CHAPTER 33

1760 Words
- FLAME "Kumain na ho kayo." sabi ko sa mga ito at naupo ulit sa gilid ng pool. "Ikaw hija?"tanong ng ina ni blake. "Tapos na po ako." magalang kong sagot at tiningnan ito. "Kailan ka kumain ate?" tanong ni winter sakin. "Kanina pa ako gising alas tres." sagot ko. Tumango naman sila at agad din pumasok. Ilang minuto pa ako nag tagal sa likod at pumasok na rin ako nadatnan ko sila na kumakain parin.. "Guys.. Ano gusto niyo gawin later? like hapon? gusto niyo mag luto ako ng barbeque? and inom tayo ng alak?" tanong ko at sumandal sa inuupuan ni kuya thunder. "Marunong ka mag luto hija?" todo ngiting tanong ng mommy ni blake. Gusto ko sana taasan ng isang kilay ito iba nakikita ko sa kanya eh. "Ahmm.. opo so?" tanong ko sa kanila.. "Sure then night swimming.." kuya thunder at nag punas ng bibig. "Kayo? gusto niyo? ayaw niyo man o hindi sama sama tayong lahat." sabi ko at binalingan si nanay na may dalang pitcher ng malamig na tubig. "Nay may mga meat pa tayo?" tanong ko dito at kinuha yung table napkin at pinang hilamos kay kuya storm. "Ang kalat mo kumain.. Bungal ka ba?" irita kong tanong dito. "Hahaha ang sarap eh pasensya na " natatawa nitong sagot. "Wala ng beef hija at pork din." sagot ni nanay. "Okay I'll go the wet market." sagot ko at tumango pa. "Pwede ba ako sumama? naiinip lang ako." out of nowhere na tanong ni blake. Tiningnan ko muna ito para namang kinikilig si winter at yung nanay nito. "Oo hija isama mo na para may taga buhat ka." naka ngiti paring sabi ni miss aliyah. "Okay fine. Be prepared alis tayo in 15 minutes.." pag payag ko mas okay na yun tamad pa naman ako mag drive ngayon. Umalis na ako sa dining at nag punta sa kwarto upang mag palit ng damit. Nag suot lang ako ng short na maikli at t-shirt na may bad finger na print at inipit lang buhok ko ng pa ponytail na magulo parin. Matapos iyon nag tsinelas lang ako ng chanel dad slippers na black. Matapos ako kinuha ko ang cellphone at body bag na dior ang tatak. Lumabas na ako at bumaba habang nilalaro ang susi ng kotse ko sa daliri ko. "Wow first kita nakita na mag damit ng ganyan pupunta lang sa palengke." si kuya storm habang tumatawa. "Una sa lahat sa palengke lang ako." inirapan ko ito at hinintay ko yung isa. "Pero naka chanel and CD? " tanong naman ni kuya thunder. "Wala ako makita doon na iba!" singhal ko sa dalawa na kinatawa naman nilang pareho pati nila ng dela vega. "Miss flame pwede ako sumama? ako na lang mag drive.." yung hanz humahangos pa ito at habang nag aayos ng buhok. Agad kong hinagis ang susi sa kanya. "Sure." pag payag ko at sinalo naman agad. Nakita kong binasa niya yung car key. At nanlaki mata niya ng ma realize iyon Chevrolet Silverado. Kulay glossy black iyon nang makita ko ng pababa si blake ay nag lakad na ako palabas ni hindi na ako nag paalam.. Bukas ang sasakyan kaya sumakay ako agad sa likod. Inalis ko muna ang body bag ko at nilagay sa tabi ko. Sumakay naman agad yung dalawa. "Miss flame saan po ba tayo?" tanong ni hanz at pinaandar na ang sasakyan. "Sa public market ng marikina." sagot ko at lumapit lumuhod ako sa sahig ng sasakyan at binuksan ang maliit na car navigation at nilagay ang direksyon doon. "Just follow the map.." turo ko dito at agad naman tumango. Umupo ako ulit at sumiksik sa kaliwang bintana. "And stop calling me miss flame. Just flame or morjiana." dagdag ko pa. "Nakakahiya po.." sagot nito habang focus sa pag da-drive. "Just do it." pag uulit ko sinandal ko ang ulo ko sa salamin at pumikit na. Narinig ko silang nag uusap na dalawa tungkol doon sa mga babae nila. Sila jin pinag uusapan nila. "Nag tatanong si jin bakit wala tayo sa bahay at company." sabi ni blake kay hanz na tumawa naman. "Pag nalaman nilang nasa bahay tayo ni miss flame mag aapoy sa galit at selos mga yun.. Hahaha sobrang insecure yang si jin at Althea kay miss flame eh.." natatawa nitong sabi. Mukha nga na ganun kasi tipong jowa mo nag seselos ka parin? Nasa sa'yo nag dududa ka pa? it means hindi ganun ka tibay paniniwala mo na hindi ka niya ipag papalit. "Miss flame ano pong masasabi niyo sa mga babae at lakaking seloso?" tanong ni hanz. Nanatili parin akong naka pikit. "Simple lang. Wag ka mag jowa hangat may issue ka pa sa usaping tiwala." deretso kong sagot na kinasinghap ng dalawa. "Wow! eh paano kung mahal naman n'ya?" tanong naman nung blake. Dumilat ako at tumingin sa labas " Hindi pag mamahal ang tawag don. Gusto mo lang ma satisfied ang need mo dahil kailangan mo ng gagamot sa puso mong sinira ng iba. Kaya nga may insecurities na nabubuo ang isang tao dahil may broken trust sila. Maraming cause tulad ng family trust, friendship, relationship. and more depende." mahabang paliwanag ko at bumuntong hininga pa dahil pakiramdam ko napagod ako mag salita.. "Depende sa sitwasyon o anong pinag huhugutan. Mas maganda heal yourself muna ng sarili mo bago ka pumasok sa isang bagay o relasyon para kung ma-ulit man. Alam mo paano inhandle ang sarili mo." dagdag ko pa alam ko nakikinig sila.. "Grabe ang galing niyo mag salita. Lahat ay tama" manghang sabi ni hanz. Ngumiti lang tipid hangang nakita ko na ang bubong ng palengke.. "Ipasok mo sa loob ng market. Pwede yan" sabi ko dito na agad naman tumango. Dahan dahan lang ang usad n'ya dahil may kasikipan ang palengke ng tumapat ito sa binilihan ng ibat ibang karne at seafoods. Tinapik ko balikat nito at tumigil naman ito. "Wag mo papatayin yung makina. Saglit lang kami. Blake tara" aya ko kay Blake at bumaba na ng kotse. Inayos ko muna ang short ko. Nag lakad na kami papasok sa loob ng bilihan halo halo ang amoy dito malalansa syempre. Pero sanay na ako lagi ako ang nag pupunta dito para bumili. Naramdaman ko ang kasama ko sa likod ko ng lingunin ko ito napansin kong naduduwal ito kaya nilapitan ko ito agad. "Hindi ka ba sanay sa ganito?" tanong ko sa kanya na halos pa bulong na. "Ah..oo akala ko sa grocery tayo pupunta loob ng mall hindi ako sanay sa amoy." pag amin nito. Napa iling na lang ako. "Okay bumalik ka na lang sa kotse bayaan mo na ako dito kaya ko na ito. Sige na mamaya dito ka pa mag kalat." pag tataboy ko sa kanya at tinulak ito paalis. "Hindi dapat sumama ako." pag mamatigas nito. "Look ayoko mag kalat ka dito nakaka hiya sa mga tindero at tindera. Go ahead wag kana mag matigas lalo ako matatagalan." may ines na sa boses ko. Tumingin muna ito sa paligid siguro iniisip nya nanakawan ako. "Kilala ako dito." sagot ko sa tanong sa isip niya. Sa tagal n'ya mag response iniwan ko s'ya at nag lakad papunta sa bandang dulo. "Kuya.." tawag ko sa suki ko dito. "Uy ganda. Bibili ka? Yung dati ba?" sunod sunod na tanong ni kuya bert. "Opo ganun parin ang kilo kuya pero pwede mo dagdagan? marami kasi kami sa bahay ngayon." sagot ko at pinisil yung malaking bangus. "Kuya ito din po bangus. Mag kano presyo ng tahong ngayon?" tanong ko dito dahil parang nag laway ako sa ginisang tahong. "180 yan ganda isang kilo." sagot nito. Tumaas ngayon. "Okay isa din pong kilo ng tahong. Kuya may bagoong kayo?" tanong ko dito. At lumapit naman ang asawa nito si aling marites. "Eto hija? " turo sakin ni aling marites. Tumango ako "Ate. Bigyan mo din ako niya isang kilos gagawa ako ng bagoong pang pakbet at ulam na rin. May taba kayo ng baboy?" tanong ko sa kanila at sinisipat yung buong mesa kung nasaan nakak latag ang binibenta nila. "Oo gusto mo din?" sagot at tanong ni kuya bert. "Opo kahit kalahating kilo lang ihahalo ko sa ginisang bagoong alamang." sagot ko. "Okay sige. Saglit lang ipapa buhat ko ito sa labas mabigat ito." sabi nito. Pumayag na ako dahil tama sya at marami iyon. Hinintay ko lang ito matapos at binigay ang bayad ko. Hindi ko na kinuha yung sukli, sumunod ako pag labas ng kargador hangang may nakita ako nag bebenta ng tig sasampung shing aling. "Balikan ko na lang." kausap ko sa sarili ko at dumukot ng 100 pesos upang ibigay kay kuyang nag buhat. "Eto po salamat." sabay abot ko ng 100 dito. "Ma'am wag na ho." tangi nito pero nilagay ko sa bulsa nito at sumampa sa likod ng sasakyan at tinakpan para hindi mababad sa inet. Bumaba ako at sumenyas sa dalawang tao sa loob ng sasakyan na hintayin ako. Tinakbo ko papunta doon sa nakita ko kanina. "Hi po mag kano po ito lahat? pwede ko ba bilhin lahat?" tanong ko agad at tinuro ko yung shing aling na sabit nasa loob ng malaking plastic. "Oo ma'am depende po kung ilan yan. Pero meron kami ng hindi pa bukas." sabi ng ale tumango ako at sinabing yun na lang. "50 piraso ang laman nito at sampung piso ang isa. Gusto mo parin?" hindi siguradong tanong ni nanay. Kinuha ko agad ng buong 500 sa bulsa ko at inabot sa kanya. " Opo favorite ko kasi ito." ngiti kong sagot at kinuha na sa kanya at nag tingin tingin pa sa paninda niya. Nung wala na ako mabili. Umalis na ako at mabilis na sumakay sa likod at inuna ko muna isakay yung dala ko. "Miss flame may plano po kayo mag tinda? ang dami niyan." natatawang tanong ni hanz. "Pinakyaw ko favorite ko kasi ito." ngiti kong sagot dito at pinaandar na nito yung sasakyan pauwi. "Ah.. Miss flame bakit hilig mo pumunta sa mall?" tanong nito. "Ah wala libangan ko lang kahit walang bibilhin. Minsan pumupunta ako sa store namin." sagot ko at nag bukas ng isa saka kinain agad. Binigyan ko ng isang piraso yung blake kasi mukhang bago sa kanya ito "Hahahaha mukha mo tol. Pagkain yan hindi yan tae." natatawang asar nito sa pinsan niya. "Masarap yan. Lasang patatas" sabi ko dito at kinuha saka tinikman. "Oo nga." sang ayon nito kaya ngumiti ako. - A/N; ceasefire muna tayo sa patay*n darating tayo don. hahaha hangang next chapter ang ganitong usapan ha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD