Kailani
*
*
" Don't worry She's like him hahaha. " Narinig ko na wika ni West may katawagan siya
Sumampa ako sa Big bike sinuot ko ang helmet nagmaniho ako palayo
" Bakit parang may Mali sa mga nangyayari? Baka masyado lang ako nag-iisip ng hindi maganda " Kausap ko sa sarili ko
Huminto ako sa kabilang kalsada nakatanaw ako sa bahay na nakalagay sa address na bigay ni West madilim na ang bahay kaya pinili ko ang nagpatuloy sa pagmaniho papunta sa lugar na napagkasundaan namin ni Luca
" Dapat maikapasal ko na si West sa lalong madaling panahon, Abala din kasi siya sa mga plano ko. Alam ko kay Daddy ang katapatan niya, Tulad ngayon nakasunod siya saakin. Marami akong gustong gawin na hindi ko magawa dahil sa nakabantay saakin si West.
Huminto ako sa tabing kalsada hinubad ko ang suot ko na Helmet nagsindi ako ng sigarilyo. Nakatanaw ako sa paparating na si West.
" Itapon mo yan." Pagalit na utos nito kinuha niya sa kamay ko ang sigarilyo sa kamay ko Tinapon niya tumingin ako dito at nagsalita
" May lakad kami ni Luca umuwi kana. 23 na ako West alam ko na ang ginagawa ko. Bukas na bukas ayusin mo na ang lahat ng documents mo nakausap kona si Attorney para sa kabayaran sa mahabang panahon na paninilbihan mo saakin. Marami akong gustong gawin hindi ko magawa dahil nakabantay ka. Tumatanda kana gusto ko buhay mo naman ang unahin mo. Pakiusap West." Seryoso na pakiusap ko
" Nag-aalala kasi ako sayo, Alam mo naman parang anak na kita, Sayo nga umikot ang buhay ko. Pero siguro tama ka panahon na para sarili ko naman ang unahin ko. " Malungkot na wika ni West
" Salamat West." Tipid na tugon ko muli ko sinuot ang helmet sa pagkakataon na to napansin ko si West na umikot na para nagmaniho pauwi.
" Matagal narin na panahon ang pag-aaalaga mo saakin West panahon na para sarili mo naman ang unahin mo. " Malungkot na sambit ko
Madaling araw na nang tumigil ako sa two story house hindi pa ako nakakababa bumukas na ang gate bumungad saakin ang matangkad na lalaki nakangisi ito Kumindat pa
" Ano nagtagumpay kaba makipag hiwalay kay West?" Pagbibiro niya
" Haha! Yup, kailangan gumawa ka ng paraan para matuloy ang kasal ni West sa lalong madaling panahon. " Nakangiti na wika ko Habang naglalakad papasok sa bahay ni Luca
" Binayaran ko ang kasintahan ni West napag-alaman ko din na buntis ang kasintahan ni West. Sampong million dolyar ang binayad ko para lang mailayo sayo si West. Nakakaawa kasi baka habang buhay nang nakabantay sayo. Masyado kasing napamahal sayo ang isang yon. Mas mahal ka pa niya kaysa kanyang sarili. " Naiiling na kwento ni Luca
Binuksan ang TV monitor bumungad saakin ang iba't ibang mukha personalidad.
" Last few years sila ang nagtatangka sa buhay ng Daddy mo. Semple lang ang gusto nila mapabagsak ang Daddy mo isang katuwaan isang sugal ang ginawa nila. Amore Business women from Poland. Paul from Brazil, Adao portugal. Augusto And Unknown business man dito yan sa pilipinas. Lima na business man Nagpustahan kung Sino ang makakapatay sayo magkakamit ng 50 billion US dollars. " Seryoso na Paliwanag ni Luca
Sumandal ako sa balikat ni Luca parang bigla ako nahilo sa nalaman ko. Akala ko sempling tao lang ang may tangka sa buhay ko hindi pala. Akala ko mag-eenjoy ako sa tatlong taon na binigay saakin ng mga magulang ko hindi pala.
" Anong gagawin natin? " Halos pabulong na tanong ko
" Labas ako sa problema mo. Mag-aasawana ako.. " paliwanag ni Luca
" Sorry about that. Okay lang ako." Tugon ko
" Augusto ang may Transaction bukas." Wika ni Luca
" Club tayo? " Aya Ko
" Tara! Tulog na tayo. Madaling araw na gago. Bukas ng Umaga kailangan pa natin magbyahe malayo pa ang pupuntahan natin. Kailangan bago sumapit ang gabi nasa location na tayo." Naiiling na Tugon ni Luca
Nahiga ako sa sofa pumikit ako bigla ako lumutang binuhat ako ni Luca
" Kaya ka hindi nagkakajowa dahil s----
" Dahil kay Daddy, Gusto ako ipakasal sa anak ng Childhood friend nya." Putol ko sa sasabihin ni Luca
" Ang pagiging malapit mo saakin isa sa magiging dahilan sa selos ng future husband mo. Pag nag-asawa na ako iiwasan kita, " Wika ni Luca
" Ayaw! Ikaw lang ang nag-iisang best friend ko. " Parang bata na wika ko
Binaba ako ni Luca sa kama inayos ang kumot naupo sa gilid ng kama
" 50% ng makukuha natin bukas invest ko sa business. Tapos magsaya tayo habang pareho pa tayo single, Club's Beach, Road trip. Ano paba?" Wika ni Luca
" Maghahanap ako ng Hot guy! Hehe " Natatawa na tugon ko
" Hot babes! Haha Enjoy natin ang buhay habang wala pa tayo Asawa. Sigurado pag kinasal kana magbabago na ang Buhay mo. Kaya habang single kapa enjoy muna. " Wika ni Luca
" Bakit parang maputla ka ata Luca may sakit kaba?" Biglang tanong ko napansin ko kasi na mahagyang pumayat ang kaibigan ko maputla din siya
" Ahemmm! Goodnight Kai, Ipagluluto kita ng sinangag with smoke fish. " Nakangiti na wika ni Luca
Tumayo na siya naglakad palabas ng silid ko.
" Bakit hindi sumagot si Luca? May sakit ba siya? " Tanong ko hindi ko alam kung bakit kinabahan ako
Childhood friend ko si Luca para saamin magkapatid kami. Pareho kasi kami only child sa setwasyon ni Luca wala na siyang pamilya. Namatay sa aksidente ang tatay niya. Namatay naman sa Cancer ang Nanay niya.
Napapikit nalang ako kinabukasan maingat na dumapa ako sa damohan nakatutok ang sniper rifle sa isang babae. Hinintay ko na mabuksan ang briefcase bago ko pinaputukan.
Inasinta ko sa noo na kinamatay agad ng target ko sunod-sunod naman na pagpapaputok galing kay Luca ang narinig ko. Agad na nagkagulo nakipag palitan ng putok ng baril si Luca sa kalaban samantalang ako inasinta ko isa-isa ang tatlong banyaga na business man.
Nasipat ko ang isang lalaki dinampot ang briefcase na may laman diamond's. Tumayo ako tumakbo ako papunta sa daan na tinahak ng lalaking may dala ng briefcase. Nauna ako tumayo ako binuksan ko ang kotse
" Sir! Hurry up Sir before the police arrive." Pasigaw na wika ko
Pinagbukas ko ng pinto ng sasakyan agad naman sumakay na hindi na nag-iisip.
" Drive faster." Utos nito saakin agad ko pinaharorot palayo ang sasakyan palayo bago ako makalayo nasipat ko ang pagsabog ng gusali napangisi nalang ako.
" Best ka talaga Luca, " Piping sambit ko
" Take me to the airport. We're leaving right now." Utos ng lalaki saakin
Pasemple ako nag spray ng pampatulog nakasuot ako ng mask at naka hoodie jacket nakasumbrero din ako may suot din kami ni Luca ng night glasses.
Unti-unting pumipikit ang lalaki napangiti ako huminto ako sa tabing kalsada.
Pasipol-sipol ako habang lumalabas ng sasakyan bitbit ang briefcase ngayon ko lang napansin na dalawa ang bitbit na briefcase
May huminto na Big bike sa harapan ko agad ako sumampa nakasalubong namin ang kapulisan.
Umabot ng isang Oras ang pagmaniho ni Luca bago kami huminto sa tabing kalsada. Lahat ng pera na laman ng briefcase nilagay namin sa bag ang diamonds nilagay ko sa loob ng stuffed toy.
Sinunog namin ang walang laman na briefcase kasama ang Big bike saka kami naglakad para maghanap ng taxi.
Nagpahatid kami sa malapit na Hotel iisang kwarto ang kinuha namin.
" Sa sahig ka ako sa kama." Wika ko
" Ulol sa Sofa nalang ako. Nasa Ibaba ang kotse natin bukas ng Umaga punta tayo sa black Market nakakuha na ako ng buyer nito." Wika ni Luca habang naglalakad kami palapit sa elevator
Nakakunot noo ako nagkatitigan kami ni Apolo nasa loob siya ng elevator nakapamulsa masama ang titig saakin
" Yan ang sinasabi ko sayo. Si Apolo kasabay ko sa bus. Ano kaya ang ginagawa niya dito?" Pabulong na wika ko
Hinapit ni Luca ang bewang ko ngumisi ng nakakaloko sinandal ako sa tabi ni Apolo sabay sabi ng
" Alam mo bang nasasabik na ako sayo? Hindi ko makalimutan kung paano mo sinubo at nilunok ang katas ko. Gustong-gusto ko talaga pagurin ka hanggang sa makatulog ka sa pagod." Malambing na wika ni Luca nanlaki ang mga mata ko sa pinagsasabi ni Luca
Ubod ng lakas ko siya sinipa sa pagitan ng hita napadaing siya sasakit
" Arayyyy! Huhu I'm kidding Kai. " Daing ni Luca nakahandusay sa sahig ng elevator
" Hi Apolo. Kaibigan ko lang siya, Nasiraan kami ng sasakyan pwede ba makisabay sayo pag-uwi." Nakangiti na wika ko
" Tsk! " Masungit na asik ni Apolo sinamaan ako ng tingin
Paglabas niya ng elevator sumama ako
" Alam mo na ang gagawin mo Luca. Sayo na yan laman ng bag i transfer mo nalang sa Bank account ko ang para saakin. " Wika ko bago ako lumabas ng elevator binigay ko kay Luca ang dalawang bag
Pero inabot niya saakin ang bag na may lamang pera
" Sayo na yan! Alam ko kailangan mo ng cash ngayon. " Nakangiti na wika ni Luca
" Huwag mo Kalimutan isubo." Pasigaw na wika ni Luca
" Pwede ba bitawan mo ako. Sino kaba?" Galit na wika ni Apolo pinulupot ko kasi ang braso ko sa braso niya
" Ako ang kasintahan mo rememb----
Hindi ko natapos ang sasabihin ko napansin ko ang dugo sa tagiliran niya.
" Huwag mong sabihin na kasama ka kanina s----
" Manahimik ka! Inuhanan mo ako sa pagpatay ng target ko. " Inis na wika niya
" Alam ko na kung ano Trabaho mo. Huwag naman sana dumating ang araw na isa ako sa mga target mo. " Malungkot na wika ko
Hindi na kumibo si Apolo binuksan ang hotel room sumama ako sa pagpasok sa loob
" Pwede ba lumabas ka." Galit na taboy niya saakin
" Nope! Gagamotin muna kita bago ako lalabas, I am your girlfriend." Nakangiti na wika ko
" Your crazy. Get out." Galit na bulyaw niya