CHAPTER 37

1291 Words
- FLAME Apat na araw ng maingay ang tungkol sa nangyaring iyon. At eto ako na nonood ng news. Kung tutuusin wala naman mga threat sa'kin ngayon. Dahil yung dating mag kakampi ang mag kalaban ngayon. At masayang laban iyon. "Bakit ka naka ngiti?" tanong ni kuya thunder. "Nothing. Ikaw pa lang gising?" tanong ko dito nang maupo ito sa tabi ko. "Oo ata. Ngayon nag kaka gulo na panigurado pag hihinalaan ka nila." sabi nito at tiningnan ako. Inabutan naman sya ni nanay ng kape. "Then go ahead.." casual ko lang na sagot.. Nakarating sakin yung information ng Sebastian na iyon delikado siya. Well mas maganda iyon para malaman ko anong kaya niya. Hindi sa nag yayabang ako gusto ko lang talaga malaman. - Lumipas ang mag hapon na masasabi kong may kakaiba sa paligid ko pakiramdam ko may naka masid sa'kin. Hindi ito katulad ng ibang nararamdaman ko masyadong mabigat ito ngayon. Nitong mga nakaraang gabi aaminin ko hirap ako matulog. Pakiramdam ko may na nonood sakin. Habang pababa nakita ko si kuya storm. " Bro can we talk?" tanong ko ng maka lapit ako dito. Kung itatanong niyo na saan ang mga dela Vega? pansamantalang umalis sila pero andito magulang nila. "Ano yun?" tanong nito habang salubong pa ang kilay. "Weird pero pakiramdam ko may naka masid sakin. Pag gabi nahihirapan ako matulog mas hirap ngayon." pag amin ko saktong baba ni kuya thunder nang marinig ang sinabi ko. "Be careful as always flame. Lumalala na ang sitwasyon ngayon hindi natin alam sino ang susugod satin." kuya thunder. "Tama si kuya. Mas lalo ngayon malakas ang hinala ni tanda na ikaw may pakana at mukhang sinabi na rin niya doon sa Sebastian." kuya storm Pagka sabi niya noon bigla kong naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko.. Ngayon alam ko na kung kanino ko ito nararamdaman ang ganitong kabigat. "I think alam kona kung sino ang nag mamasid sakin.." wika ko at tiningnan sila. "Then who?" kuya thunder ask. "Yung sebastian. Hindi ko ma-explain ng tama, kapag alam kong may banta sa'kin nararamdaman ko agad yun.. Nung sinabi ni kuya storm yung pangalan ng lalaki na yan naramdaman ko yung bigat.." pag amin ko. Niyakap naman ako agad ni kuya. Sa ganung position kami naabutan ng mga mag pipinsan. Pag tataka ang naka rehistro sa mga mukha nila. "Eto umiwas ka muna na lumabas labas sa ngayon. Baka hindi natin alam may naka abang na sa'yo." sagot ni kuya. Tumango na lang ako bilang sagot. Kinahapunan ay sabay sabay kaming kumain lahat. Maingay ang dalawang dalaga, minsan hindi maiwasan na mag esplanyol si winter dahil na rin sa tuwa. Habang kumakain naka received ako ng text galing kay onze. "Boss si sebastian pinapa bantayan n'ya kayo. Balak po nila kunin ka narinig ko ang usapan nila sa bar kagabe." Basa ko dito. Pinatay ko ang cellphone ko at kumain na lang ng maayos. Tama ako ng hinala sinabi ni tanda na may kinalaman ako dito. Alam kong wala ng tiwala sa kanya ang mga ka transaction o kausap niya. Kaya sakin na naman niya ibunton ito. Well totoo naman na may kinalaman ako at si kuya thunder dito. Pero bakit ako lang? Bakit ko nga ba tinatanong pa? Alam narin natin ang sagot. Matapos namin kumain tumambay muna ako sa movie room at bahagyang mag libang. Inaya ko din ang iba para manood kami. Habang ako naka upo sa single sofa sila naman sa lapag nag lagay sila ng foam doon at iba naman ay sa kama dito. Yes may kama dito. Okay naman ng unang panonood hangang maka tanggap ako ng photo ko na may d*go at naka tarak na k*tsilyo sa puso ko. May dalawang paraan ako bilang biktima. Ang ipain ang sarili sa kalaban at ang isa ay hayaan silang mabaliw at maging desperado na maka lapit sa'kin. - BLAKE SHIN Akala ni flame hindi ko nakita ang litrato sa cellphone niya ngunit nakita ko iyon ng malinaw. Pati si hanz at kaito Sumenyas lang ako ng wag silang maingay. Sa mukha ni flame walang ito sa kanya dahil na rin madalas s'yang maka tanggap ng ganito. Hindi man lang ito nakitaan ng takot o pagka bigla. Pinag mamasdan ko lang kilos n'ya habang na nonood ito ni konting emotiom wala ito. How she can maintain that kind of emotion? Maybe sanay lang siya? pero hindi parin iyon sapat. Dahil una sa lahat bababe siya at lahat ng tao may takot. Inalis ko na lang sa isip ko ang nakita ko at tahimik na lang na nanonood.. - Lance Alexander ( L. A ) Mas lalo pa naming hinigpitan ang security mas lalo ni boss flame dahil malaking tao ang sebastian na ito. Maraming connection din na hindi rin biro. Hindi parin namin nasasabi ang pakay sa kanya nito. Pero kahit hindi namin iyon sabihin alam ko na rin na alam na ni boss flame kung anong pakay sa kanya nito. Wala din akong tiwala sa mga dela vega na yan. Alam ko din na ganun din sila boss thunder mas lalo yang si tristan. Iba ang kutob ko sa kanya maaring pailalim siyang kumilos. Sana makita iyon ni boss.. "Don't think too much pre. Magiging maayos din ang lahat " wika ni marco at tinapik ang balikat ko nito. "Tingin mo kapag may nangyari ba sa boss sino ang tutulong sa ating lahat?" tanong ko dito. "Hindi ko alam. Pero alam ko meron." ngiti nitong sagot. Kahit maganda ang relasyon ng mafia sa black organization hindi parin maalis na maari siyang talikuran nito. Pero kahit ganun hindi ko nakikitaan si boss na kawalan sa kanya ito.. - EZEKIEL VALENCIA LEVISTRE Napa iling na lang ako sa sinabi ni lolo. "Pwede ba lo. Tumigil na kayo ano bang gusto niyo? madamay kaming mga apo mo?" ines na tanong ko dito. Andito ako sa hospital para kamustahin siya. Ngayon ko lang nakita na grabe na pala ang ginawa sa kanya ni flame. Kahit ako baka ito ang gawin ko kung pag tangkain niya ako ilibing ng buhay. "Hindi ako titigil hanggat hindi ko nababawi sa kanya ang underground." matigas na sabi nito. Napa buntong hininga na lang ako at umiling. "Malabong mabawi mo yan lolo. Dahil siya mismo hindi ito mabitawan..." putol ko sasabihin ko ng sumagot kasi s'ya agad. "Dahil ganid na rin s'ya sa kapangyarihan.." sagot nito. Umiling ako tiningnan si lolo. "Hindi lo. Dahil kapag binitwan niya ito ipapat*y mo siya. Mahirap sa'yo lo minamaliit mo siya. Lahat ng kilos namin siya ang may plano oo madalas wala siyang plano at walang plan b pero lahat yun mabilis niyang nagagawan ng paraan.." kwento ko dito. Hindi man niya aminin nahigitan siya ni flame sa pamumuno. Tuso si flame matalinong bata si flame nahubog ang katawan, puso at isip nito sa mundong sapilitan binigay sa kanya. "Look lo. Think and think kapag lalo kang nanlaban mas lalo mong mararanasan ang empyerno na binigay mo sa kanya. She can do it lo wala siyang pakikinggan. Hangat tama ang nasa isip niya hindi ka niya tatapusin pero wag mo hintayin humantong s'ya sa point na iyon. Isipin mong mabuti yan.." sabi ko dito at tumayo na para umalis. "Dahil hinding hindi ka na namin kikilalaning lolo.." huling sabi ko dito at umalis na. Hindi ako bulag para hindi makita na sinasadya niyang galitin si flame para maging halimaw pa ito lalo. Dahil sa ego niyang nabasag nung huling nakita namin silang nag usap ni tito reloy.. Nag tatalo sila noon pero hindi ko alam kung ano. Pero nakita ko paano pag bantaan ni lolo ito at gagamitin nito ang anak na babae ni tito. - There are devilish thoughts even in the most angelic mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD