Chapter 4 - Kiss

1071 Words
Ronoel Pilit kong pinapakalma ang aking sarili habang papalapit si Bryson dito sa counter. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malagkit sa kaba. Ang lakas nang kabog nang aking dibdib na animo'y sasabog. Tila nag slow motion ang aking paligid habang magkahinang ang aming mata. Para akong nahihipnotismo sa kanyang mga titig. "Hey! are you okay?" kinakaway-kaway niya ang kanyang kamay sa aking mukha. Kaagad naman akong natauhan at bumalik sa realidad. Nakatayo na siya sa aking harapan at pinagmamasadan ako. "Are you okay?" ulit niyang tanong sa'kin. "H-ha? Ahh, o-oo o-okay lang a-ako." nauutal kong sagot sa kanya. Yumuko ako ng ulo at nagkunwaring may ginagawa sa loob ng kaha. Pero ang totoo ay naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. "B-bakit ka pala bumalik? May naiwan ka ba?" tanong ko sa kanya habang inaabala ko ang aking sarili sa pagbibilang ng pera, kahit tapos ko na itong bilangin. "Ikaw" sabi niya sa mahinang tinig. Kaagad naman akong nag-angat ng tingin at napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi. "H-ha?!" paglilinaw ko sa sinabi niya. "Nevermind. Pauwi ka na ba?" pagbabago niya ng usapan. "Oo pauwi na sana," sagot ko sa kanya. "Ahhm, kung gusto mo ihatid na kita," nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya sa akin. "Pero okay lang naman kung ayaw mo," pagbawi niya sa kanyang sinabi habang nakatitig s'ya sa'kin. Kinakabahan man ay pumayag na ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ba lagi akong kinakabahan sa tuwing lumalapit sa akin si Bryson. "A-ah, sige ayusin ko lang gamit ko." Naglakad na ako papunta sa locker room para kunin ang aking bag. Paglabas ko ay nakatayo na si Bryson malapit sa pintuan habang hinihintay ako. "Let's go," nakangiti niyang aya sa akin. Pinatay ko muna ang ilaw at sabay na kaming lumabas. Pagkatapos kong i-lock ang pinto ng coffee shop ay dumiretso na kami sa kanyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng coffee shop. Napatingin naman ako sa kanya nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman na akong pumasok sa loob ng kotse. Pagkasara ng pinto ay umikot na si Bryson sa driver's seat. Napasinghap ako nang lumapit ito sa'kin at parang may kinakapa sa tagiliran ko. Ang lapit namin sa isa't-isa, napapikit ako nang nalanghap ko ang mabangong amoy ni Bryson. Pumikit ako at pigil ang aking paghinga, pakiramdam ko ay sasabog ang aking puso sa lakas ng t***k nito. Napadilat ako ng makarinig ako ng pag-click, hudyat na nai-lock na nito ang seatbelt. Pagdilat ko ay naka-titig s'ya sa akin na parang kinakabisado niya ang aking mukha. "Ahem! May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya habang kinakapa ng isang kamay ko ang aking mukha. Natauhan naman siya sa aking sinabi kaya umayos na siya ng upo. "Sorry..wala naman." Sinimulan na rin nito isuot ang seatbelt "Give me your address." Inilabas nito ang kanyang cellphone. Matapos kong sabihin ang address ay kaagad naman itong nag-type sa kanyang cellphone. Huminga ako ng malalim nang magsimula na itong paandarin ang kotse. Umayos ako ng aking upo at tumingin sa bintana, samantalang tahimik lamang sa pagmamaneho si Bryson. "Ahm! Do you have boyfriend?" basag nito sa katahimikan. Nagulat naman ako sa tanong niya. "W-wala," nauutal kong sagot. "That's good," agad naman akong napalingon sa sinabi niya. May ngiti ito sa kanyang labi habang diretso ang tingin sa kalsada. Hindi ko napigilang titigan siya, kahit na naka-side view ay napaka-gwapo pa rin nito. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata at mapupula ang labi na kaysarap sigurong halikan. Hindi niya napigilan na basain ang kanyang labi. "Staring is rude," untag ni Bryson. Napasulyap pala siya sa'kin, napalunok pa'ko dahil sa nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Idagdag pa ang nakakalokong pag-ngisi niya sa akin na animo'y may ibig pahiwatig. Ibinalik ko na lamang ang tingin sa bintana. Ilang minuto pa ang lumipas nang huminto na ang kotse. Tinangka kong buksan ang pinto, ngunit naka-lock pa ito. Nilingon ko ang driver seat kung saan naroon si Bryson, ngunit nakababa na pala ito at ipinagbukas na ako ng pinto. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya sa'kin. "Ayaw mo pa bang bumaba? " tanong nito na nagpabalik sa akin sa realidad. Pababa na sana ako ngunit bigla siyang yumuko upang tanggalin ang seatbelt na nakakabit pa rin sa akin. "Hindi ka makakababa kung nakasuot pa sa'yo ang seatbelt," napapikit ako nang yumuko ito at tinanggal ang seatbelt. Ang shunga ko naman kasi, bakit hindi ko tinanggal 'yong seatbelt, saway ko sa sarili. Kunwari ka pa, kinikilig ka naman, kontra naman ng aking isip. Nang matanggal na ni Bryson, inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan akong makababa. Nanginginig kong tinanggap ang kanyang kamay. "Salamat nga pala sa paghatid sa akin," nakangiti kong wika pagbaba ko ng kotse. Kinuha ko naman ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Hindi siya sumagot sa aking sinabi, napansin ko ang paglibot ng mga mata niya sa paligid. May mga nag-iinuman sa tapat ng tindahan, naglalaro na mga bata at mga kababaihan na nagbubulungan habang nakatingin sa amin. Tss, mga marites talaga! "Is this place safe?" nag-aalala niyang tanong sa'kin, habang nakatingin sa mga nag-iinumang mga lalaki. "Oo naman! matagal na kami dito nakatira at wala pa namang krimen ang nangyayari dito sa lugar namin." Kahit naman mga marites at lasingero mga kapitbahay namin ay hindi naman sila nananakit ng kapwa. Napatango-tango na lamang siya sa aking sinabi. "Ahh.. S-sige mauuna na ako sa'yo. Mag-iingat ka sa pagmamaneho," paalam ko sa kanya. Mag-alas nuwebe na rin kasi ng gabi at baka hinahanap na ako nila Mama. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang ihakbang ang aking mga paa nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Napalingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Napatingin naman ako sa kamay na ngayon ay hawak niya. "Ahm, may sasabihin ka pa ba?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "I just want to say... goodnight!" napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. "G-goodnight din," nauutal pa ako dahil sa pagkabigla. Mabilis niya akong hinila palapit sa kanya at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking pisngi. "Bye!" rinig kong paalam niya bago makapasok sa kanyang sasakyan. Nakatanaw lamang ako sa unti-unting paglayo ng kanyang sasakyan, habang ako naman ay tulala at hindi makapaniwala sa ginawang paghalik ni Bryson sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD