black and theme ng 69th birthday ni lolo." damon. Umirap lang at sinagot ito.
"May magagawa ba ako? fine." naiiling kong sagot at umalis na hapag kainan.
Umakyat ako ng kwarto at nag hanap ng susuutin nag decide ako na mag suot ng wide leg trousers black and white croptop and white andy sneakers.
Matapos ko ihanda naligo na ako ng maayos. Nakita ko sa salamin ang natamo kong sugat nung nangyari kahapon sa site..
"Mamarka na naman." naiiling kong bulong at pinag patuloy ang pag ligo.
Nang matapos ako nag bihis na ako.
Masasabi kong bagay sakin mas lalo na at black ang hair ko hindi iyon kina pangit ng style. Hinayaan ko lang naka lugay muna ang buhok ko at tumutulo.
Hindi ko hilig iblower ang buhok ko dahil ayoko itong ma dry ng husto. Natural ang pag papatuyo ko maliban kung may mga occasion.
"Wow nag ayos. Yan para hindi ka naman mag mukhang manang sa suot mo lagi." it's kuya storm. inirapan ko ito at hindi umiimik.
Kung boring ako kausap? Oo hindi ako nag sasalita halos eh. Kinuha ko ang susi ng kotse ko for now i use normal car like Mitsubishi outlander.
Nang maka pasok ako agad kong pinaandar ito papunta sa mall na malapit lang din dito samin..
-
Higpit kulang kulang 20 minutes nakarating din ako. Agad kong pinark ang sasakyan ko saka bumaba dala ng sling bag ko na YSL ang brand..
Pumasok na ako ng mall at nag lakad lakad muna at tingin tingin sa paligid.
Kung itatanong n'yo kung nag ka roon na ako ng ka relasyon. I would say nothing masyado akong focus sa mga bagay na personal tulad ng mafia.
Paano din ako nakakapag gala tulad nito. Well dahil hindi ko kailangan ipaalam sa lahat ang tungkol sakin. Threat lang ako sa mga taga underworld pero sa ibabaw? maybe sa mga police.
Between justice and crime tingin ko nasa pareho akong kalagayan. Tumutulong kami sa mga taong hindi kaya makamit ang hustisya pero isa parin kaming kriminal that's why nasa pareho lang kami.
Tumutulong ako ng patago dahil ayoko ng may nakaka alam ng ginagawa ko. Hindi dahil makaka kuha akong masamang salita.
Dahil iyon ang tama. Sa mundong ginagalawan ko kung ano tingin naming tama doon kami.
Maari sa mata ng batas ay hindi. Pero sa amin tama lang iyon. Mas lalo kung hihingi ng tulong na pumat*y kami at babayaran kami.
More on nag papayad pero madalas ay hindi..
"Hi gusto mo s'ya hawakan?" nabalik ako sa reyalidad ng mag salita ang babae sa harap ko.
"A-ah hindi po sorry marami lang akong iniisip." hingi kong pasensya. Natawa naman ito kung sa kilos nito ibabase ang babae mahinhin ito.
"It's okay.. Ang ganda mo naman sana mag ka daughter-in-law ako na kasing ganda mo.
Mga babae kasi ng binata ko hindi ko mga bet." mahaba nitong sabi at ngumiti pa habang pinag mamasdan ang mukha ko..
"Ay sorry ako Aliyah dela vega.. Ikaw?" ngiti nitong pakilala. Bigla nawala ang konting ngiti ko sa sinabi nito.
"Ahmm flame lavistre.." pakilala ko at napa tingin sa aso nitong dala dala na hindi ko alam anong lahi..
"Lavistre? grand daughter ni Alfonso Lavistre?" tanong nito na may konting gulat sa boses nito. Tumango lang ako bilang sagot.
"Mommy! naka bili na si cryst-- miss lavistre?" napa angat ako ng tingin ng makita ko si blake isa sa mga mag pipinsan.
"Ah mauna na ho ako." paalam ko at tumalikod na sa kanila. Hindi ko sila hinintay pang sumagot
Pero narinig ko pa ang pag tawag ng tingin ko nanay n'ya base sa pag tawag nito. Hindi ko balak makipag chit-chat sa kahit sino.
Dumeretso ako sa store ni cross dahil may itatanong ako at kukunin ko yung necklace na order ko for winter at yung sakin din.
"Good morning miss flame!" sabay sabay na bati ng mga staff at yumuko pa. Tumango ako at dumeretso ng counter.
"Si cross?" tanong ko kay ashley.
"Nasa loob po ma'am. Teka po tatawagin ko." ngumiti ito at tumango naman ako.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid.
Masasabi kong magagandang klase ang jewelry dito hindi ito basta basta lang ginawa.
Karamihan dito at hand made sabi ni cross ibig sabihin hindi makina ang gumagawa kundi kinakamatay gamit ang maka lumang tools.
"Hey insan! Ito na ang order mo check mo na lang muna bago ka umalis." wika ni cross at binuksan ang isang box na nag lalaman ng jewelry may especial device akong pinalagay sa mga ito para kay winter.
Na kahit saan s'ya alam ko parin saan s'ya mahahanap.
"Okay na ito salamat." pasasalamat ko dito at inilagay ni ashley sa paper bag ito at iniabot sakin.
"Sus wala iyon. Sige ingat ka pauwi." pag tataboy nito. Tiningnan ko naman ito ng masama na kina tawa n'ya.
"Alis na ako." paalam ko at tumalikod na ako.
Kung close ako sa kanilang lahat? tulad ng sabi ko hindi lahat. May pinsan akong ayaw sakin.
Pag labas ko nag ring ang cellphone ko sa bag ko. Kaya kinuha ko ito at. binasa kung sino.
"Francine? bakit?" pag sagot ko sa tawag.
It was francine isa ito sa mga pinsan ko matanda ito sakin ng apat na taon at personal na designer ng pamilya namin.
"Well sabi kasi ni lolo may party so kailangan mo pumunta dito para sa sukat mo." sagot nito.
Naririnig ko mula sa background ang kaluskos ng papel.
"Ganun parin ang size ko fran walang nag bago. Kung kulay naman pag samahin mo na lang or black." sagot ko habang papunta sa isang ice cream parlor. Rinig ko ang buntong hininga nito.
"Fine.." kahit hindi ko ito nakikita alam kong naka irap ito.
"Fine tomorrow pupunta ako." final kong sagot at binaba na ang tawag.
Bumili ako ng ube flavor na ice cream at nag lakad lakad pa.
Hanggang makita ko ang cellphone store. Pumasok ako doon at nag tingin tingin ng latest model para rin ito kay winter.
"Hi ma'am latest model po ba hanap n'yo?" ngiting tanong ng sales lady. Tiningnan ko s'ya at tumango.
"Ito miss bigyan mo ako ng ganitong model. Kung pwede sana yung red para sa kapatid ko." sabay turo ko sa latest na iPhone agad naman s'yang tumalima.
Tumingin tingin pa ako ng ibang model hanggang dumako ang tingin ko sa labas ng glass wall ng store. Nakatingin pala sakin mga alipores na dela vega.
Muli kong binalik ang tingin ko sa laptop. Tingin ko magugustuhan n'ya ito.. Wika ng isip ko.
"Ah.. Ma'am ready na po kailangan n'yo lang munang itry.." ngiting wika ng babae kanina.
"Okay.. But one more thing i want this and this too." hinawakan ko ang labi ko at tinuro ang isang iPad at laptop na same ang brand.
Nakita kong nanlaki ang mata nito na pinag taka ko naman..
"O-oh I'm sorry ma'am sige ho. Huy bakla ito daw kuha ka ng ganitong model." kalabit nito sa baklang naka hara din sakin.
"Okay okay.." natatawang sabi ng bakla. Pakiramdam ko naka tingin parin sila sakin.
Habang hinihintay ko silang matapos sa pag check ng binili ko. Saktong naubos kona yung ice cream ko..
"Ma'am gusto n'yo po ideliver na lang namin? Masyado itong mabigat ma'am.." pag kukusang gawa at wika ng lalaki. Na base sa ID nito ay manager.
"No. I can manage kaya ko yan." ngumiti ako ng tipid.
Nag ka tinginan sila at napa buntong hininga ang manager nila. Maya maya binigay ko na ang card ko na halatang kinagulat din nito.
"Thank you for coming ma'am! Have a great shopping!" sabay sabay nilang wika at yumuko pa. Yumuko din ako bilang pasasalamat at lumabas na.
Nakita ko silang naka tayo malapit sa gilid ng escalator.
Kaya naman umikot ako dahil ayoko silang maka sa lubong man lang. Nang maka rating ako sa kabilang dulo ng second floor ng mall dun ako bumaba gamit ang escalator..
Alam kong naka sunod ang tingin nila sakin.
Dahil ramdam ko iyon matapos ang nangyaring iyon ay hindi ko na gustong ma involve sa kanila pa. Magulo na buhay ko ayoko ng dagdagan pa dahil nakaka pagod na.
-
EVERYTHING YOU CAN IMAGINE IS REAL..