Kailani
*
*
Get out." Galit na wika niya sabay tutok ng baril sa noo ko
" I like you! " Sambit ko
Natigilan si Apolo pero nakatutok parin ang baril sa noo ko unti-unting binaba ang baril
" Gagamotin kita bago ako lumabas. Aalis na ako bukas ng Umaga sana huwag na magpatagpo ang landas natin. Sa unang pagkakataon sa buhay ko sayo lang bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya ngayon pa lang Kakalimutan na agad kita." Malungkot na wika ko
Inalalayan ko siya pahiga sa kama lumabas ako sandali umabot ng 20 minutes bago ako makabalik dala na ang kagamitan sa pagtanggal ng bala at mga gamot na gagamitin
Nakatitig lang siya saakin habang tinatanggal ko ang bala na nakabaon sa sugat niya
" Bakit mo ako Tinutulongan?" Tanong niya
" Sabi ko sayo gusto kita, At seryoso ako don, Si West personal bodyguard ko siya simula ng bata pa ako pangalawang ama ko na siya. Si Luca naman ang kasama ko kanina. Best friend ko siya childhood friend ko siya. " Paliwanag ko
" Bakit ka nagpapaliwanag saakin? Hindi naman kita kilala?" Tanong ni Apolo saakin
" Gusto ko lang magpaliwanag, Iwan ko ba bakit nagpapaliwanag ako sayo. Isa lamang akong sempling dalaga walang deriksyon ang buhay. " Nakangiti na tugon ko
" AAAAAAAAHhh! Dahan-dahan naman." galit na reklamo ni Apolo
" Can you pay me a kiss?" Pabiro na wika ko
" Baliw kaba? " Galit na bulyaw niya
"Oh God! Baliw na nga ata ako. Bakit ang hot niya galit galit?" Tanong ko sa aking sarili
" Oh God she's crazy." Narinig ko na wika ni Apolo
Napamura siya ng umpisahan ko tahiin ang sugat sa tagiliran niya.
" Nurse kaba? " Tanong niya sa nanghihina na boses
Maingat na benindahan ko ang tagiliran ni Apolo. Nilabas ko ang damit sa paper bag na dala ko
Nakatitig ako sa 8 pack abs ni Apolo nakangiti ako habang hinahaplos ang abs niya.
" Tigas hehe! Sana akin ka nalang. Perfect ka kasi para maging Asawa ko hindi mo na kailangan mahirapan sa kakatrabaho para lang pakainin ako. Nasa akin na ang lahat ng kailangan mo Pera, magandang katawan, magandang mukha. Hindi lang ako marunong sa gawain bahay pero pwede ko Pag-aralan yon. " Pagbibiro ko
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Apolo ang kamay ko Sabay hila saakin
Nanlamig ang buong katawan ko hindi ako makakilos. Nanlalaki ang mga mata ko bigla kasi ako siniil ng halik ni Apolo saglit lang yon pero sapat na para maramdaman ko ang bultahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
" Get out! Bayad na ako sayo makakalabas kana. " Walang Emosyon na wika ni Apolo wala sa sarili na tumayo ako
" Ninakaw niya ang first ko." Wala sa sarili na sambit ko
" Arayyyy.' Daing ko natauhan ako ng mauntog ako sa pinto
" Sana huwag na magtapo ang landas natin. Ikakasal na ako tatlong taon mula ngayon. " Malungkot na wika ko
" Ikakasal kana pala lumalandi kapa." Masungit na wika niya
" Hindi ko kilala ang papakasalan ko. Arrange marriage ang nangyari, May tatlong taon ako para mahanap ang lalaking magpapatibok ng puso ko. Ito na ang huling pagkikita natin Apolo. Sa oras muling magtapo ang landas natin gagawin ko ang lahat para maging akin ka." Seryoso na wika ko Sabay bukas ng pinto
" Sa muling pagtatagpo natin sisiguradohin kong papatayin kita. Ako mismo ang kikitil sa buhay mo." Narinig ko na wika ni Apolo
Hindi ko alam kung bakit parang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya
Kumatok ako sa hotel room ni Luca Ilang minuto ako bago pinagbuksan nagulo ang buhok ng binata.
Agad din tumalikod nahiga sa sofa dumapa naman ako sa kama.
" Tigilan mo siya Kai isa siyang Top Hired killer. Payong kaibigan lang pero kung mapaibig mo siya sigurado ako magiging ligtas ka sakanya. Kung pwede lang turuan ang puso sana tayo nalang ang magpakasal pero wala eh. kaibigan lang ang tingin natin sa isat-isa. Don't worry tutulongan kita para makalapit sakanya." Inaantok na wika ni Luca
" Kakalimutan ko siya, makikipag date ako sa mga susunod na araw makikipag boyfriend ako. Susubukan ko ang maging wild and liberated. " Malungkot na wika ko
" Hindi mo kaya! Matino kang babae, Mahal mo ang sarili mo hindi mo kayang makipag relasyon kung kanino-kanino lang. 23 kana wala ka pang first kiss." Tugon ni Luca
" Kailangan mo pa talaga ipaalala yan? " Inis na tugon ko
" So tambay tayo sa club bukas? Balik tayo ng manila? Maraming mga sikat na nightclub sa manila mayayaman din at gwapo. Tamang-tama namimiss ko narin ang girlfriend ko." Excited na wika nito para bang nawala ang antok
Napangisi ako
" Kai bakit? I'm sleepy! " Inaantok na wika ni Joann kasintahan ni Luca
Tinutok ko ang cellphone ko kay Luca
" Anong nangyari d'yan? Tapos na ba kayo sa lakad nyo? " Nag-aalala na wika ni Joann
" Tatambay daw kami sa club sa mga susunod na araw. Namimiss na daw nya tumikim ng ibang babae." Pagbibiro ko
Biglang bumangon si Luca napagtanto kung sino ang ka video call ko
" Kai. Kausap mo ba si Joanna?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Luca biglang inagaw ang cellphone ko
" Kai naman! Bakit galit ang girlfriend ko? Dapat hindi na kita pinagbuksan ng pinto eh. Siniraan mo na naman ako kay Joann. Bumalik kana don sa kabilang kwarto bumalik ka na sa Apolo mo. " Naiinis na wika ni Luca Nihila niya ako sa kamay pinagtatabuyan ako palabas ng hotel room nito
Napakamot ako ng Ulo yakap ko ang bag na may lamang pera. Hawak ko ang cellphone ko
Napamura ako ang bilis talaga maasar ni Luca pambihira.
Naglakad ako papunta sa elevator akmang papasok na ako sa elevator natigilan ako ng masilayan ko si Apolo papasok din sa elevator may kasamang babae papasok din sila sa elevator
" Ang bilis niya makakuha ng babae. " Piping sambit ko
Huminga ako ng malalim naglakad ako papasok nasa likuran ko sila. Hindi ko alam kung bakit parang sinaksak ang dibdib ko. Ito lang ang unang pagkakataon na masaktan ako para bang nakaramdam ako ng kabiguan
Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ang tawag ni Joanna.
" Nasaan kana? Madaling araw na baka mapano ka sa labas. Bumalik ka sa kwarto ni Luca. Pinagalitan ko na ang siraulo na yon. Alam naman niyang 24/7 nasa panganib ang buhay mo. " Nag-aalala na wika ni Joanna
" Don't worry! Nasanay naman ako na laging nasa panganib ang buhay ko. Sa awa ng diyos buhay pa naman ako. Huwag kana mag-alala kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Pahinga kana Joanna ang marriage certificate natanggap mo naba? May pirma nayan ni Luca ikaw nalang mag pa register para maging legal na kayong mag-asawa. Alagaan mo ang sarili mo at sabihin mo narin kay Luca na buntis ka. " Mahabang paliwanag ko sa mahinahon na boses
" Mag-iingat ka." Wika ni Joanna
Huminga ako ng malalim hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin para bang nakipag hiwalay ako sa kasintahan ko. Nasipat ko kasi si Apolo nakasandal ang babae sa tabi ko hinalikan niya sa labi.
" Bakit ko inalagaan ang sarili ko? Bakit ko iniingatan ang virginity ko? Kung ikakasal naman ako sa lalaking hindi ko pa nakilala, At hindi ko naman Mahal? I want to enjoy s3x. I want to enjoy my life. " Kausap ko sa sarili ko
Huminto ang elevator naglakad na ako palabas hindi na ako lumingon.
" Hinding-hindi ako iibig! Makikipag laro lang ako sa mga lalaki, Bakit ko iingatan ang virginity ko kung hindi naman karapat-dapat ang pagbibigyan ko nito. Hindi ko nga kilala ang ipapakasal saakin ni Daddy, Simula ngayon hindi na ako magtatago. Makikipag party na ako dadalo sa mga pagtitipon. Hahayaan ko na ang mga gustong pumatay saakin. Bahala na kahit na anong tago ko palagi naman ako nahahanap ng mga taong may galit kay Daddy. " Kausap ko sa sarili ko habang naghihintay ng grab taxi
Nakatayo ako sa harapan ng Hotel habang nakatayo ako may nasipat ako na magkasintahan nag-aabang din sila ng masasakyan. Naglasuot ako ng wireless earbuds nagpatutog nalang ako para malibang
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Apolo para kasing nanadya siya. pinapakita niya saakin na may kasintahan na siya. Nakatayo sila sa tabi ko naglalambingan
Nakapamulsa lang ako, Nakakunot noo ako natanaw ko ang naglalakad na isang lalaki kahina-hinala ang mga titig niya saakin
Pagtapat niya sa harapan ko bigla siya bumunot ng baril tinutok saakin sabay putok. Mabilis ako kumilos umilag ako sabay sipa sa kamay nito. Walang kahirap-hirap sinipa ko siya sa panga bumagsak ito mabilis ako kumilos nilock ko ang leeg ng lalaki gamit lang ang binti ko. Binali ko ang leeg niya gamit lang ang binti ko nasipat ko si Apolo nakatulala siya nakatitig saakin nagsisigaw ang kasama niya na babae tumakbo papasok sa hotel
Nilabas ko ang phone ko
" Sergeant! Locate mo located ko may patay dito. Ikaw nalang ang bahala papuntahin ko nalang sa prisento si attorney. " Bungad na wika ko
" Sandali huwag mo papatayin ang tawag. Kararating lang namin. Okay na huwag kang mag-alala parating na kami. Malapit lang naman kami sa location mo. " Tugon ni Sergeant
" Are you okay?" Tanong ni Apolo hindi ko alam kung namalikmata lang ako na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha
Ibalik ko ang Cellphone ko sa bulsa ko naglakad ako palapit sa grab taxi na huminto iniwan ko si Apolo nakatanaw saakin
" Hindi pala siya ang lalaking bagay saakin, Hindi siya nag-abala na ipagtanggol ako kanina. Nakakalongkot Kalimutan ko na nga lang siya. sayang talaga gwapo pa naman. Kaso may kasintahan na, Dibali nakasabay ko lang naman siya sa bus. Bagong kakilala lang mabilis ko lang siya makalimutan." Piping sambit ko
*
*
Apolo ( Pow)
*
*
" Are you okay?" nag-aalala na tanong ko
Hindi niya ako pinansin naglakad palapit sa grab taxi nakatitig lang ako sakanya
" She's my Fiancee. Sinadya ni Daddy at ng kaibigan niya na makatabi ko si Kailani sa bus. Nagbabakasakali na nagustohan ako ng sinabi ni Daddy na Fiancee ko. Kailani Cherith Willard. Nag-iisang anak ng billionaryo na kaibigan ni Daddy, Bumagsak lahat ng business namin nangutang si Daddy umabot daw ng 300 million ang utang namin sa pamilya ni Kailani. Ang pagpapakasal ang kasundoan ng mga magulang namin. Hindi ako kilala ni Kailani pero ako kilala ko siya. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Nag-iisang anak ng billionaryo. Maganda, sexy, Matapang at mabait. Pero hindi ko siya gusto. "
" Kalimutan mo siya Apolo, tatlong taon pa kaya makakaipon pa ako pangbayad sa utang ni Daddy, Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko gusto. Gagawin ko ang lahat para mabayaran ang utang ni Daddy, Gagawin ko ang lahat para lumayo saakin si Kailani. " Kausap ko sa sarili ko
Akmang papasok na ako sa hotel napamura ako hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako kay Kailani
" Bakit ba kasi ang daming gustong pumatay sa babaeng yon? " Naiinis na kausap ko sa sarili ko nakatanaw ako sa papalayong sasakyan ni Kailani
" Hindi ko naman siya Asawa at hindi ko naman siya Obligasyon. Kung mamatay siya mapapawalang bisa ang kasundoan." Kausap ko sa sarili ko