Kailani
*
*
" Arayyyy. Huhu West bakit ba?" Daing ko piningot ni West ang tainga
" Dito ang daan sa kabilang kalye ang bahay ko, Siraulo malayo pa, Bakit kaba sunod ng sunud don sa lalaki? Aba mamaya mabuhin kapa ng taga ng Asawa non." Paninirmon ni West
Para akong bata na nagpapadyak habang naglalakad papasok sa tricycle na pinasukan ni West
" West! Hanapin mo ang bahay ng lalaking yon. I like him i want him! Siya ang napatigil ng mundo. Sweet siya, Sabi niya pasasabugin daw niya ang Ulo ko. Diba ang sweet niya?" Parang bata na Paliwanag ko
" Diyos ko! Kai papatayin kana natutuwa kapa." Naiinis na wika ni West
Huminto kami sa malawak na bakuran malinis ang paligid may bakery sa kanto bago dumating sa bahay ni West
" Not bad! Maglagay ka ng duyan dito sa ilalim ng Puno. Tapos maganda kung may halaman namumulaklak dito. Gawin mo lahat ng yan West bukas na bukas." Nakangiti na wika ko
" Nakalimutan mo ba kung bakit nandito ka? " Tanong ni West
" Hehe! West! Alam mo hindi ako marunong sa gawain bahay. Kaya huwag mo ako uutusan. " Inis na wika ko
" Bakit ba kasi sunod ako ng sunod sayo? Tumanda na ako kakasunod sayo." Naiinis na wika ni West
Pumasok kami sa bahay napangiti ako pagpasok mo may sala set na gawa sa kahoy may kusina at may banyo malapit sa kusina, May tatlong kwarto sa second floor. Semple lang ang bahay presko para lang ako nasa bakasyon.
" West! Pakilinis mo nga ang Kwarto ko. Maalikabok makati sa balat, Bukas na bukas palitan mo ang Kama ko lahat ng gamit ko sa kwarto, And one more thing palitan mo lahat ng gamit sa kusina, Gamitin mo Ang Silver card ko. Cancelled lahat ng Card's na galing sa mga magulang ko kaya sarili kong pera ang gagamitin natin." Mahabang Sabi ko
Nakasimangot si West hinila ako palabas ng bahay pinaupo ako sa labas ng bahay sa ilalim ng puno.
" Huwag na huwag kang papasok sa bahay hanggat hindi ko sinasabi. " Naiinis na utos niya
" Aling Marita tulongan mo nga ako maglinis ng bahay, Itong Alaga ko ang daming utos nakakainis na. Unahin natin ang Kwarto." Pakiusap ni West sa ginang kapitbahay namin
" Ito na ba ang Alaga mo? Aba Ang ganda! Bakit nga pala nandito kayo? Oh sige papatayin ko lang ang kalan." Nakangiti na wika ni Aling marita
Kinuha ko ang phone ko kinikilig na Pinagmamasdan ang larawan ng lalaki na katabi ko sa bus.
" Hey! Bakit?" Inis na tanong sa kabilang linya
" Luca Nasaan ka? Natanggap mo ba ang email ko sayo?" Bungad na tanong ko
" Yup! May party na gaganapin tama ang impormasyon, may magaganap na transaction, 50/50 tayo Ihahanda ko na ang gagamitin natin, Magkita tayo sa napagkasundaan lugar." Paliwanag ni Luca
" Good! Bye-bye. " Nakangiti na paalam ko
" Hahaha! " Malakas na tawa ko
Partner in crime ko si Luca best friends ko siya. Magkakaroon ng elligal transaction ng mga armas at diamond may drugs din. Ang sadya namin diamond's. mga kabilang sa sindikato sa ibang bansa na dito sa pilipinas naglakas loob magpalitan ng kalakal.
" Daddy Mommy, Magkakaroon din ako ng billion na pera, May isla na ako at hotel na tanging mga criminal lang ang nakakaalam, Ilang taon pa mahal na ang presyo ng property ko. Matalino ako kaya hindi ko kailangan magtrabaho ng husto para lang kumita ng pera. Sa ngayon paubos na pera ko dahil sa nagpagawa ako ng mga cottage sa island ko. Marami narin kasi Turista ang pumupunta mga kilalang tao mayayaman sila.
Natigilan sa pagtawa ng mapansin ko nakatayo si West sa harapan ko
" Tell me Anong kalokohan ang iniisip mo?" Walang Emosyon na tanong nito
" Diamond's. Tomorrow night pagnagkataon mabibili na natin ang lupain na balak ko gawin hacienda. " Nakangiti na Paliwanag ko
" Diyos ko naman Kai, Kilan ka ba titigil sa kalokohan mo? Aba paano kung mapahamak ka? " Naiinis na tanong ni West
" Pangarap ko magkaroon ng farms sa sarili kung pera. Magkakaroon ako ng malaking bahay na half naked ang lahat ng Trabahodor. " Nakangisi na Paliwanag ko
" Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagtanong. Sana lang talaga makasal kana. Para naman nakapag resign na ako. " Naiinis na wika ni West
" West! Pwede kana mag resign! May binili akong bahay sa Denmark! Ang ticket mo nasa ibabaw ng malita mo. Hindi kana mahihirapan may small business ka don. " Nakangiti na tugon ko
" Ulitin mo nga ang sinabi mo? " Hindi makapaniwala na sabi niya
" Dalaga na ako West! Kaya ko na alagaan ang sarili ko. Maghiwalay kayo ng ex wife mo dahil sa wala kang Oras sakanya. Palagi mo akong inuuna. West salamat sa lahat-lahat matagal ko pinag-ipunan ang pambili ng bahay at small business mo sa Denmark. Denmark is quite expensive to live. " Nakangiti na tugon ko
Namula sa galit si West hindi natuwa sa sinabi ko.
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na magreresign lang ako pag nasiguro ko na kaya kang alagaan ng Asawa mo. Mag-asawa ka muna, Alam mo ikaw lang ang pamilya ko. Huwag mo pinapainit Ulo ko Kailani." Paninirmon nito saakin namumula ang mukha sa galit napakamot nalang ako sa Ulo.
" Hoy West bakit mo sinisigawan Alaga mo. Aba siya ang nagpapasahod sayo. Dapat huwag mo abusohin ang kabaitan ng Boss mo." Sita ni Aling Marita
" Hahaha! Huwag po kayo mag-alala nasanay na ako sa ugali ni West. " Natatawa na tugon ko
" West! mag-asawa kana 38 ka na kasi. " Nag-aalala na wika ko
" Nag-asawa na ako dati diba? Ikaw pa nga ang gumastos sa kasal namin, Pero pinirahan lang ako at niloko. Kaya mas gugustohin ko nalang ang maging single. Alam ko Nag-aalala ka saakin pero may girlfriend naman ako inaya ko na rin pakasal. Pumayag na pero ibang lahi humingi ako ng tatlong taon para mag-ipon. Tatlong taon pa kasi bago ka mag-asawa." Mahabang paliwanag niya
" May lakad ako bukas huwag mo ako pipigilan, Malaking pera yon! Bigay ko sayo ang 20% ng kikitain ko don. Para naman may pang simula ka ng business. " Nakangiti na wika ko
Napahinga ng malalim si West ginulo ang buhok ko.
" Malilintikan ako nito kay Boss Kade pag nalaman na hinahayaan kita sa kalokohan mo. " Naiiling na sabi ni West
Tumayo ako pinulupot ko ang braso ko sa bewang ni West tumingala ako at ngumiti
" Huwag mo ako daanin sa lambing Kai. " Sita ni West
Nag-puppy eyes ako bumuntong hininga si West
" Oo na kukunin ko mamaya ang Big bike mo. Halika kana nga ipagluluto na kita para makapahinga narin ako " Naiiling na wika ni West inakbayan ako naglakad kami papasok ng bahay
Sobrang close kami ni West madalas kami mapagkamalan may jowa o kaya mag-asawa.
Natigil ako sa paglalakad nasipat ko nakatitig saakin ang lalaking nakatabi ko sa bus nakasandal siya sa gilid ng tindahan sa harapan ng bahay namin
" You like him? " Tanong ni West
" Yeah! He's look hot good and bed " Pabiro na tugon ko
Humalakhak si West Kumindat ako sa lalaki
" Ano nga pangalan nya? Aaron? Jacob? Apostol? Apolo! Yeah i think Apolo." Kausap ko sa sarili ko nakayakap parin ako kay West pumasok kami ng bahay
Pinaupo ako ni West sa upuan kaharap ang table. Tulad ng dati nakaupo ako habang pinapanood si West na ipagluto ako ng pagkain
" West! Alam mo bang Gwapo ka? Kung tutuusin nasayo na ang lahat ng katangian ng isang lalaki, Bakit kaya may mga babae na Pera lang ang mahalaga sakanila?" Tanong ko
" Kaya nga Paulit-ulit ko sinasabi sayo, Pag-aralan mo mamuhay ng semple tulad ng pangkaraniwang tao. Makakabuti kung mahahanap mo ang Lalaking iibigin ka kahit wala kang pera. Sa panahon ngayon pera na ang Malaga mas mahal nila ang pera. Kung may isang lalaking tatanggapin ka kahit wala kang pera kahit na pasaway ka. Tatanggapin ka kahit sino kapa yon ang pakasalan mo. Huwag mo ibibigay ang sarili mo sa lalaking puson lang ang tumitibok. " mahabang pangaral ni West
" Hahaha! Oo na! Pag nagsalita ka parang hindi ka babaero ah " Natatawa na tugon ko
" Hahaha! Kasama sa buhay yon! Aba masarap kaya makipag talik lalo na pagnasubo ang babae." Natatawa na wika ni West nagtawanan kami
Inilapag ni West ang bake potatoes na may kasamang nilagang itlog harapan ko.
" West kailan mo ako papayagan kumain ng kanin?" Nakasimangot na tanong ko
" Alagaan mo ang sarili mo. Kailangan lagi kang sexy yan ang isa sa kailangan mo para mapaibig ang lalaking gusto mo. Isa sa gusto ng mga lalaki ang sexy maliit na bewang malaki ang boobies matambok ang butt. Pagtumaba ka mahihirapan ako buhatin ka pag nalalasing ka. " Pagbibiro ni West
" West pakasalan mo na ang girlfriend mo. Totoo ang sinabi ko sayo may binili akong bahay at small business sa Denmark. " Nakangiti na wika ko
" Nasanay na akong pinagsisilbihan ka! Anak na kasi kita Kai nag-aalala ako sayo baka pag nawala ako sa tabi mo dumami na naman ang magtatangka sa buhay mo. " Seryoso na wika ni West
" Please! Gusto ko makita kang masaya may sariling pamilya, Mahalaga ka saakin West. Alam mo yan sasabihin ko kay Daddy na payagan ka nang mag resign. Pangako dadalawin kita lagi. " Nakangiti na wika ko
Tumayo si West niyakap ako
" Salamat, Sobra-sobra na ang tulong na ginawa ng pamilya mo saakin. Tatawagan ko mamaya ang girlfriend ko sasabihin ko na sasama na ako sakanya pagbalik sa Ibang bansa." Naiiyak na Wika ni West
" Ako ang abay sa kasal ko West, Sagot ko ang lahat ng gastos sa kasal mo West." Nakangiti na wika ko
" Kinabahan ako bigla! Malas ka ata eh Ang huling pagpapakasal ko ikaw din gumastos tapos umabot lang ng tatlong buwan hiwalay na agad tapos umabot ng mahigpit isang taon ang proseso ng Divorce." Nakasimangot na wika ni West
Humiwalay siya sa pagyakap saakin ginulo ang buhok ko
Nakasimangot parin siya tumawa ako
" Sagot ko narin ang Divorce papers mo." pang-aasar ko
Tumawa si West binatukan ako nagtawanan kaming dalawa.
Napakunot noo ko tumingin ako kay West na naglalakad palapit sa lababo dala ang pinagkainan ko.
" Nag-chat ka eh kaharap mo lang ako. " Nakakunot noo na tanong ko
" Haha! Address yan ni Apolo ang katabi mo sa bus. Gapangin mo." Natatawa na tugon ni West
" Hahaha! Yan ang gusto ko sayo West." Natatawa na tugon ko Kumindat si West saakin
" Maghintay ka na matapos si Jarod sa pag-aaral bago mo umpisahan ubusin ang natitirang kalaban ng Daddy mo. " Wika ni West habang naghuhugas ng pinagkainan
" Yup. " Tipid na tugon ko