-
FLAME
Pag ka uwi namin agad hinanda ko ang mga gagamitin ko. Minarinate ko muna yung karne bago ito igrill.
Nag bihis lang ako ng bra on top and sweat short sa pang ibaba inipit ko ang buhok ko in messy bun.
Saka bumaba na dala ko din ang t-shirt kong puti just incase na lamigin ako.
"Wow ang sexy ni miss flame." natutuwang puna ni ate joan.
"Oo na lang. Andun na lahat? pwede ko na i grill ang iba para naman habang papalubong ang araw eh ma enjoy nila." tanong ko dito at inayos ng konti ang short ko.
Kung hubog ng katawan. Masasabi kong may ilalaban din ako kahit papaano.
" Yes miss flame yung iba nasa ref pa dahil sabi mo mamayang gabi iyon." sagot ni ate joan.
Tumango ako at ngumiti saka lumabas na patungo sa likod.
Agad kong nakita silang nag ba-babad sa pool.
Hindi ko sila nilapitan kasi mas pinag tuunan ko ng pansin ang pag gi-grill ko nilagyan ko na ito agad ng uling at inapuyan saka matyagang hinintay na bumaga.
Habang hinahayaan itong bumaga ang apoy. Isa isa ko naman hinanda ang mga iihawin ko..
"Miss flame gusto mo tulong?" tanong sakin nung kaito. Tiningnan ko muna s'ya saglit at umiling.
"Hindi na kaya ko na ito." sagot at sinalang na yung karne sa grill.
Sunod sunod lang ginawa ko hangang matapos ako. Tinawag ko sila mananghalian na rin.
Nag suot na ako ng damit dahil iba na tingin sakin nag mag pipinsan..
"Wow ang sarap naman niyan." sabi ni crystal. Nginitian ko ito ng tikman niya mga niluto ko.
"Boss!" sigaw ni lance habang humahangos ito palapit samin..
"Pasensya na pero we need to talk.." tuloy nito.
Tiningnan ko muna sila saka nag paalam.
"Kumain na kayo. Let's go to my office." aya ko kay lance at nag lakad na papasok ng bahay..
Yes may office ako dito sa mansion. Umakyat kami agad buti walang tao sa taas.
"May problema?" tanong ko ng maka pasok kami sa office ko.
"Oo boss malaki. Nag hahanda ngayon ang lolo mo para sa pag atake nila ngayon gabi dito sa mansion." sagot nito. Napa tango ako pumikit ng diin
"Hayaan mo sila lumapit dito sa'kin atleast hindi na ako mapapagod ng husto." sagot ko at baliwalang tiningnan ito.
"Pero boss marami kang kasama dito." sagot nito.
Nag kibit balikat na lang at nginitian siya.
"Yeah i know para mas matakot sila. At hindi masaya ang laro kung walang audience." ngisi kong sagot dito.
May naiisip na akong gagawin kila tanda at mga tauhan nito.. Gagamitin ko ang lugar na 'to bilang huling hantungan nila.
"Anong plano boss?" tanong nito.
"Sabihin mo sa kanila ito. Pumunta sila mamayang gabi dito may gigipin at ihahatid tayo kay kamatay*n.." sagot ko lang.
Alam na niya ibig sabihin nun
Ibig sabihin may ihuhulog kami sa bangin na mga tao at ang iba sa kanila at susunugin ng buhay..
Matapos ng usapan lumabas na ako at bumalik sa likod. Nakita ko sila kuya at nilapitan ko sila.
"Susugod sila sa mansion mamaya." sabi ko at lumayo agad at nakisalamuha sa iba at kumain ng ginawa ko kanina.
"Okay po ba kayo dito?" tanong ko.
Nag si tanguan sila at nag thumbs up and okay hand sign.
-
BLAKE SHIN
"Panigurado may mangyayari na naman mamaya." bulong ko sa mga kasama ko.
"Malamang lumitaw ng kanang kamay." sagot ni yj.
Kung ano man yun dapat na ako ulit kabahan dahil hindi biro ang mga taong ito.
Mas lalo ang boss nilang may anghel na mukha pero kampon din ni satanas
Nang marinig namin iyong pag uusap nila nung kevin. Doon ko mas naunawan na ang babaeng ito ay hindi talaga ginusto ang meron siya.
Tinanggap na lang niya dahil wala na rin siyang magagawa kahit umalis s'ya mamat*y parin s'ya.
Ang pasok sa mafia ay napaka dali, ngunit ang pag labas dito ay buhay ang kapalit.
Sa kaso niya mukhang ibigay ang position sa kanya ng wala pa s'yang naiintindihan tungkol dito.
"Mas delikado ang taong kargado ng galit." wika ni tristan na kinalingon ko dito.
Tama s'ya.
"Pero maari din itong maging sandalan at dahilan para lumaban. Yung mga sinabi niya tumatak sakin..
Hindi s'ya nalagay sa position dahil gusto niya kundi dahil iyon ay ibinigay sa kanya yun ang narinig natin.
Pero alam ng lahat na pinasa ito kaya maraming mafia lord ang pinag iinitan siya." mahabang sabi ni tristan.
Sinabi niya samin ang naging usapan nila flame nung araw na sumugod yung kevin. Kung paano siya nito pangaralan.
"Mukhang ako na naman ang hot topic niyo ah?" nagulat ako ng mag salita si flame sa harapan namin. Hindi ko namalayan na andyan siya.
"Miss flame?" usal ni hanz
"It's okay." umupo ito habang hawak ang isang plastic ng gummy bears.
" Alam niyo matagal akong nanatiling tahimik kahit halos araw araw may threat sa buhay ko.
But i don't care why? if mamat*y ako alam kong matatapos na doon ang tungkulin ko.. " kwento nito habang ngumunguya at tiningnan ang mga kapatid nito.
"Pero nag bago ang pananaw ko. I need to fight before i surrender. Hindi dahil may gusto akong patunayan, wala akong pakialam sa respeto ng mafias.
Pero bonus iyon dahil nagagawa kong maging normal minsan i mean normal na babae na hindi puro baril ang hawak ko.. Nakaka sawa kasi." natawa pa ito at sumubo na naman ng gummy bears.
"Isa pang dahilan.. Hindi ko pwede iwan sa ere ang mga tauhan ko, ako ang may kasalanan bakit sila nasa mafia.
Kung iiwan ko sila napaka selfish kong tao." nginitian niya kami yung totoong nginitian nito lumitaw ang konting dimple nito sa kaliwang pisngi nito.
"Bakit po hindi niyo tinanggihan ang position noon?" tanong ni kaito.
"Yun ba? Wala ako magagawa eh ako ang ika labing pito sa mga apo so ang sabi lang nila..
Kung sino daw ang ikalabing pito siyang mag mamana ng lahat pati ng negosyo so ako yun.
Ang position sa mafia ay si lolo mismo ang nag bigay niyan dahil gusto niya ako gantihan o ang papa ko." sagot nito at binilang ang gummy bears sa kamay niya.
"Hindi ko rin alam anong totoo sa kwento nila malabo din sila mag kwento.
Basta ang alam ko andito na ako sa point ng buhay ko na isa na akong mafia." dagdag nito at ininom ang juice ni kenneth.
Alam niya bang kay kenneth yon? at bigla na lang ininom yun?
"Actually sanay naman ako mag salita..
Tamad lang anyways mamaya hindi ko alam anong oras gusto ko wala ng lalabas." sabi nito.
Tama nga may mangyayari nga mamaya.
"Susugod daw mga tauhan ni tanda. Ayos din para naman may dilig halaman ko sa harapan. " nginiting ngiti nitong sabi.
-
THIRD PERSON POV / SHORT
Depress na depress ang matandang lavistre dahil tuluyan ng naputol ang dalawang binte nito.
At wala ng chance na makabitan pa mg artificial legs dahil sa katandaan nito at hindi na kakayanin ng legs ang buhatin ang katawan ng matanda.
"Honey.. Magiging maayos lang ang lahat okay?" pang aamo ng asawang babae sa don.
"Magiging maayos? wala na akong silbe pag tatawanan ako ng mga tao ng mga boss! Humanda ang batang yan sakin!" galit na sigaw ng matanda.
Tumayo ng marahas ang ginang at umalis sa tabi ng asawa at sinigawan ang sawa nitong lalaki.
"Ikaw naman ang may kasalanan ng nangyari sayo! in the first place! bakit dahil d'yan sa pride mo at Hindi mo matanggap ang desisyon ng mga anak mo pati sarili mong apo ay dinamay mo na!" sigaw ng ginang at hindi napigilang lumuha nito.
"Kung tinanggap mo na noon pa ang desisyon nila walang ganitong mangyayari!
Anak yun kapag namalan talaga niya ang totoo kahit sino mag pupuyos sa galit! At ikaw pa mismo ang nag lagay sa position sa kanya ngayong nararamdaman mo na ang hagupit niya ikaw pa may ganang magalit? nag iisip ka pa ba?!" sigaw nito at pumunta sa pintuan ng kwarto nito sa loob ng hospital.
"Tandaan mo ito. Lahat nang nangyayari sayo ay kasalanan mo iyon.
Nag alaga ka ng isang halimaw na siyang kakain sa'yo ng buhay!" huling sabi ng asawang babae at lumabas na.
Tama ito. Ang matanda ang mismong dahilan bakit ito nangyayari. Sa pride nito.
-
When will the war end? When someone win?