CHAPTER 36

1670 Words
- FLAME Kinaumagahan naabutan ko silang kumakain. Mukhang pa tapos na rin ata. "Magandang umaga." malamig kong bati. Napansin kong napa tingin sila sa kamay ko na ngayon ay naka benda na. "Magandang umaga ate! kain na." masayang bati at aya ni winter. Nginitian ko lang ito ng tipid at umiling. "Hindi ako gutom. Nay gazebo lang ho ako." paalam ko at nilagpasan sila. Naiilang ako sa titig nila pakiramdam ko sila ang nagawan ko ng mali. Nag deretso ako sa gazebo at doon tumambay. Habang naka tambay ako nag ring ang cellphone ko nang basahin ko it's damon. "Bakit?" tanong ko ng sagutin ko ito. "Uy good morning. Anyway we need you may bagong dating na armas dito." wika nito. Napa irap naman ako sa hangin. "Okay I'll be there in 30 minutes." malamig kong sagot at binaba na ang tawag saka tumayo na. Pumasok ako sa loob saktong nasa sala na sila. Nakita ko si kuya danny papasok ng bahay. "Good morning ma'am." bati nito na kina lingon ng lahat sa gawi ko. "Good morning. Paki labas yung yamaha r25 ko kuya." bati at utos ko dito na agad lumabas ulit.. "Nay asan sila kuya?" tanong ko dito ng hindi mahagilap ng mata ko sila kuya. "Umalis nag mamadali." sagot nito. Napa tango na lang ako at umakyat sa kwarto ko. Nag bihis ako ng madalas kong suuitin all black at kinuha ang susi ng motor ko sa side table at kinuha din ang helmet ko para sa huling tingin. Tumapat ako sa salamin at nang makita ko ang sarili ko. Dinampot ko ang cellphone ko at bumaba na agad.. - Pag dating ko underground nakita ko agad ang sandamak-mak na tauhan namin. Pumasok ako at nag yukuan naman sila nakita ko agad sila kuya. "Sinong may pakana?" bungad kong tanong at tumayo sa harap nila. "Hindi kilala pero ito ang mukha at pangalan niya." binigay agad sakin ni kuya storm ang ipad at binasa ang profile ng lalaki. "Bago ba ito sa mafia o hindi?" tanong ko at nag swipe pa. "Sebastian Caleb 38 years old. Kilala bilang anak ng dating mayor ng san Sebastian?" patanong na binasa ang information nito. "Anong plano?" tanong ni kuya. "Kailangan na natin umalis ngayon saka na ako iisip. Girls bigyan niyo kami ng information lahat." baling ko sa babae. "Yes boss." sabay sabay nilang. "Walang plano?" tanong naman ni lance. "Wala." baliwa kong sagot. Narinig ko pag singhap ng hangin ng iba sa kanila. Tinalikuran ko sila at sumakay sa motor ko. Kailangan ko muna makita ang sitwasyon bago ako mag isip ng plano. Nauna silang umalis sakin. Sumunod ako sa kanilang lahat, kung maging buwis buhay ito isipin na lang nilang kasama iyon sa buhay namin. Hindi nag tagal naka rating kami sa abandonadong wearhouse. Lumabas ako sa kotse ko at bahagyang tinanaw ito mula sa saktong layo. "Paano natin makikita kung sarado?" tanong ni lance. Tiningnan ko muna ang paligid nito at ang buong paligid. Masyadong agaw sila ng pansin at nakakapag taka dahil umaga ginawa ang transaction? nakaka pang hinala at wala gaanong sasakyan sa labas. At matao pa ng bahagya. "Kung tama ako patibong lang ito." wika ko sa kanila na kinalingon nila. Tiningnan ko ang kabuuan ng abandonadong wearhouse Napa tingin ako sa sirang bintana may nakita akong anino ng tao doon. "Paano mo nalaman boss?" tanong ni avel. "Ganito para sa isang transaction. Umaga talaga gagawin? at isa pa kung totoong may magaganap na palitan dito. Bakit sa mataong lugar? tingnan n'yo ang paligid." utos ko at sinuot ang face mask ko para hindi nila mabasa ang galaw ng bibig ko. "Tama ka boss masyado itong bulgar sa mga kalapit na bahay." pag sang ayon ni ken. Tumango ako ng isang beses. "At alam nilang pupunta tayo dito kaya nag handa sila. Sa oras na lumapit tayo mula sa taas ng abandonadong wearhouse na yan may babaril sa'tin." dagdag ko sabay turo sa itaas gamit lang ang tingin ko. Hindi mo pwede ituro gamit ang kamay mo. Kailangan maturong ka mag basa ng kilos ng tao para hindi ka mahuli o mabasa ng iba. Mas lalo kung ganitong sitwasyon. Wag mo hayaan na mag ka roon sila ng idea na may alam ka sa paligid mo. Hayaan mo silang mapaisip lagi. "Dahil d'yan aatras tayo?" tanong ni kuya thunder na nanatiling nasa sasakyan nito. "Oo pero bibigyan natin sila ng isang pasabog na surpresa." sabi ko. At kinindatan si ken. "Boys!" tawag ni ken sa tauhan niyang si kyle at kian. "Yes boss?" tanong ng dalawa. Agad nito inutos sa dalawa ang gagawin. Pasabugin lang iyan mula sa ilalim para walang chance na maka takas sila.. Alam ko na may na nonood sa'min ngayon nararamdaman ko iyon. Bumalik ako sa motor ko at sumakay doon. Ito ang gusto nilang laro hide and seek pala. Wala naman problema sakin kaso napaka tagal at hindi iyon masaya. Palihim kong pinalitan ang earpiece ko at tinawagan si onze. "Boss?" tanong nito sa kabilang linya. "Mag deep investigate ka kay Sebastian caleb.. At balitaan mo ako agad." sabi ko dito at binuhay ang makina ng motor ko. " Boss okay na alis na tayo." si ken. Tumango ako at pinaandar na ito. "Yes boss." onze. Tinawagan ko naman si mika upang tanungin kung may nahahangip ba silang kahina hinalang tao. "Boss meron kapapasok lang sa isang fishport sa maynila.. Ang may pasimuno si kevin alcala at Sebastian Caleb. Boss---" pinutol ko ito at ngumisi lang. "Ibigay mo lahat ng information na nakuha mo kila kuya at sa iba pa. Hindi ito ang totoong location pang lansi lang ito nila sa'kin." sagot ko dito. At binilisan ang pag papatakbo. Dahil alam ko kung saan yun kilala ko halang bituka ng kevin na yan bata pa lang ako. "Sige boss." sagot nito narinig kong nag salita ito. "Mika. jenica, alice, devine." tawag ko sa apat na babae. "Yes boss?" sabay sabay nilang sagot. "Gusto ko gawin niyo ang lahat para ipaalam ito sa mga police at.. gusto ituro ito papunta kay tanda at isa pa gusto ko gawin niyo ang lahat ihack at kunin niyo lahat ng pera mula sa mga personal na back account nila at itapon iyon sa mga orphan make sure na walang babalik sa atin at wala tayong kukunin ni piso doon.." putol ko at tumigil muna sa pag drive. "Gusto ko ang kalahating pera na makukuha niyo ilalagay sa bank account ni tanda. Tapos mag padala kayo ng information sa mga taong iyon na pag kukunan natin na na kay tanda iyon para mag away away sila.. naiintindihan mo naman siguro gusto kong sabihin?" tanong ko dito. Narinig ko ang pag hagikhik nila. "Opo boss. Hindi ka po magaling mag explain pero gets po namin gagawin po agad namin.. Mga ilang araw lang lalabas na ito." natatawang sagot ni mika. Napa buntong hininga na lang ako dahil tama sila. "Okay. Thank you." binata ko na ito agad at tinawagan si kuya thunder. " Bro kayo na ang bahala sa transaction na yan.." sabi ko dito. "Okay makaka asa ka." sagot nito. At dahil doon binilisan ko ang pag drive at tumigil sa harap ng bakery shop upang bumili ng pasalubog. - THUNDER LAVISTRE Dumating kami sa lugar kung saan gaganapin ang sinasabing transaction. Bago iyon hindi kami agad umalis kanina hinintay muna namin nasunog ang lumang wearhouse na iyon.. "Sila Kevin yan." turo ng kapatid ko at tumabi pa ito habang humihithit ng yosi niya.. "Makikipag laban ba tayo?" tanong ni lance. "Hindi. Lalaban tayo mula dito hintayin niyo ang ang gagawin ni brent." sabi ko sa mga ito Tinawagan ko kanina si brent na bago makarating ang armas nakawin na ito ng grupo nila cross at itambak sa lagayan ni lolo at ituro sa mga parak na may illegal na armas doon. Dahil inosente si lolo dito. S'ya mismo mag la-laglag sa sarili niya. Iba din ang plano ng kapatid ko na nakawin ang pera ng mga ugok na kasapi ni lolo.. Para mag away awa silang lahat at mag patay*n para malihes paalis kay flame ang sisi.. "Okay okay malapit na yung cargo ship." imporma ni avel. Tumango ako humarap na sa dagat tama siya andito na. Pag bukas nila walang laman iyan. Yun ang dahilan para mag ka gulo at mag hanap saka naman papasok ang news na may na tagpuang ilegal na armas sa bodega ni lolo. Makiki-lala ng Sebastian na yan ang order niya. Yun ang dahilan para mag ka gulo. "Shit.. nag aaway ata sila boss." ken habang natatawa ito. "1...2...3." bulong ko. agad lumapit ang isang lalaki kay Sebastian at pinanood ang nasa cellphone nito. Ngumisi ako at tinutukan nito ng b*ril at mga tauhan nito ang tauhan ni kevin Sa paanong maikling oras nagawa namin iyon? Iisa lang bawat segundo at minuto mahalaga samin. Yan ang turo samin ng isang flame morjiana lavistre. bbSa ganitong trabaho mahalaga ang oras. - THIRD PERSON Gulat ang nanalaytay sa mukha ng matandang lavistre ng mabalitaan ang pag raid sa kanyang bodega at nakita doon ang mga armas na personal na binili sa kanya ni Sebastian Caleb.. Ngayon ay takot ang nararamdaman niya dahil kilala niya ang binata na wala itong sinasanto din. Hindi niya alam sino ang may gawa nito. "Paanong napunta sakin yan?" tanong nito kay dithard. Halata sa mukha ng kanang kamay ang takot. "Mahal na don panigurado gulo ito.." kabadong sabi ng lalaki. "Baka ang apo niyo ang may pakana nito?" tanong ng kanang kamay sa matanda. "Hindi niya ito magagawa o maiisip man lang." sagot ng matanda dito. Tumayo ang lalaki ng marahas. "Boss tama na kakasabi ng ganyan sa kanya. Boss halimaw siya hindi basta basta ang isip niya matalino s'ya. Kayang kaya niyang gawing posible ang imposible!" sigaw ng kanang kamay nito. Tama ito alam iyon ng matanda ngunit lagi niyang kinukumbinse ang sarili n'ya na hindi iyon totoo.. - The only ones who should kill, are those who are prepared to be killed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD