CHAPTER 35

1502 Words
- FLAME Nang dumating ang gabi nag si datingan mga iilan kong tauhan mas pinili kong konti lang. Sapat na may pumuwesto sa likod at sa rooftop para kung may mag tangkang tumira ng patalikod. Sinama ko sila sa underground garage ng mansion dito ay ligtas sila walang makaka alam ng lugar na ito dahil tago ito. "Hija kaya niyo ba sila?" tanong sakin ni mr leo dela vega. Kinuha ko ang lalagyan ng baril at kinabit sa katawan bewang ko at nilagay ang magazine at baril. Iba't ibang klase ito may patalim din ako, bago ako humarap tinali ko muna ng buhok ko saka hinarap sila. "Kaya.. hindi rin naman sila tatagal sa lugar na ito. Bukod sa makipot ang kalsada at sa labas naman ay bangin pa ito. Kaya nga delikado dito mag race dahil maling galaw mo lang hulog ka. " nang maramdaman ko ang bigat ay binawasan ko ang dala ko. Kung tutuusin hindi ko kailangan ng maraming dala dahil panalo parin kami. "Hindi ka sasantuhin ng bangin na yan." dagdag ko at inalis na lang lahat at dinala ko na lang ang dalawang dessert eagle na baril ko at apat na magazine.. "Mag ingat kayo hija." sabi ng nanay ni blake. Tumango bilang sagot. "Mula dito wala kayong maririnig kahit ano. Wag n'yo na rin tangkaing buksan. Dahil boses ko lang susi dito." sabi ko at binuksan ang malaking monitor para mapanood nila ang mangyayari mamaya. Lumabas na ako at iniwan sila doon. Agad kong pinuntahan mga tauhan ko sa labas ng mismong bahay ko. Nakita ko ang ibang mga tauhan ni tanda. "Paano ba yan lamang kami?" ngising tanong ni dithard. "Alam mo dapat hindi mo iniiwan si tanda ikaw pa naman ang kanang kamay niya." wika ko dito habang naka tayo lang. Wala si lance sa tabi ko dahil nasa rooftop ito. Tulad ng sabi ko isa siyang marksman dapat malayo siya sakin.. "Wag mo sabihing ito ay isang trap?" tanong nito na halatang naguguluhan. Natawa na ako sa hitsura nito. "Natatakot ka din pala? kamusta naman ang pamilya mo? ano kaya mangyayari kapag namalan nilang isa kang tuta ng isang dating mafia lord? At sinama mo pa ang anak mo. I'm sure sobrang saya non." natatawa kong sabi dito at pumalakpak pa. "Boss ready na ang lahat." bulong ni lance sa earpiece nito. "Hay*p ka! papatay*n kita!" kinasa nito ang baril nito at tinutok sakin. Bigla naman tumunog ang speaker ng bahay at boses ito ng asawa niya. " Hinding hindi ko matatanggap na maging masamang tao ang anak ko. At mamatay ng ganun na lang .." Ngumiti ako at pinapanood ang pag luha ni dithard at anak nito. "Now I'll give a one option. Aalis ka sa puder ni tanda at handa akong protektahan ka. Kasi kung ayaw mo, tanggapin mo ang empyernong dala ko." malamig kong tugon at nanatiling naka tayo. "Think and think dithard.." palihim akong ngumiti dahil naguguluhan na ito. Para makuha mo ang gusto mo maging tuso ka, pwede ka maging masama pwede ka din maging mabuti sa parehong pag kakataon. " Alam mo mahirap mabuhay ng patago. At mas lalo kung nag sisinungaling ka." dagdag ko para mas lalo silang malito. Alam kong hindi sila papanig sakin dahil masyado silang uhaw sa kapangyarihan. "Anong tingin mo mag papa-uto ako?" tanong nito at sinamaan ako tingin. "Hindi. Tinest lang kita.. Ngayon na!" malamig kong sagot at utos. Bago pa niya ako paputukan. Pinaputukan na ito ni lance at ako naman ang nakipag palitan ng bala. Naubos na ng tauhan ni ken ang mga nasa labas. Ngunit may dumating pa. "Avel. Gitgitin mo sila at ihulog sa bangin! Kuya thunder at storm mag abang na kayo d'yan sa baba ng bangin make sure na susunugin niyo ang bangkay ng mga yan." sunod sunod na utos ko. "Areglado boss!" avel. "No problem sis!" sabay na sagot ni kuya thunder. Nag tago ako sa isa sa mga sasakyan na nakaparada at nakipag palitan ng bala. Dumapa ako at sinilip sila dithard mula sa ilalim ng kotse at Inasinta ang mga paa nito. Babangon na sana ako ng may maramdaman akong nasa likod. Tumihaya ako nakita ko si daniel naka tutok sakin ang dalawang b*ril nito.. "Ngayon pa---" hindi ko ito pinatapos ng sipain ko ang alaga nito. At kinuha ang baril sa tagiliran ko at tinutok sa puso nito at binaril ng apat na beses ng walang tigil. "Para yan sa pag pat*y sa nanay ko." bulong ko sa hangin. "Anaak!!!!" sigaw ni dithard at tumakbo palapit sa anak nito. Wala na itong buhay, lumayo ako agad at narinig ko ang putok ng b*ril ng lingunin ko ito. May hawak itong dagger pasugod sakin. "Mamat*y ka!" sigaw nito at agad kong hinarang ang kamay ko at nakipag pantayan ng lakas dito. "Kayo pa may ganang magalit sakin? Hindi ba sabi ko maniningil ako pero wag ka mag alala hindi kita tatapusin ngayon masaya kasi kung makita muna kitang umiiyak. Pinatay mo ang nanay ko papatayin ko naman isa isa ang pamilya mo at masasaksihan mo ang lahat ng iyon!" nang makuha ko ang tamang tyempo agad kong nabaliktad ang talim papunta sa kanya at wala akong sinayang na oras agad kong binaon ito sa katawan niya. "Hindi pa ako kontento. Hangat hindi nag babayad ang mga may sala patuloy akong maniningil.. " wika ko dito at tiningnan ito ng malamig. Wala akong pakialam sa kamay kong duguan dahil sa talim ng dagger niya. "Itapon niyo ito kay tanda. At yang bangkay na yan at iba pa? itapon niyo kay tanda din sila mag dispatsya niyan." utos ko kina ken at avel na ngayon nandito na. "Sige boss. " si ken ang sumagot halata dito ang pagod dahil hinihingal ito. "Don't worry dithard mabubuhay ka pa. Hindi mo pa oras." nginitian ko ito ng ngiting aso. Agad kong naramdam na may parating mula sa likod kaya agad akong humarap doon. Isa ito sa mga tao ni tanda. Tinaas ko ang baril ko at pinutukan ang hita nito. "Boss!" sabay na tawag nila avel. Nilapitan ko ito ng maluhod ito. Halata sa mukha nito ang takot ni hindi ako nag salita at hinawakan ang ulo nito. "Wag! Maaw---" hindi nito natapos ang sasabihin niya ng sunod na marinig nila ang lagutok ng buto nito. Dahil sa pag ikot ko ng ulo nito into 360 degree na kinamatay nito. Walang sabing binitawan ko ito at pumasok na sa loob ng bahay. Iniwan ko sila doon. Alam kong na nonood sila sa nangyari. Wala akong balak mag paliwanag sa kanila sa klase ng trabaho ko. Sapat na ang nakikita mo sa paliwanag. - KEN XERXEX Naka nga-nga lang ako habang naka tingin sa pigura ng boss kong papalayo. Matapos nitong idislocate ang ulo ng kawawang taong ito. "Wow! yung tunog ng buto narinig mo pre? sounds satisfying.." siko kay avel. "Gago!" sigaw nito na kinatawa ko. Nilapitan ko yung binalian ng leeg ni boss at kinaladkad ito palabas ng gate at binuhat saka hinagis sa truck ng basura. D'yaan ilalagay yan tapos ihahatid doon sa lolo nila. Yung iba buhay pa pero sinunog tulad ng utos ng boss.. "Isang gabing madugo na naman. Oh yan pala so dithard? ihagis mo na yan dito basura din yan." sabi ko kay avel na ikinatawa nito. Pinag tulungan namin ito buhatin kasi tulog ito at hinagis din don sa kumpulang ng mga walang buhay na katawan.. "So tapos na tayo dito sibat na." natatwang sabi ni avel. " Maiwan ako dito mag lilines pa ako don. " sagot ko dito. Hangang ngayon hinihingal parin ako. "Kuy's tulungan mo ako mag lines." biglang sulpot ni lance. Tinapik ko naman sa braso si avel at umalis na rin ito. "Yun talaga plano ko." sagot ko dito at sinabayan itong pumasok sa gate.. - BLAKE SHIN Napa lunok ako ng laway sa napanood ko. Hindi ko inaasahan nung huling ginawa niya ang paikutin ang ulo ng lalaki na para lang itong papel Nang makita iyon sila mom at tita napa talikod sila. Nakita din nila paano makipag palitan ng bala si flame at paano ito hindi natinag ng hawakan nito mismo ang patalim. Ni konting awa ay wala sa mukha nito. Maya maya natigil ako sa pag iisip ng bumukas ang pinto at niluwa nun si flame na walang emosyon. Duguan ang kanang kamay nito. Pero mukhang baliwala sa kanya iyon. "Hali na ho kayo." aya nito sa magalang na tono agad kaming kumilos. Nauna itong nag lakad. "Ate ang kamay mo." tawag ng kapatid nitong si winter. "Hindi yan.. mababaw lang yan. Sanay ako sa sakit." sagot nito halata sa boses ni ang kalmado lang. Ni isa saming mag pipinsan ay walang masabi.. Ito ang sinasabi ko na. Hindi mabigat ang dala ng mga lavistre kundi malamig na pakiramdam na alam mong hindi magugustuhan. Daig mo pa nasa nag yeyelong Antarctica sa lamig nilang lahat mas lalo ang babaeng nag ngangalang flame morjiana.. - WHAT HAS BEEN SEEN cannot be unseen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD