CHAPTER 20

1419 Words
- FLAME Sabi ko kay uncle babalik kami sa perya para pumasok sa loob ng horror house. Una ayaw ni uncle pero pumayag din kasi hindi ko s'ya kinikibo. "Ma'am Excited po ata kayo?" natatawang tanong ni ethan.. "Oo weird pero ito mga trip ko sa buhay. Lagi kasing seryoso ang mundong ginagalawan ko. Kaya kahit once in a lifetime lang mag paka baliw naman ako.." sagot ko dito na kinatawa nito lalo. Sabi nila wala daw entrance basta yung papasok malakas ang loob.. Paano sila kikita? "Enjoy ma'am sir!" ngiting sabi ng multong babae at lalaking naka barong na puti. Pumasok kami sa loob at maraming nag sisigaw na tao dahil sa takot. Ako naman ang concern ko is wala ako makita. "E-ethan? wala ako makita.." kabado kong tawag dito. naramdaman ko na may humawak sa braso ko. "Ma'am parang mas takot kayo ng walang ilaw kesa sa mga nanakot eh." natatawa na naman nitong sabi. Yun ang totoo wala akong fear sa madilim. Ang main reason kasi lampa ako sa dilim. Maliban kung na sa stage ako na kailangan ko mag cocentrate. Marunong din ako non just incase na sa lugar ako na madilim at masikip. "Tang*na! lumayo ka sakin!" sigaw ni ethan pati ako naitulak na n'ya. Tingin ko may gumulat sa kanya. "Ma'am hala! sorry natulak ko kayo!" pag hingi nitong paumanhin.. Nailing na lang ako at nag lakad pag una dahil nakikita ko na ang daanan. Kahit kulay dark red ang ilaw at black. Masakit ito sa mata para sakin. "Oh my god!!" "Aaaahhh!!" Kanya kanyang tili ng mga ito. Nangiwi naman ako dahil doon naka limutan ata nilang pekeng multo yan. Hangang may napa daan ako sa isang pinto. nang buksan ko tumambad sakin ang naka sabit na ulo, dahil horror house ito hindi ko inisip na hindi iyon peke. Pero ng mapansin ko ang likido sa sahig at pinikit ko ng mata ko at nag focus doon sinundan ko ito ng tingin at nakita ako ang isang katawan ng tao na naka upo sa hanay ng pintuan kung saan ako eksaktong nakatayo. It headless dead body. Agad kong hinila si ethan at inutusan tawagan ang ang security at maintenance. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa flashlight. Pumasok ako sa loob at kinuha ang panyo ko para walang finger print. Malansang dugo ang bumungad sakin. Nang ilibot ko ng mata ko saktong bumukas na ang totoong ilaw nabitawan ko ang cellphone ko ng may sumugod na lalaki saking may dalang.. Matalas na hatchet. Agad kong sinipa ang kamay nito at sinundan ko ng pag tuhod sa alaga nito. Nang mapa luhod ito inatake ko ito gamit ang siko ko sa batok nito. Napa higa ito at dumadaing ng sakit sa pang ibaba nito. "Sino ka?" tanong ko dito at nilagay sa bulsa ang kamay ko. Hawak parin nito ang hatchet nito na napaka raming dug* "Mag babayad ka!" sigaw nito at akmang ihahagis nito ang hawak n'ya ng sipain ako ng mismong handle ng hatchet kaya nabitawan n'ya ito. "Ito na lang ipag pasalamat mo sa santong dina-dasalan mo. Dahil binuhay pa kita." mahina kong sagot at tumalikod na. Maya maya dumating na ang police at ang ilang SOCO pati ang mga taga barangay. Kinunan nila ako ng statement. Nakiusap ako na walang makaka alam nito. Pumayag sila dahil doon Napag alaman kong serial kill*r pala ito. Bigtima nito ang mga taga perya lalo na ang horror house. Kung bakit hindi ko s'ya tinapos? Hindi kasi masaya kung mapapabilis ang pag dudusa n'ya kung gagawin ko yun. Mas okay na s'ya mismo tatapos sa buhay n'ya dahil wala na s'yang pag asang makalabas pa. "Uwi na tayo ethan. I'm tired" aya ko dito na busy kumain ng fishball. "Opo saglit po ubusin ko lang ito. Para hindi marumihan yung sasakyan." sabi nito at kinain lahat ng nasa plastic cup na fish ball. Kumain din ako at tingin ko mas marami akong nakain. Nakuha ko pang bumili para iuwi kay tito. "Okay na ma'am.. Tara na po." ngiti nitong sabi at pinunasan yung bibig niya. "Okay.. thank you manong pasensya na at pinagod ko kayo sa dami nito " yumuko ako at ngumiti. Saka tinaas ang limang plastic na street food ang laman at mga suka at gravy. "Walang anuman ma'am.." natatawa nitong sabi. Nag umpisa na kaming mag lakad papunta sa kotse. Ito na rin ang huling gabi ko dito. Uuwi na ako bukas. Mabilis kami naka rating sa bahay. Bumaba ako at hinarap si ethan. "Salamat ethan sa lahat ngayong gabi at kagabe ito na ang huli kong gabi dito. Bukas babalik na ako salamat sobrang nag enjoy ako." pasasalamat ko dito. Nag kamot naman ito ng batok. "Ma'am wala po iyon.. Sige po ma'am una na po ako." paalam nito. Tinanguan ko lang ito at umalis na rin ako at pumasok sa bahay. Pag dating ko sa kwarto nilock ko muna ito at nag hubad na saka nag halfbath. Matapos non naupo muna ako sa gilid ng kama habang nag bibihis. Inopen ko ang cellphone ko at binasa ang text nila kuya. " Bukas na yung party kailangan mo na umuwi dito. 7pm ang start.' Basa ko sa text ni kuya thunder. Nilapag ko ang cellphone ko at nahiga na ng maayos at natulog. - Kinaumagahan 10 am umalis na ako sa bahay ni uncle nag paalam ako ng maayos sa mga tao doon. Nag presinta pa si ethan na ihatid ako sa sakayan sabi ko wag na. Naka sakay ako sa bus ngayon. Dala ko yung pinamili ko at yung journal. Mamaya na yung party hindi ko alam anong mangyayari. Alam ko dumating na si hunter o si earl isa sa mga pinsan namin.. Dahil sa may likod ako ng driver ng bus naka upo solo ko ito ordinary bus ang sinakyan ko ulit. Kinuha ko ang journal at binuklat ito. Hindi naman pilas pilas ang papel nito kaya hindi ako natatakot na lumipad. " Sa oras na dumating ang panahon na mabasa ito ng mahal kong apo. tatagan mo ang iyong loob apo ang kalaban mo ay isang halimaw at ang makaka laban mo pa. maaring hindi ka pa niya ginagalaw ng husto o masasabing hindi pa iyon umabot sa hangganan Ngunit sana sa oras na iyon. Gawin mo kung anong tama apo ko. Maaring sinasaktan ako at hindi lumalaban dahil hindi kaya ni lola. Lalaki siya apo ang mga lalaki ang may mas makapangyarihan sa mundong ginagalawan natin. " Iyon lang ang unang nabasa ko at sinara ko na agad. Dahil pakiramdam ko nag aapat na yung paningin ko. Tinago ko ulit sa ilalim ng jacket ko at tumingin sa labas ng bintana. "Neng saan ang baba mo?" tanong ng conductor sakin ng tumapat ito ng tayo sakin. "Sa river side commonwealth po." magalang kong sagot. Tumango ito at tiningnan ang harapan. Malayo pa dahil SM Fairview pa lang kami. Lagpas nito starmall bulacan then ascobel then river side. Mula kasi doon sasakyan ako sa paradahan ng jeep papuntang concepcion marikina and then baba ako sa may kanto. Saka sasakay ako ng papuntang montalban. Dadalaw ako sa papa ko at mama.. Habang iniisip ko ang mangyayari sa susunod na mga araw. Hinihiling ko na sana kayanin ko ito. Hangang sa tumigil ang bus, napansin kong malapit na kami sa river side kaya dumeretso na ako ng upo. "Oh yung mga river side d'yan! galaw galaw! malapit na tayo!" sigaw ulit ng lalaki kanina. Nang tumigil ito lagpas ng konti sa skywalk. Bumaba agad ako at dumeretso sa sakayan ng may madaanan ako ng hotdog store. Lumapit ako doon at bumili ng dalawa. Agad din akong umalis doon at lumapit sa nag tatawag ng pasahero. "Kuya byaheng concepcion?" tanong ko. tiningnan muna ako nito at tumango. "Oo pasok ka dyan maliit ka lang kasya kana." sagot nito. Napa irap naman ako ng wala sa oras. Nasa 5'8 ako tapos sasabihing maliit? baka katawan ko yung maliit. Kung hindi lang talaga ordinary akong tao sinapak ko 'to. Pumasok ako sa loob at sa may bintana ako naupo. Kinuha ko ang 50 pesos at binayad ko agad dito. "Saan 'to miss?" tanong nung lalaki. kanina. "Bago maka rating ng concepcion simbahan. Paliko doon ako baba." malamig kong sagot at marahas na kinagat yung hotdog sa asar ko. "Ito sukli." kamot ulo nitong sagot at kinuha ko naman saka binilang at nilagay sa jacket ko. Umusad na ang jeep saka ako pumikit dahil nakaka ramdam ako ng antok. - Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD