Chapter 6- Lunch Date

1657 Words
Ronoel Nakayuko lamang ako habang naglalakad patungo sa classroom. Kaagad kong pinunasan ang mga luhang nagsisimula ng pumatak sa pisngi ko. "Hi, Ronoel!" salubong na bati sa'kin ni Xander, ngunit hindi ko na ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Lutang at parang wala ako sa sarili sa mga oras na 'to. Masyadong masakit sa dibdib ang mga narinig ko na pang-iinsulto kanina. 'Gold digger..Ambisyosa...' Ilan lang sa mga narinig ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang iginiya ang sarili papasok ng classroom. Dumiretso na ako sa upuan ko, bago tuluyang maupo ay malungkot kong sinulyapan ang pwesto ni Maya. Nag-text kasi ito kanina at nagsabi na hindi raw ito makaka-pasok. Inabala ko na lamang ang sarili sa pakikinig sa aming professor. Nang matapos ang klase ay agad ko namang inayos ang aking mga gamit. Nakalabas na ang mga kaklase ko at dumiretso na ang mga ito sa cafeteria upang kumain. Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay iginiya ko na rin ang sarili na lumabas ng classroom. HIndi na ako nag-abala pang magtungo sa cafeteria. Dumiretso ako sa likod ng building, kung saan may mga benches na ginagawang tambayan ng mga estudyante. Walang gaanong tao..dahil lahat sila ay nasa cafeteria upang kumain. Pinili ko ang pwesto kung saan ay hindi masyadong nakikita at daanan ng tao. Nagtatalo ang isip ko kung kakain pa ba ako o hindi na..nawalan na kasi ako ng gana. Nasa malalim akong pag-iisip nang mag-ring ang phone ko. Inilabas ko 'to mula sa aking bag at binasa kung sino ang caller. 'Bryson...' Huminga ako ng malalim at muli.. ay naalala ko ang nangyari kanina. Ang kilig na naramdaman ko kanina ng magkasama kami ay napalitan ng pagkirot sa aking dibdib. 'Di ko naman sinisisi si Bryson..dahil wala naman itong kasalanan. Nakakainis ang mga taong mapanghusga..Tsk! Hinayaan ko lang mag-ring ang phone ko, dalawang beses tumawag si bryson at pareho ko itong hindi sinagot. Inabala ko na lang ang sarili pagbabasa ng mga pinag-aralan namin kanina. Kailangan kong mag-aral ng mabuti, upang matupad ang pangarap ko. Hindi ko dapat isipin ang mga sinasabi nila..dahil hindi naman 'yon totoo. "Nandito ka lang pala," baritonong tinig mula sa aking likuran na ikinagulat ko. "Ayy! Puso kong nahulog!" Napatayo ako dahil sa sobrang gulat, at naihagis ko kung saan ang libro na hawak ko. Nilingon ko ang may-ari ng boses habang habol ang aking paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib, sobrang bilis ng t***k nito..at lalo pa itong nadagdagan ng mapag-sino ang nagsalita mula sa likuran ko. "Are you okay? I'm sorry..nagulat yata kita." sabi nito, at yumuko upang pulutin ang naihagis ko na libro. Malapit pala sa kanya ito tumalsik. "Ano ka ba naman Bryson?! Aatakihin yata ako sa puso!" Hingal na hingal ako habang nag-sasalita. Hindi pa rin kumakalma ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko may nagkakarerang kabayo sa loob nito. At hindi ko namalayang nakalapit na pala si Bryson sa'kin. "What are you doing here? I've been looking for you everywhere," sabi n'ya sa'kin sa nag-aalalang tinig. Iniabot n'ya sa'kin ang libro at agad ko naman itong kinuha. "Mas tahimik kasi sa lugar na'to kaya dito ko naisipang mag-review," pagsisinungaling ko sa kanya. Nakatitig lang s'ya sa'kin ng may pagdududa. Sa uri ng titig n'ya ay hindi ito naniniwala sa sinabi ko. Napayuko ako para iwasan ang mga mata n'yang mainit na nakatitig sa'kin. Pakiramdam ko napapaso ako sa paraan ng pagtitig n'ya. "Have you eaten your lunch?" Tanong n'ya, at alam ko na nakatitig pa rin s'ya sa'kin. Umiling na lang ako bilang sagot. Nagulat ako nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko at hinila para maglakad. "S-sandali, saan tayo pupunta?" Pilit kong kinukuha ang kamay ko na hawak n'ya, pero mas lalo lamang nito hinigpitan. Huminto s'ya at lumingon sa'kin. "Look...I'm hungry and I'm so tired looking for you earlier." "Huh? Bakit mo ba kasi ako hinahanap? May kailangan ka ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang nakayuko. "Oo meron.. Kailangan ko ng kasabay kumain. So, let's go. Baka ikaw pa ang makain ko." Kinilabutan ako sa sinabi n'ya. Bakit parang may meaning ang huli n'yang sinabi? Mahina ang pagkakasabi n'ya sa huli pero malinaw sa pandinig ko. Sigurado akong namumula nanaman ang mukha ko. 'Zombie ba s'ya para kainin ako?' Ipinilig ko ang ulo dahil sa kalokohan na naiisip. Nagpatuloy na si Bryson sa paglalakad habang hawak ang kamay ko, nakasunod lang ako sa kanya. Nakarating kami sa sasakyan, at agad naman n'ya 'to binuksan. 'Hay, heto nanaman ako sa loob ng kotse n'ya'. Tapos ko ng maikabit ang seatbelt nang pumasok si Bryson sa loob. Agad naman nitong pinaandar ang kotse. Hindi ko alam kung saan n'ya ako dadalhin, ayaw ko namang magtanong kaya nanahimik na lang ako. Wala kaming imikan sa buong byahe. Huminto s'ya sa Jollivee, isang sikat na fast food chain. Hindi ko na s'ya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto, lumabas na ako. Hinawakan n'ya ulit ang aking kamay at iginiya na papasok sa Jollivee. Wala nang gaanung tao, marahil ay tapos ng mag-lunch ang karamihan..mag-ala una na rin kasi. Nakahanap naman kami agad ng mauupuan, sa bandang sulok ang napili ni Bryson. "What do you want to eat?" he asked me. Napasulyap naman ako sa menu board. "Kahit ano na lang siguro, ikaw na ang bahala," I answered him. "A'right, just stay here. I'll just order our food," I just nodded at him. Sinundan ko s'ya ng tingin habang naglalakad papuntang counter. Sa edad na nito na twenty five ay hindi maipagkakaila na malaki ang built ng katawan nito. Matangkad si Bryson siguro nasa six'feet ito, samantalang ako ay nasa five'four lang ang height. Napangiwi ako nang mabaling ang tingin ko sa kahera na nagpapa-cute kay Bryson.. nag-beautiful eyes pa na animo'y napuwing ang mata. Inirapan ko ang babae kahit hindi naman n'ya ako nakikita. 'Tss, nakakita lang ng gwapo parang sinilihan na ang pw*t. Naku..ate baka matuluyan yang mata mo.' Bubulong-bulong ko habang nakatingin sa kanila. Kahit sino naman kasi ay hindi mapipigilang kiligin 'pag kaharap si Bryson. Gwapo si Bryson at talaga namang habulin ng mga babae. Kaya nga naging campus heartthrob ito sa school. Magaling rin ito mag-basketball, at sobrang talino. Pero ang pinaka- nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging simple n'ya. Umayos ako ng upo dahil palapit na si Bryson dala ang in-order nito na pagkain. Awtomatikong napaawang ang labi ko nang makita ko ang laman ng tray at puno ito ng pagkain. Ang dami nitong in-order samantalang dalawa lang naman kaming kakain. 'Baka naman mag-take out s'ya,' sabat ng isip ko. "Ahm...I don't know what do you want to eat. So, I ordered all the food on their menu." Sabi nito habang nagkakamot ng batok. Napansin n'ya siguro ang pagka-bigla ko sa dala n'yang mga pagkain. Tinitigan ko isa-isa ang pagkain sa harapan ko. May fried chicken na isang bucket, fries, spaghetti, burger na iba't-ibang klase, palabok, tuna pie, at meron ding drinks. Napalunok ako ng laway sa mga nakita at nakaramdam ako bigla ng gutom. Pakiramdam ko kaarawan ko ngayon sa dami ng pagkain. "L-lahat 'to kakainin natin?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo isa-isa ang mga pagkain sa harap naming dalawa. "Yes," tila balewala n'yang sagot sa'kin. Nilibot ko ang paningin sa paligid, at kita ko ang mga tao na nakatangin na pala sa'min. Napasulyap rin ako sa pinto, nagbabakasakali na baka pumasok sina Xander. "Ang dami nito..baka hindi natin maubos. Pupunta ba sina Xander?" tanong ko pa sa kanya. "It's okay, pwede naman natin ibigay sa mga bata sa kalye. Hindi alam nila Xander na nandito tayo. So..let's eat!" Nakangiti nyang alok sa'kin sabay abot ng spaghetti na nilagyan n'ya na ng fried chicken. Kinuha ko ito habang nakatingin sa kanya. Napahanga n'ya ako sa sinabi nitong ibigay ang matitira namin sa mga bata na nasa kalye. "Aren't you hungry yet?" tanong n'ya na bahagya kong kinagulat. Hawak ko pa pala ang ibinigay n'ya na spaghetti, at nakatingin lang ako sa kanya. Inilapag ko na ang hawak ko at nagsimula ng kumain. Panaka-naka akong napapasulyap kay Bryson, ganado itong kumain dahil sa sunod-sunod na subo nito. Samantalang ako..hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin. Lahat kasi ay mukhang masasarap. Tapos na kaming kumain, at marami pa kaming natira. "Are you done?" tanong n'ya sa'kin, matapos uminum ng coke. Tumango na lamang ako, sa sobrang busog ay mahihirapan yata ako makakatayo nito. Tinawag n'ya ang crew at ipinabalot isa-isa ang natirang pagkain para maibigay namin sa mga bata. Ilang minuto lang ang hinintay namin, at dumating na ang crew bitbit ang mga pinabalot ni Bryson. Naka-seperate na ito kaya hindi na kami mahihirapan pang ipamigay mamaya. "Are you ready? Let's go." aya n'ya sa'kin. Bitbit na ni Bryson ang isang plastic na naglalaman ng pagkain. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Napansin ko ang ilang kababaihan na sinusundan ng tingin si Bryson at halatang kinikilig. Hindi ko naman sila masisisi dahil sadyang napaka-gwapo nito. Bahagya akong nagulat nang biglang hawakan ni Bryson ang kamay ko, kaya naman napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansin ang paglapit n'ya sa'kin, dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga babae. Ibinalik ko ang tingin sa mga kababaihan at kita ko ang reaksyon nila na tila nagulat. 'Girlfriend n'ya ata,' dinig kong sabi ng babae na naka-spaghetti strap, at halos lumuwa na ang dibdib nito. Nagtama ang tingin naming dalawa at inirapan n'ya ako. Napaismid ako sa ginawa n'yang pag-irap sa'kin. 'Tss, akala mo naman maganda' bulong ng isip ko. Nabaling ang tingin ko kay Bryson ng maramdaman ko ang pagpisil n'ya sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak n'ya pa. Nakatingin s'ya sa'kin. Nginitian n'ya ako at iginiya na palabas ng Jollivee. Lumingon muli ako sa grupo ng mga kababaihan, at lahat sila ay nakatingin sa kamay namin ni Bryson. Tinaasan ko sila ng kilay at taas noong naglakad palabas. 'Ano kayo ngayon?!' proud kong bulong. At taas noong naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD