Ronoel
Wala na ang sasakyan ni Bryson, ngunit nandito pa rin ako nakatayo at tulala. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito.
"Uyyy, may boypren na si Ate Ronoel!" dinig kong panunukso ng mga kabataan. Natauhan ako at napalingon sa kanila.
"Hindi ko yun boyfriend ahh!" kaagad kong tanggi sa kanila, dahil totoo naman na hindi ko boyfriend si Bryson. Nagsimula na ako maglakad pauwi ng bahay nang muli silang magsalita.
"Weeh?.. Bakit ka hinalikan sa pisngi?" nakasunod pala ang mga ito sa akin. Nilingon ko sila habang nakapameywang.
"Hoy! ang bata-bata niyo pa pero mga tsismosa na kayo, umuwi na nga kayo at gabi na." Pagtataboy ko sa kanila para tantanan na nila ang panunukso sa'kin. Kaagad naman silang umalis sa harapan ko, pero tuloy pa rin ang tawanan at bulungan nila.
'Hmp! ang mga kabataan talaga ngayon mga tsismosa na,' bulong ko habang naglalakad.
Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa aking silid at pasalampak na humiga. Hawak ko ang aking pisngi habang nakatitig sa kisame. Abot tenga ang ngiti ko habang nagfa-flashback ang nangyari kanina. Kinuha ko ang unan at tinakip sa aking mukha sabay tili ng malakas. 'Yong sa paghatid niya pa lang sa'kin ay kinikilig na ako, lalo pa kaya yung ginawa n'ya na paghalik sa pisngi ko. Gusto kong tumalon-talon habang sumisigaw dahil sa sobrang kilig at saya, pero 'pag ginawa ko 'yun siguradong mabubulabog sila Mama at mga kapitbahay.
Napapaisip ako kung bakit ganun ang mga kinikilos ni Bryson.
'May gusto ba s'ya sa'kin? O baka naman gusto lang makipag-kaibigan,' 'Kaibigan? Pero humalik sa pisngi?' kontra naman ng isip ko.
Bumangon na ako at pumunta sa banyo upang makapag-linis ng katawan. Nang matanggal ko na ang aking mga saplot ay tumingin ako sa salamin. Pinakatitigan ko ang aking mukha lalo na ang aking pisngi, hinaplos ko ito.
'Wag na lang kaya ako maghilamos?' wala sa sarili kong wika habang hinihimas ko ang aking pisngi. Napapailing na lang ako sa naisip ko. Ang OA ko naman kasi kung hindi ako maghihilamos. Nakalabas na ako ng banyo at nagbibihis, nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang phone sa aking bag at tiningnan kung sino ang nag-text. Napakunot noo ako dahil unknown number ang nakalagay. Kaagad ko namang binuksan ang message para mabasa.
"Hi!"
Sino naman kaya 'to? Maliban kasi kina Mama, sila Glodie, Richel, at Maya lang ang nakakaalam ng number ko. Ipinatong ko na lang sa higaan ang cellphone ko, wala akong balak mag-reply kasi hindi ko naman 'to kilala. Nagpatuloy ako sa ginagawa kong pagbibihis nang tumunog ulit 'to. Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago kinuha ulit ang cellphone para mabasa ang text.
"Did you sleep already? It's me Bryson," namilog ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan ng nag-text sa'kin. Paano naman n'ya kaya nalaman ang number ko? Nakatitig lang ako sa cellphone habang ulit-ulit kong binabasa ang message n'ya. Nagtatalo ang isip ko kung magre-reply ba ako o hindi sa kanya. Hays, bahala na nga...
"Hi!" pag-type ko ay agad ko namang ni-send sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I felt excitement in my heart.. kahit na ang isip ko ay pilit pa rin akong kinokontra. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng muli itong tumunog. Kaagad ko namang binuksan ulit para basahin ang reply n'ya.
'I thought you were asleep. By the way, i just want to confirm if this number is yours. See you tomorrow.. Goodnight!' hindi ko mapigilang mapangiti sa nabasa ko. Sino naman kaya nagbigay sa kanya ng number ko?
"Goodnight din. Salamat pala ulit sa paghatid mo kanina." reply ko naman sa kanya.
Paulit-ulit kong binabasa ang huling text ni Bryson. Mapupunit na yata ang pisngi ko sa lawak ng ngiti ko. Pakiramdam ko may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko dahil ang bilis ng t***k nito.
Para akong t*nga na hinalikan ang cellphone at itinapat sa dibdib ko.
Dahil sa pinaghalong antok at pagod ay agad naman akong dinalaw ng antok.
Nag-aabang na ako sa sakayan ng jeep, nang may huminto sa tapat ko na kotse. Napakunot ang noo ko kasi pamilyar ito sa'kin. At hindi nga ako nagkamali ng bumaba ang driver ng kotse. Napaawang ang labi ko nang makita ko si Bryson. Napaka-gwapo talaga nito kahit ano ang ipasuot sa kanya, nakasuot ito ng white longsleeve na pinatungan ng vest na gray at may logo ng university. Siguro kahit basahan o butas-butas ang ipasuot sa kanya eh bagay pa rin.
"Hey! Are you still dreaming?" Natauhan ako nang mag-salita s'ya, kita ko ang pilyong ngiti sa kanyang labi. Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi n'ya at alam kong namumula nanaman ito ngayon.
'Hay naku talaga Ronoel. Masyado ka naman obvious,' saway ko sa sarili.
"Huh...Sorry inaantok pa kasi ako," palusot ko sa kanya.
"Oh, I see. Sabay ka na sa'kin.. iisang school lang naman ang pupuntahan natin." nakangiti n'yang alok sa'kin. Hindi na ako nakatanggi pa nang buksan n'ya na ang pinto ng kotse. Kaagad na akong pumasok sa loob at isinuot ang seatbelt. I sighed deeply..dahil siguro sa kaba.
Nagsimula ng umandar ang sasakyan at binaling ko na lang ang tingin sa bintana. Tahimik lang kaming dalawa at tila nagpapakiramdaman. Bigla ko naman naalala ang ginawa n'yang paghalik sa pisngi ko kagabi. Napalingon ako sa kanya at napasulyap din s'ya sa'kin. Kita ko ang kislap sa kanyang mga mata na tila sobrang saya n'ya. Gusto ko sanang magtanong kung bakit s'ya masaya, pero hindi ko na inabala pa ang pagmamaneho nya at ibinalik ko na lang muli ang tingin ko sa labas ng bintana.
Nang makarating sa parking lot ng school ay agad namang bumaba si Bryson upang pagbuksan ako ng pintuan. Pagkababa ko ng kotse ay kita ko ang mga estudyante na nagbubulungan habang nakatingin sa'kin. "S-salamat sa paghatid," nahihiya kong sabi sa kanya. Ramdam ko ang init ng titig n'ya sa'kin at sinabayan pa ng mga mapanuring titig ng mga estudyante. Napayuko na lang ako at tumalikod na sa kanya. Hindi ko na inabala ang sarili na tingnan ang mga estudyante na nakatingin sa'kin. Alam ko naman na hindi ako bagay kay Bryson kaya hindi na nila kailangan ipamukha pa ito sa'kin. Nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Nilusaw nito ang kilig at saya na nararamdaman ko kanina.
BRYSON
Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa kay Ronoel. Alam ko na masyadong nitong minaliit ang sarili, dahil sa uri nang titig nang mga nasa paligid. Isa-isa kong tinignan ang mga grupo na nagkukumpulan habang nagbubulungan at humakbang palapit sa mga ito. Nang makalapit ako sa grupo ay agad naman lumapit ang babaeng halos kita na ang p*nty dahil sa sobrang iksi ng palda. "Hi, Bryson." Malanding bati nito sabay hawak sa braso ko. Kaagad ko namang tinabig ang kamay ng dalaga at tinitigan ng masama. Hindi ko s'ya kilala kaya wala siyang karapatang hawakan ako. "Easy bro, init naman agad ng ulo mo," tunatawang wika naman ng lalaki na sa tingin n'ya ay nasa third-year college pa lang. "Why Bryson? Mas bet mo ba ang poor girl na 'yon?" nabaling ang tingin ko sa malanding babae na nasa harapan ko. Umigting ang panga ko sa sinabi niya patungkol kay Ronoel. "Why? Do you think I'm gonna like you?" pang-aasar na tanong ko sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na isa ito sa mga babaeng naghahabol sa'kin dito sa campus. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Ngumisi ako sa babae at hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. "Don't you even bother to compare yourself to her.. 'cause you are nothing but a B*TCH!" madiin kong wika sa kanya na may halong pagbabanta. Nanginginig ang kamay nito at masamang tumingin sa'kin.. pero wala akong pakialam kung magalit man ito. Padabog kong binitawan ang kamay niya at ibinaling naman ang tingin sa mga ka-grupo nito. "And all of you.. listen to me," turo ko sa kanila. "Don't you ever dare touch her or else...ako ang makakalaban niyo." Pinukulan ko sila ng masamang tingin bago tumalikod at humakbang palayo sa kanila. Papasok na ako ng hallway nang masalubong ko sina Xander. "Hey bro! Mukhang badtrip ka ngayon ah," salubong sa'kin ni Xander. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad papasok ng classroom. "Nasalubong ko pala si Ronoel kanina..may nangyari ba? Nakita ko kasi siyang umiiyak," balita ni Xander na ikinaangat ng ulo ko. Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig. Patayo na sana ako para puntahan si Ronoel nang pumasok ang professor namin. "Damn!" mahina kong mura.
Hindi pa tumutunog ang bell ay agad na akong lumabas ng classroom upang puntahan si Ronoel. Dumiretso na ako sa cafeteria dahil alam kong lunch break na rin nila. Nilibot ko na ang buong cafeteria ngunit walang Ronoel na kumakain. Kahit si Maya ay hindi ko rin nakita. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at idinayal ang numero ni Ronoel. Ring lang ito ng ring at mukhang walang balak sagutin. "Sh*t!" inis kong ibinalik ang cellphone sa bag ko at lumabas na ng cafeteria. Naisipan kong puntahan ito sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Naglalakad na ako papuntang parking lot kung saan naka-park ang sasakyan ko nang mahagip nang mata ko ang pamilyar na bulto ng babae.
'Ronoel...'